Chapter 35

162K 1.1K 48
                                    

There's a reason why my recent updates are THIS corny. Kinukundisyon ko lang kayo.

PS! Hahaha. Nag-edit ako nang Skype-ing moment ni Ace at Cassandra. Wala akong mahanap na picture ni Ace na nakapout kaya ito na lang. Funny naman eh. Lol. --->>>

MGA TEH! WAG TAWANAN ANG EDIT KO! HAHAHA! OO NA! PANG-KINDER. LOL! AMINADO NAMAN. >:D

**

CHAPTER 35

 

- ACE -

Dumiretso na ako sa salas para i-entertain ang mga gagu kong bwisita. Katatapos ko lang ligpitan ang pinagkainan namin ni Wicked Princess. Badtrip pa rin ako dahil sa biglaang pagsulpot ng mga gagu sa pamamahay namin. Leche eh. Matutuloy na sana... kung di lang sila dumating! Nakakabadtrip.

Kunot ang noong sinalubong ko sila. Prenteng nakaupo sila sa couch. Si Raymer, nakataas pa 'yung dalawang paa sa center table. Naks naman. Gagung gagu lang talaga ang pose!

Tiningnan lang nila ako saglit nang maramdaman nilang nakalapit na ako at tsaka muling ibinaling ang atensiyon sa pinapanood. Leche. Gagung gagu talaga. Pamamahay nila ito?

Dumating pagkaraan si Cassandra na may dalang strawberry juice at homemade biscuits. Saan galing ang mga iyon? Ipinatong niya ang mga iyon sa center table kung saan prenteng namamalagi ang mga paa ng gagung si Raymer. At ang gagu, di man lang tinanggal ang mga paa!

“Yo.” tipid na bati ni Raymer sa akin.

“Ye.” sabi naman ni Jimmy.

Naiinis kong binalingan si Cassandra.

“Bakit pinagsisilbihan mo ang mga gagung iyan? Asawa mo ba sila?” tanong ko.

Kinunutan niya lang ako.

Doon naman ako pinansin ng mga gagu.

“Naka naman Ace. Selos much?” pang-aasar ni Raymer.

“Possessive husband. Awe.” nagpacute pa si Jimmy nung sinasabi niya 'yung Awe. Bwisit! Ang bakla! Nahahawa na 'to kay Raymer eh.

“Magsitahimik nga kayo. Mga gagu!” at binalingan ko na ulit nun si Cassandra. “Hayaan mong sila ang kumuha ng kakainin nila, tutal naman, at home na at home sila eh. Diba, Raymer?” at tiningnan ko pa siya nang nang-uuyam. Siyempre, joke lang 'yun. Pero naiinis pa rin talaga ako.

“Sure babe.” maiksing sagot niya.

Nanatili namang tahimik na nakatayo si Cassandra sa gitna habang hawak 'yung pitsel ng strawberry juice. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa aming tatlo.

“Ah, eh... Ibabalik ko ba ang mga ito?” naguguluhang tanong niya.

Maya-maya ay bumunghalit ng tawa si Jimmy.

“BWAHAHA! Case! Gaga mo.”

Sinamaan ko ng tingin si Jimmy.

“ANONG SABI MO?”

Natigilan siya dun at namumutlang tumingin sa akin.

“Ah, wala Ace... Sabi ko, ang gagu ni Raymer.”

“Aba, ba't ako? Si Ace ang pinakagagu sa atin, alam mo 'yan.”

Leche. Sumasakit ang ulo ko sa mga ito eh.

“Walang tumatawag ng gaga sa asawa ko Jimmy. Kahit pinsan pa niya. Naiintindihan mo?”

Napalunok siya.

Twisted Marriage (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon