Chapter 7

231K 2.3K 383
                                    

CHAPTER 7

- CASSANDRA -

Tiningnan ko lang ang papalayong imahe ni Ace. Napabuntong hininga na lang ako.

Nung nalaman kong isasama niya ako sa kasal ni Jimmy, di ko mapigilan ang hindi matuwa. Sino ba naman ang hindi 'no? Ikaw, na palaging sinisigawan, kinagagalitan, sinasaktan, at kung ano ano pa ng asawa mong walang pakialam sa'yo, bigla kang aayain na sumama sa kanya sa kasal ng kaibigan niya? That's new!

Alam ko naman na kasing ikakasal na si Jimmy. Nasabi na niya nung minsan. Totoo ang sinabi ni Ace kanina, close talaga kami ni Jimmy. Pinsan ko po kasi siya. ^_^

Well, ang gulo ba? Kung pinsan niya ako, bakit hindi ako kilala ni Tito Ryan? Actually, di ko rin kilala si Tito Ryan eh. Haha. Ewan ko, magulo lang talaga. Hayaan ninyo na 'yun. Hindi naman mahalaga eh.

Akala ko talaga eh hindi na ako makakaattend sa garden wedding ng pinsan ko. Omo! Garden wedding! That's my dream wedding! Pero hindi na siya dream kasi nangyari naman na. Garden wedding din ang sa amin ni Ace eh. Pero naeexcite pa rin ako ngayon kasi first time kong aattend ng isang garden wedding bilang bisita at hindi as the bride mismo.

Oops. May naisip ako. Alam kong naiisip ninyo rin siya. Remember last time nung nagpakilala ako as maid ni Ace sa harap nung Jen ba 'yun? Diba nag-greet kami ni Jim nun at parang nagalit yata ng slight si Ace? Nagselos lang 'yun! Alam naman niyang pinsan ko si Jim pero ewan, lahat na lang pinagselosan. Possessive masyado eh. Gusto niya siya lang ang pinagsisilbihan ko. Eh siya lang naman talaga eh. Hahaha. Okay, nag-explain pa talaga ako. Wala lang, feel ko lang mag-explain. Baka kasi sabihin ninyo ang labo ko naman.

So okay... heto nga. Sinabi niyang isasama daw niya ako! Hindi ko napigilang magtatalon sa sobrang tuwa! Oh gas! Ito ang first time na lalabas kaming magkasama! Kaya kailangan kong magpaganda ng bongga! Kaya nga po inabot ako ng isang oras eh. Actually, madali pa nga 'yun. 'Yung ibang mga babaeng alam ko nga eh mas matagal pa kesa sa'kin.

Katulad ni Jennifer.

Oh, well. Kaano ano ko naman si Jennifer? Akala ninyo hindi ko kilala 'yun ha? Hahaha. Kilalang kilala ko po. At malalaman ninyo lang ang ugnayan namin sa isa't isa sa susunod na POV ko. Which is, medyo matagal pa. Nakisingit lang ako ngayon. Wala eh. Iniwan ako ni Ace eh.

Akala ko nga eh tatanggi siya 'pag pumayag ako. Pero hindi, nagpatangay na lang siya dun sa lasinggerang babaeng 'yun eh. Gurabe talaga. Bakit ba ang hilig ni Ace sa mga babaeng lasinggera? Try ko ngang maglasing mamaya, baka sakaling mapansin ako ni Ace. Baka sakaling mahalin niya na rin ako.

Ajuju. Ang drama ba? Oo, alam kong madrama ang buhay may asawa ko. Kaya nga tumatawa na lang ako eh. Ayoko pang mabaliw 'no. Kung tutuusin, sa lahat ba naman ng ginawa ni Ace sa akin, nakakapagtaka lang talaga at nasa tamang pag-iisip pa ako. Ganyan talaga, I have to be strong. Kailangan ko pang mapaibig si Ace eh. Feel ko naman na malapit na 'yung mangyari. Medyo nakikita ko nang lumalambot siya sa akin.

At kailangan ko na ring magmadali. Life is too short! Or rather, my life is too short na. Hahaha.

Ayun nga, nakatayo lang ako dito sa may entrance ng Secret Garden. Grabe, para akong tanga dito na parang naliligaw at hindi invited sa kasal na ito. Wala naman kasi akong makitang kakilala eh. Si Raymer sana pero may kasamang chicks eh. May disadvantage din pala 'tong pagsama ko kay Ace. Hindi ko agad 'yun naisip ah. Masyado kasi akong na-overwhelm nung feeling. Hayy.

Hahakbang na sana ako papunta sa hindi ko alam nang may nagsalita sa may gilid ko.

“Mich?”

Napalingon naman ako. Mich is my surname. Este, was my surname. Salvacion na nga pala ako.

Twisted Marriage (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon