Gamit ang palad ay marahan kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Agad naman akong natigil dahil silang tatlo na ang nagpunas ng mukha ko gamit ang mga panyo nila. Bahagya akong natawa dahil sabay sabay silang nagpupunas.
Matapos nilang matuyo ang mukha ko ay hindi pa nakuntento si Steff. Naglabas siya ng compact powder sa bag niya at nilagyan ako. Nang matapos ay naglagay naman ng lipstick si Yve sa labi ko. Inabot ni Steff ang compact powder sa 'kin para makapag salamin.
Tumayo si Thea at inayos ang sarili. Walang salita siyang umalis. Tahimik naman kaming naiwang tatlo. Pareparehong nagpapakalma. Kahit ako lang naman ang niloko ay umiyak din sila. Nang makabalik si Thea ay may dala na siyang apat na bottled water. Inabot niya sa 'kin ang isa na agad ko namang binuksan at ininuman.
Muli kong tinignan ang sarili sa maliit na salamin.
"Nung nakita nila ako para silang nakakita ng zombie. Tangina nila! Ang ganda ko namang zombie!"
Ibinalik ko ang compact powder kay Steff bago naglagay ng tequila sa baso na agad ko ring ininom. Tumayo ako't inayos ang black leather skirt kong tumaas. Isang dangkal ang taas nito sa 'king tuhod. I paired it with my hot pink backless halter top.
I put my hair into a messy bun to show off my back and my three-month-old back tattoo. It's a lined tattoo of a roaring lion and a woman's face with a cursive quote 'la vita va avanti' written on my spine.
Dahil katabi ko si Steff ay agad niyang napansin ang tattoo ko.
"Shit! You finally got your dream tattoo!" Steff exclaimed with glee.
Agad na umangat ang kamay ni Yve at hinawakan ang likod ko. Thea got curious, lumapit din siya at tinignan 'yun.
"Totoo 'to? Hindi henna?" Hindi makapaniwalang tanong ni Yve.
"Mukhang totoo. Wala nang epal eh." Si Thea ang sumagot habang marahang hinahaplos ang tattoo ko.
Bahagya akong natawa dahil sa mga side comment nila.
"Come on, Babiis, it's real!" Hinawakan ko ang mga kamay nila at hinila. "Sayaw tayo!"
Muli ko siyang hinila at dinala sa dance floor na marami ring nagsasayaw. Agad silang sumayaw na kasabay ng mga tao sa paligid namin. Sumayaw sila na walang pake kung may kakilala ba sila sa paligid. They're having fun, so am I.
I closed my eyes as the music pulsed through my body, I raised one hand high into the air, letting the rhythm guide my movements. My other hand drifted down to my hip, tracing slow as I danced. The music consumed me, and I let go, lost in the beat and the moment.
Wala na akong pake sa paligid ko. Nandito kami para mag saya.
I opened my eyes and smiled at my friends. May lalaki nang nakalingkis sa bewang ni Steff. Seryoso ang mukha ng lalaki habang nakatingin sa nakangising labi ni Steff.
"Excuse us. Usap lang kami." Paalam ni Steff na agad hinila ang lalaki palabas ng bar.
Parepareho kaming nahinto sa pagsasayaw dahil sa pag alis ni Steff.
"Do you know that guy?" baling ko kay Yve.
Si Yve ang tinanong ko dahil sila ang magpinsan. For sure may alam siya.
"Kairo," Simpleng sagot nito na nakuha ko agad.
Hindi na mapakali ang mata niya. Mukhang may hinahanap siya.
"Girls, wait me in our table. I think I saw my cousins. I'll just greet them." Thea interrupt before excusing herself.
YOU ARE READING
Twisted Red String
RomanceYears later, they met again. This time there's no Wayne in his way. Ross grabbed the opportunity. He took the chance. He claimed what he wanted. They did the THING. A one-night stand- that is for Gia, but Ross doesn't like the idea of it. He wants...
Chapter One
Start from the beginning
