Chapter 5

233K 2.3K 323
                                    

CHAPTER 5

- ACE -

Nakokonsensiya ako.

Akalain ninyo 'yun? May konsensiya pa pala ako? Eh anong magagawa ninyo, tinubuan ako ng konsensiya eh.

Pagkatapos kasi ng inuman session namin nina Raymer, nauna nang umalis si Jim at ang tatlong bebot niya. Ihahatid pa raw niya eh. At grabe, wasted na wasted sila. Lalo na 'yung Janine. Halimaw eh. Pero wala akong pakialam sa kanila.

Naiwan si Raymer. Alam ko lang kung bakit. Gusto niya akong kausapin. So pumasok kami sa loob at nagtimpla ako ng kape. Ako na ang gumawa dahil alam kong tulog na si Cassandra. Hindi naman ako ganun kasama para gisingin pa siya at sabihan na ipagtimpla kami ng kape. Di naman ako disabled ano.

Iniabot ko kay Raymer ang isang tasa ng kape at naupo na sa tabi niya. Lul. Para kaming mag-asawa nito na may seryosong pag-uusapan.

“Thanks, pre.”

Tumango lang ako. Saglit na katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kanya kaya hinintay ko na lang siyang magsimula.

“Ah... Alam ko pre ayaw mong pinapakialaman ang buhay may asawa mo... pero pre... Grabe naman yata para sabihin mo 'yun?” pagsisimula niya. Sabi na eh. About 'to sa maid issue kanina. Leche kasi 'yang Witch na 'yan eh. Pero totoong natuwa naman ako sa ginawa niya. Ayoko nga kasing may ibang makakaalam na kasal kami, diba? Tama ng mga kaibigan at pamilya lang namin ang nakakaalam.

“Hindi ako ang nagsabi nun pre. Siya mismo ang nag-volunteer. Gulat ko nga rin eh.” simpleng sagot ko.

“Pero di mo tinanggi.”

Kumunot ang noong bumaling ako sa kanya.

“Eh bakit ko itatanggi? Para saan? Diba nga, ayaw kong nalalaman ng ibang tao na may asawa na ako? Okay lang 'yun 'no. Hindi naman 'yun big deal.” balewalang sabi ko. Totoo naman. Hindi 'yun big deal. Hindi naman na magkikita pa ulit 'yung mga 'yun eh.

“Sa'yo... hindi big deal... pero kay Cassandra... alam kong it took her a lot of courage and strength para lang masabi 'yun sa harap mo at ng mga babae mo.”

Mga babae ko? Sinabi ko bang type ko 'yung mga 'yun? Si Jenica, pwede pa. Pero... hindi ako interesado eh.

“So pinapangaralan mo na ako ngayon Raymer?”

He sighed. “Hindi naman. Sinasabi ko lang. What if... one day, bigla na lang mawala si Cassandra sa buhay mo?”

Ano ba namang tanong 'yun? Sobrang out of the blue. Eh bakit naman mawawala si Cassandra? Sa'n naman 'yun pupunta? As far as I know, hinding hindi 'yan aalis sa poder ko. Ako lang daw ang lalaki sa buhay nun eh. Tss.

“Edi masaya. Wala ng bwisit sa buhay ko.”

“Ni minsan ba... hindi mo tiningnan si Cassandra bilang isang babae?” hirit pa ni Raymer. Nakain ng isang 'to? Nakakakilabot magsalita eh.

Pero natawa ako. As in.

“Pre? Ano bang tingin ko kay Cassandra ngayon? Siyempre, babae siya! Hindi ko naman siya tinitingnan bilang isang lalaki ano!” HAHAHAHA. Laughtrip din 'tong si Raymer eh.

“Gagu!” nakitawa na rin siya. Nakakatawa naman kasi talaga.

“Pero seryoso pre... hindi mo naman siya tinatrato bilang isang babae eh.” back to serious mode ang loko. Napatigil naman ako sa sinabi niya. Tumungo na lang ako.

“I know. Alam ko, napaka-ungentleman ko dahil sa ginagawa ko sa kanya. Pero ewan eh. Siguro dahil galit pa rin talaga ako sa ginawa niya sa akin kaya nagagawa ko 'yun sa kanya. Ewan lang talaga pare. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Parang, nakasanayan ko na 'yun. Parang hindi na kumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya nasasaktan o nasisigawan eh.”

Katahimikan ulit.

Maya-maya lang eh tumayo na si Raymer.

“Malala ka na pre. Sana marealize mo kung gaano ka kaswerte na may isang Cassandrang anjan at nagtitiis na pakisamahan ka. Kahit ganyan ka sa kanya. Alis na 'ko. Mag-uumaga na eh.”

Iniwan na niya ako dun na nag-iisip.

Mga ilang minuto rin akong nakaupo doon at nag-iisip. Pero wala talaga akong iniisip. Ewan. Tahimik lang ako doon. Weird pero biglang natakot ako sa mga pinagsasabi ni Raymer.

Maya-maya pa ay naisipan ko na ring umalis doon. Nag-ayos na ako ng sarili ko at umakyat na sa kwarto namin ni Cassandra. Inaasahan ko nang tulog na ang babaeng iyon dahil sa sobrang pagod pero nagulat ako sa nadatnan ko pagkabukas ko ng pinto.

Buti na lang hindi maingay 'yung pinto. Hindi niya naramdamang nabuksan ko na iyon.

Bukas ang lampshade at naaninag ko ang likod niya. Nakaupo siya sa gilid ng kama.

Gising pa pala ang Witch.

Ewan pero sa halip na lumapit na eh nanatili lang ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan ang likod niya.

Maya-maya pa eh nakarinig ako ng marahang paghikbi.

Um... umi... umiiyak siya?

Nagulat ako. Totoo. Kasi never ko pang nakitang umiyak ang witch na 'to eh. I mean, 'yung kagaya ngayon. Ewan ko. Ano kayang problema ng witch na 'to?

Weird pero pinagmasdan ko lang talaga siya. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Nang hindi ko na nakayanan, bumaba na muna ulit ako. Mamaya na lang ako aakyat kapag nakatulog na ang witch.

Sa totoo lang, hindi naman ako ganun katigas para hindi malaman kung ano ang dahilan ng pag-iyak niya eh. Believe me. Alam na alam ko. Ako pa? Eh ako lang naman ang dahilan ng pag-iyak niyan. Naiisip ko, sa twing sisigawan ko 'yan, umiiyak kaya ito? Kasi, gaya nga ng sabi ko, hindi ko pa 'yan nakikitang umiyak ng harapan eh. Pero ngayong nakita ko na, biglang kumirot ang puso ko. Naawa ako sa kanya. Weakness ko ang mga babaeng umiiyak. Kahit gaano ko pa sila kinasusuklaman.

Alam ko namang mahal ako ng babaeng 'to. Pero hindi ko talaga magawang mahalin siya. Pagkatapos ng ginawa niya? Sa tingin ninyo magagawa ko siyang mahalin? Napuno na ng galit at poot ang puso ko eh. Nasaktan ako ng sobra sa ginawa niya. Winasak niya ang mga pangarap ko na makasama ang babaeng mahal na mahal ko. Para sa'kin, isa siyang kontrabida sa buhay namin ni Jennifer. Kaya hindi dapat ako naaawa sa kanya dahil lang sa umiiyak siya. Kasalanan naman niya kung bakit siya umiiyak ngayon eh. Kung hindi siya nang-agaw, hindi siya magkakaganito ngayon.

Hindi porke at gusto mo, mapapasa'yo. Pero 'yun nga, napasakanya pa rin ako. Sa papel lang naman.

Nang sa tingin ko eh okay na para umakyat, umakyat na ako. Binuksan ko na ang pinto at nakita kong nakahiga na siya. Lumapit ako sa kanya. Tinitigan ko ang maamo niyang mukha.

“Kung sa ibang pagkakataon siguro, hindi 'yung ganitong pinilit mo ako, sa tingin ko naman magkakagusto ako sa'yo eh. Wala namang masama sa ugali mo. Mabait ka naman at maalaga. Pero hindi eh, hindi ito ibang pagkakataon. Pinilit mo ako eh. Kaya kahit gaano ka pa maging mabait at maalaga, hinding hindi nun mapapalitan ang bagay na ginawa mo sa akin. Sa amin ni Jennifer. Sa ating lahat.” pagkausap ko sa sarili ko habang nakatitig lang sa kanyang natutulog na mukha.

Bigla kong naalala 'yung tanong ni Raymer sa akin kanina.

“Hindi naman. Sinasabi ko lang. What if... one day, bigla na lang mawala si Cassandra sa buhay mo?”

Ano nga ba? Magiging masaya na nga ba ako? Kung nawala ka... sa tingin ko... hindi. Hindi ako magiging masaya. Mamimiss ko ang mukha mo. Ang pagluluto mo, 'yun ang tanging bagay na nagustuhan ko sa'yo. 'Yung pag-aayos mo ng necktie ko. 'Yung pagiging utal mo sa twing kakausapin kita. 'Yung mga simpleng ngiti mo.

Weird pero ang dami ko palang mamimiss sa babaeng ito.

Siyempre... ang pinakamamimiss ko...

Eh 'yung pagiging Witch mo sa buhay ko.

Napangiti ako sa naisip kong 'yun.

“Hayy. Cassandra... Isa kang nakakabaliw na babae.” bago ako humiga sa tabi niya ay hinalikan ko muna siya sa noo niya.

“I'm sorry Sandy. I'm really sorry.”

At nakatulog na rin ako sa tabi niya.

Twisted Marriage (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon