CHAPTER 65

384K 8.5K 610
                                    

ALLY'S P.O.V.

Ilang araw na ang nakalipas mula nang makatanggap ako ng Death threat, simula no'n hindi na ako makatulog ng maayos, nag-aalala ako para kay Frits, yung mga Death threat kasi na natatanggap ko ay puro pagbabanta para sa kaligtasan ni Frits, tuwing papasok kami sa School. Para akong na paparanoid palagi, pakiramdam ko laging may nakasunod O di kaya'y nakamasid sa'min.

"Girlfriend!"

Napaigtad ako nang tawagin ni Frits ang pangalan ko, nasa loob kami ng isang Cafeteria, kumakain kami ng meryenda,

"H-Ha??"

Napakunot ang noo ni Frits. "What's wrong with you girlfriend, tulala ka diyan may problema ba?"

Umiling-iling ako. "H-Ha? W-Wala!" Ngumiti ako sa kanya, "Tara kumain na lang tayo ang sarap nitong spagetting binili mo, ha!"

Tinitigan niya ako ng matalim. At bumuntong-hininga siya. "Psh!Girlfriend, hindi 'yan spagetti, carbonara 'yan."

Bigla kong pinansin ang kinakain ko, natampal ko ang noo ko, kaya pala iba ang lasa, yumuko ako, wala na kasi akong maidadahilan pa, buking na ako.

Tumayo si Frits. Akala ko iiwanan niya ako dahil nagalit siya sa'kin. Ngunit lumapit siya sa'kin, at inilahad niya ang kamay niya sa'kin.

Ngumiti siya. Nakita ko na naman tuloy ang cute niyang dimples.

"Let's go! i think we need to relax, mukhang nai-istress na ang girlfriend ko eh,'"

Tumingin ako sa kanya. Kung alam lang niya.

"Boyfriend,"

"Let's go!"

"Pero may klase pa tayo di ba?"

"Yah! Mag-diditch tayo remember sooner... I'm the owner of this school at magiging sa'yo na rin dahil magiging mag-asawa tayo."

Bigla akong namula sa sinabi niyang iyon, ang sarap pakinggan ang malaman na kasama ako sa pangarap niya.

"Boyfriend, hindi pa rin tayo pwedeng mag-ditch may Exam kami ngayon."

Lumapit siya sa'kin at pilit akong pinatayo. At nang makatayo ako. Hinawakan niya ang dalawang balikat ko, he look at me with a smile.

"Let's go na girlfriend, ipagpapaalam na kita sa professor mo."

Ngumiti ako at sumunod ako kay Frits patungo sa classroom namin. Magkawak kamay kaming naglalakad patungo do'n, at nang makarating kami sa Classroom.

"Sir, pwede bang excuse niyo muna ang Wife ko sa exam ngayon?"

Yumuko ako habang pinagmamasdan ako ng professor namin, hindi na rin bago sa'kin ang mga Classmate ko na tahimik na nakamasid sa'kin ngayon, magkaroon ka ba naman ng Famous student na Boyfriend, natural halos lahat ng mata sa'yo nakatingin.

"Okay, bibigyan ko na lang siya ng special exam bukas."

Ngumiti si Frits. "Thank you Sir," muling hinila ni Frits ang kamay ko. "Let's go girlfriend."

Tumango na lang ako, mayamaya biglang tumunog ang Cellphone ko. Nang babasahin ko, bigla akong kinilabutan sa nabasa ko, napansin pala iyon ni Frits. "Okay ka lang girlfriend? Namumutla ka? May sakit ka ba?" Muli niyang tanong.

Agad kong isinilid ang Cellphone ko sa bag ko. At sinikap kong ngumiti sa kanya at kumilos ng normal.

"Wala naman Boyfriend, medyo sumakit lang ang puson ko dahil may period kasi ako ngayon." alibi ko.

"Hindi ba tayo nakabuo? Sayang hindi nabuo si Junior." Biro niya,

Hinampas ko soya sa balikat. "Baliw ka talaga."

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon