"Tse! Mapapasakin ka rin, itaga mo 'yan sa bato."

"Ano bang ayaw mo kay Jamie, mabait naman siya ah,"

"Mom, mabait 'yan pagtulog. Psh! Pwede ba Mom, wag niyo akong ireto diyan kay Jamie, malabong magustuhan ko 'yan."

"Talaga lang ha! Watch me nae nae." Biro pa niya.

"Watch your face!" Sagot ko.

Inis na inis ako diyan kay Jamie. Mula pa noong nasa Amerika kami, kaya pinilit kong umuwi ng pilipinas at mag-aral na lang dito, dahil ayokong makasama si Jamie, nakaka-stress ang kakulitan niya sa'kin, ayoko sa babae ang makulit talaga

"Zyrus, ihatid mo siya sa magiging kwarto niya." Ani Mommy ng makarating kami sa bahay.

"Psh! Kaya niya na 'yan malaki na siya!" Sagot ko.

Pinandilatan ako ng mata ni Mommy, "Fine, sasamahan na!"

Kinuha ko ang maleta niya at nagtungo kami sa bakanteng kwarto sa second floor ng bahay namin.

"Ohh! Yan ang magiging kwarto mo!" Inis kong sabi sa kanya.

"Thank you, Husband."

Umiling-iling ako.

"Ahmm... Zyrus, bakit ka ba nagagalit sa'kin?"

Napahinto ako sa paglalakad, pumihit ako at nilingon ko siya, for the first time tinawag niya ako sa pangalan ko, nakita ko sa kanya ang mukha niyang pa-iyak na. Nakakainis ang babae na ito, ginamitan ako ng ganyang paawa epek, alam naman niyang mahina ako diyan.

"Ayoko lang ng kinukulit ako, and don't call me Husband, dahil hindi naman tayo mag-asawa."

Ngumiti si Jamie. "Kahit anong gawin mo Zyrus, iyon pa rin ang itatawag ko sa'yo. Dahil gusto ko ikaw ang mapangasawa ko, hindi ako mag-aasawa kung hindi lang naman din ikaw."

"Haist! Ewan ko sa'yo Jamie, bahala ka nga!"

"Hindi ka ba nagagandahan sa'kin?

Kumunot ang noo ko, saka ko lang. biglang pinasadahan ng tingin si Jamie, ang laki na nga ng pinagbago niya. Hindi ko namalayan ang paglapit ni Jamie sa'kin, tinitigan niya ako.

Dug, dug, dug,

Bakit bigla akong nataranta, umiwas ako ng tingin sa kanya. Ngunit hinawakan ni Jamie ang mukha ko at tinitigan niya ako.

"Anong gagawin mo Jamie?"

Ngumisi siya. "Ano bang ginagawa kapag ganito? Syempre hahalikan."

Tapos unti-unting lumapit ang mukha ni Jamie sa'kin. Nakapikit pa siya, hindi ko alam ang gagawin ko, gusto ko siyang itulak, ang lakas ng pintig ng puso ko, 120 volts na yata ang kuryenteng dumadaloy sa katawan ko.

"I'll kiss you Husband," she said in a seductive tone.

"Jamie, please!"

Ngunit wala siyang pakialam, unti-unti niyang idikit ang labi niya sa'kin, one inch na lang ang pagitan ng pumikit ako.

1..

2... seconds, walang labi ni Jamie ang dumikit sa labi ko, unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Nakita ko si Jamie, hawak ang tiyan sa kakatawa.

"Shit!"

"Ha-ha-ha!what do you think Husband? hahalikan kita? See... you'll expecting a kiss from me, akala ko ba ayaw mo sa'kin?"

Sa sobrang inis ko sa kanya. Hinila ko siya at isindal ko siya sa dingding ng kwarto, nakita ko ang pagbago ng reaksyon niya.

"A-Anong gagawin mo?"

Matalim ko siyang tinitigan, Pagkuwa'y ngumisi ako. "Ano bang ginagawa sa babaing nambitin ng halik?"

"I'm just kidding..."

"But, im not!"

Mabilis ko siyang hinalikan sa labi, tapos umalis na ako. Iniwan ko siyang nakatulala, bigla akong napangiti.

"Siguradong hindi mo na ako susubukan pang i-dare na halikan." bulong ko.

Nagtungo ako sa kwarto ko, at nagbabad sa jacuzzi, bigla kasing uminit ang pakiramdam ko, ilang minuto rin akong nagbabad, hanggang sa ma-isipan kong magbihis na. Napansin ko ng pagtunog ng cellphone ko, agad ko iyon kinuha, si Luke fifteen missed call, nag call back ako sa kanya.

"Hay! Salamat at napansin din ang tawag ko." ani Luke.

"Bakit ka ba napatawag?"

"Gusto daw tayong makausap ni Frits mamayang gabi."

"Bakit naman daw?"

"About Allyson,"

"Okay sige, pupunta ako, anong oras ba?"

"Mga seven o'clock sharp, sa Arristokrata bar,"

"Okay! Sure i'll come, thanks!"

"Okay, bye!"

"Bye!"

Sinipat ko ang orasan ko. Alas kwatro pa lang nang hapon.

"May oras pa akong matulog."

Nag-uumpisa na sana akong matulog ng biglang magtext sa'kin si Allyson.

From Ally:

"Zyrus, kumusta na? Bakit hindi kita nakita sa School?"

Gusto kong sabihin sa kanya na sinundo ko ang kaibigan niyang si Jamie, kaya lang sabi ni Mommy, surprise daw iyon, hindi ko nga alam kung anong surprise ang mangyayari sa Birthday ni Ally, dahil meron din kasi akong surprise gift para kay Ally, siguro mamaya ko na lang tatanungin kila Frits ang detalye, nagreply ako sa kanya.

Replied to Ally;

"Tinamad ako eh, bakit may problema ba ang peklatin ko?"

From Ally;

"Ha-ha-ha! Peklatin ka diyan! Makinis ito noh! Amm... meron kaya lang hindi mo naman ako matutulungan."

Replied To Ally:

"Tell me, malay mo naman."

From Ally;

"Haist! Next time na lang, kapag sigurado ng problema,"

Replied to Ally;

"Tell me... please!"

From Ally:

Don't tell to anybody Zyrus, promise!"

Bigla akong kinabahan sa huling text niya.

Replied To Ally;

"Yes, i'll promise."

From Ally;

"Nakatanggap ako ng death threat,"

Kinabahan ako. Nakaramdam ako ng takot para kay Ally, kung kaya't tinawagan ko na siya, ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko, muli akong nagtext sa kanya.

Replied To Ally;

Why you didn't answer my call? I need to talk to you, Ally."

From Ally:

"I will tell you everything tomorrow, not now Zyrus."

To Ally;

"Okay, are you okay?"

From Ally;

"Yeah, dont worry about me,"

To Ally:

"Are you sure?"

Ngunit hindi ba ito muling nagtext sa'kin, hindi na tuloy ako nakatulog dahil sa pag-aalala para kay Ally.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon