Yve hugged me from my side. Steff did the same. No words came out of their mouths, but their actions were enough to comfort me. They weren't mad.

I looked at Thea. She's watching us with a smile plastered on her lips.

"Hindi mo ginustong maloko." Halos hindi ko na marinig ang sinabi ni Yve dahil sa hina.

Napayuko ako sa mga kamay kong nasa kandungan, readying myself to tell them what happened.

"I saw a picture of them. Sa IG nung babae. It's her birthday. Marami 'yung picture sa post kasama 'yung ibang kaibigan nila. Tapos may isang picture na silang dalawa lang."

Walang nagsalita. Tahimik lang silang nakikinig. Lumapit na rin si Thea sa 'min nang marinig niyang nagkukwento na 'ko. Hindi niya rin 'to alam. Ang alam niya lang nagloko si Wayne. 'Yun lang ang sinabi ko sa kaniya. Hindi detalyado.

"Naka akbay si Wayne kay Nikki. Habang nakayakap naman si Nikki sa bewang ni Wayne. Akala ko normal lang 'yun na picture." My eyes filled with unshed tears.

"Liyah," I smiled at Thea, assuring her that I'm all right.


Okay naman na talaga ako. Hindi ko na mahal si Wayne. Pero hindi naman ibig sabihin nun na hindi na ako nasasaktan. Niloko ako, both as his bestfriend and as his girlfriend. 'Yung tiwala na binigay ko pinalitan niya ng trust issue. Hindi lang para sa mga taong nasa paligid ko, kundi maging sa sarili ko.


"Akala ko normal 'yun. Sabi niya kasi parang kapatid niya na si Nikki." Dahil sa sama ng loob at dahil narin sa alak ay naiyak na 'ko.

"Nag away kami. Nagpaliwanag siya. Naniwala ako. Pinalagpas ko. Humingi ako ng isang araw na space. Kasi kahit nagpaliwanag na siya may parte parin sa 'kin na nagdududa." No one dared to speak.

Kahit basa na ng luha ang pisngi ay nagpatuloy ako. I want them to know. Ang bigat bigat na kasi.

"Isang araw lang ang hiningi ko kasi anniversary na namin kinabukasan. 'Yung buong araw na 'yun wala siyang paramdam. Binigay niya sa 'kin 'yung space na gusto ko."

Ramdam ko ang pagkabasa ng balikat ko kung saan nakasandal si Yve. Umiiyak na rin siya. She's really a softy. Hinawakan ko ang kamay niya para mapakalma siya dahil baka sumpungin siya ng hika.


"Our anniversary came. Bumati siya first thing in the morning. Hindi ako nag reply. Hindi ako nag reply kasi plano ko siyang isurprise." Bahagya akong natawa. "Pumunta ako sa apartment nilang magkakaibigan after ng morning class natin. I want to surprise him , right. Pero ako 'yung na surpresa."


Steff's palm enveloped my hand, and only then did I realize it was shaking due to mixed emotions I'm feeling.

"I saw them naked. Sa kwarto. Sa kama kung saan kami magkayakap na nagpapalipas ng oras. Nasa ibabaw siya ng babaeng sinasabi niyang parang kapatid na niya. She m-moaned his name na parang madalas na niyang ginagawa." Hindi ko na napigilan ang hikbi na kumawala sa bibig ko.


Humigpit ang yakap nila sa 'kin na lalo kong ikinaiyak. Para akong batang aping api at nakahanap ng kakampi.

"I was shocked. Kahit ayaw kong p-panoorin hindi ko magawa. I saw him... I watched him... k-kissing.. l-licking h-her neck." Hindi nalang hikbi ko ang naririnig ko.


Hindi ko sigurado kung kaninong hikbi ang kasabay ng akin. Basa na ang magkabilang balikat ko. Si Thea ay nakaluhod na sa 'king haparan hawak ang tuhod ko.

Mapait akong natawa habang inaalala pa ang nangyari.

"Nasa.. t-tangina.. 'Yung boyfriend k-ko hinihingal sa ibabaw ng babaeng sinasabi niyang parang kapatid niya na! T-tang i-ina... s-sarap na s-sarap siya! Habang a-ako.. habang ako umiiyak na pinapanood sila."

Twisted Red String Where stories live. Discover now