Chapter 18: Manugang

Start from the beginning
                                    

Siguro naman hindi niya mahahalata yung ibig sabihin ng lahat ng sinasabi ko.

Kaya nga Yelo yan eh.

Sa sobrang lamig, minsan nagiging manhid.

"Hahayaan ko siya dun sa karelasyon niya. Kasi hindi naman nakikipagrelasyon ang isang tao na para lang sa wala kundi dahil mahal niya yung tao na yun. I will just be happy for them." sabi niya

Now I know the answer.

Ito na siguro yung sign na hinihingi ko kay Lord.

Sign na hanggang friends lang talaga kami ni Ice.

"Thank you Ice." sabi ko

"Sino ba yang lalaking nagugustuhan mo ha? I can see he's hurting you." sabi niya

Yes Ice. You're hurting me.

"Di mo siya kilala." sabi ko

"Pasalamat siya kundi baka upakan ko siya." nagulat ako sa sinabi niya pero wait! Uupakan daw?

So, uupakan mo yung sarili mo?

"Hayaan mo na siya. Kakalimutan ko na rin naman siya eh." sabi ko at ngumiti.

Yes, I'm going to forget you Ice. Not as my best friend but as my first love.

"Good. He doesn't deserve you. And he's stupid for hurting you." sabi niya

What did you just call yourself Ice? STUPID?

"Yeah yeah. Di ka pa ba uuwi? Gabi na oh." sabi ko

"Uuwi na rin. Pero ihahatid muna kita." sabi niya

"Nako wag na. Baka ikaw pa ang gabihin." sabi ko

"I insist. Car keys?" hindi yan tanong.

Kundi command.

Binigay ko na sa kanya yung susi ng kotse ko dahil baka magsungit na naman siya at mag- away na naman kami.

Habang nasa biyahe, tahimik lang kami.

Mage- 8 na rin pala. Di ko gaanong namalayan ang oras.

Pinasok ni Ice ang kotse sa loob ng bahay namin.

At napansin kong nakaabang na sila Mama at Papa sa pintuan pa lang.

Oops, bawala nga pala ako magpagabi kapag andito si Papa.

Wait.

Oh shiz.

Kasama ko nga pala si Ice!

At magkakakilala sila ni Papa! Hindi pwede 'to.

Bumaba agad ako at sinalubong sila Mama at Papa.

Sinubukan ko silang papasukin sa loob ng bahay.

"Ahm Ma, Pa, tara kain na tayo sa loob. Nakakaamoy na ko ng pagkain eh. Hehe!" sabi ko sa kanila

"Anak, hindi pa nga nagluluto yung mga katulong may naaamoy ka na?" sagot ni Mama

Okay, supalpal ako dun ah.

Biglang bumukas yung kabilang pintuan ng kotse ko at lumabas si Ice doon.

Okay, patay na ko.

"Who is he?" tanong ni Dad sakin habang papalapit kami kay Ice

"Yeah who is he?" dagdag pa ni Mama

"Uhm, Ma, Pa, he is... Ice Stanley Dela Flor." sabi ko

"Ohhh! So you are Patricia's boy---" hindi natapos ni Papa yung sasabihin niya dahil umubo ako kunwari. Kunwari pero sobrang lakas

*tinignan ako ni Papa*

Dug dug dug dug.

Jusmiyo, baka mag- away pa si Ice at Papa.

Kung bakit nga ba kasi pumayag akong ihatid niya ko di----

Naputol din yung pag- iisip ko dahil sa susunod na sinabi ng tatay ko.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Manugang!" tuwang tuwang sabi nya kay Ice

Syete trentay uno.

Bakit di man lang siya nagalit?

Tinignan ko si Ice at halatang nagulat siya pero medyo natatawa dahil sa sinabi ni Papa.

His smile, nakakamatay.

Aish! Hay nako Patricia Ramos. Ang lantod mo! Kakalimutan mo na siya okay?

Back to reality...

"Anak, boto ako dito kay Ice. Gwapo eh, mana sakin. Future manugang ko na dapat 'to." dadgdag pa ni Papa

Jusmiyo naman.

Nakakahiya kay Ice!

Yung nanay ko naman nakangiti lang din.

Aish! Kayo na nga magbawal sa tatay ko.

The DareWhere stories live. Discover now