Chapter 18

204K 1.7K 186
                                    

Special thanks to Miss @MaskScara for the cover & @makuletcute  kasi siya ang nagpagawa ng cover for TM. The cover is on the right -->>

**

CHAPTER 18

 

- CASSANDRA -

Natameme ako sa sinabi ng baklang si Gio. Maging si Jennifer ay ganun din. Ang kaibahan lang, nakanganga pa siya. Oh gosh, 'te. Tawang tawa lang ako sa hitsura ni Jennifer ngayon eh. Kulang na lang talaga ng langaw at perfect na ang scene.

Pero siyempre, hindi ko magawang tumawa ngayon. Iba eh.

Napatitig na lang ako kay Gio. As in, tapos nanlalaki pa ang mata ko. Nahiya raw ang tarsier sa pagbilog ng mga mata ko.

Tama ba 'tong naririnig ko mula sa balahurang bibig ng bruhang baklang ito?

Seryoso ba siya doon?

Di 'to joke lang?

“Handa akong talikuran ang pagkabakla ko Mich. Babalik ako sa pagiging lalaki ko, 'wag ko lang makitang nasasaktan ka ng sobra. Mich. Allow me to do that. Ayokong nakikitang nahihirapan ka dahil sa pesteng asawa mong 'yan.”

Nanuyo ang lalamunan ko. Kulang na lang eh agawin ko na 'yung sodang iniinom ni Jennifer ng mga panahong iyon. Hindi ako makapagsalita.

Siyempre naman 'no. Ayoko munang magreact kasi hinihintay ko pang sabihin niyang, “Kemberlush lang Mich! Hahahaha! You could've seen your face! Hahahaha soooo epic! The best na ba ang acting ko? Pwede na? Pwede na buhh? Ano 'te?”

Edi napahiya pa ako kapag nagkataon? Baka isipin pa ng Gio na 'to may pagnanasa ako sa kanya. Luh. Ew lang.

Pero dumaan ang ilang minutong katahimikan ngunit wala pa rin ang pamatay niyang baklang lines. Litsi nasaan na ba 'yun? Kanina ko pa hinihintay 'yun eh.

Tumikhim si Jennifer, nabasag tuloy nun ang record breaking na katahimikan sa amin ni Gio. Nakakaasiwa na rin kasi ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Ang lagkit eh. Siyet. May pagkamanyak din ang baklang 'to eh.

“Heh, hem... Teka lang ha baklang Gio. Anong kabalbalan na naman ito? Nahohorny ka na naman eh!” 'yan ang sinabi ni Jennifer. Luh? Anyare sa bunganga ng isang 'to? Nakakakilabot eh. Kung ano anong salita sinasabi. Inosente ako. :(

Napatingin si Gio kay Jennifer na tila bored na bored pa. Bumuntong hininga siya.

“Hayyy 'te. Umamin ka nga, nahohorny ka lang sa'kin eh.”

“GOSH! STOP WITH THAT HORNY THING YOU TWO! ANG BABASTOS NINYO! GRABE!”

Napasigaw na ako. Ewan eh. Kinikilabutan talaga ako. Kahit ba word lang 'yun at joke lang nila 'yun sa isa't isa. Basta, nakakabastos tapos nakakaasiwa. Grabe lang. Seryoso ako ngayon. Ano ba 'tong sinasabi ni Gio. Linawin na kaya niya sa'kin ano? Mamaya na siya makipagbangayan kay Jennifer. Mahaba pa ang oras. Kung gusto nila, iiwan ko sila mamaya nang masolo nila ang pagkakataon. Hmp. Just please. Stop with that horny thing. I hate that word.

Napatingin naman ulit sa akin si Gio. Hinawakan niya ulit ang mga kamay ko. Ew talagaaaaaaaaa.

“Sorry Mich. 'Tong si Jennifer kasi. Tigilan mo na nga 'yang horny horny na 'yan.” tumingin siya ulit kay Jennifer nung sinasabi niya 'yung huling sentence. Inirapan lang naman siya ni Jennifer tapos humalukipkip pa ang bruha.

Tumingin siya ulit sa akin pagkatapos. Nahihilo ako sa kanya 'te!

“Seryoso ako Mich.”

HUH!?

Twisted Marriage (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon