“Game na po ulit, Coach?” tanong ko, sinubukang basagin ang tensyon.
Ngumiti siya ulit, mas magaan na. “Game na. Let’s see what else you’ve got, champion.”
At sa pagbaling ko pabalik sa gitna ng rink, isang tanong ang paulit-ulit na gumugulo sa isipan ko:
Sino ka ba talaga, Coach Anthony? At bakit parang may alam ka tungkol sa akin… na ako mismo, hindi ko pa alam?
Tumango ako at muling binaling ang atensyon ko sa ice. Wala dapat ibang iniisip — wala dapat ibang nararamdaman kundi ang galaw, ang rhythm, at ang momentum. Kung ano man ‘yong kakaibang kutob ko kay Coach Anthony, iwinaksi ko muna. Hindi ito ang tamang oras para pag-isipan ang mga bagay na wala naman akong malinaw na sagot.
Pumikit ako saglit habang umiikot, hinayaan ang sarili kong damhin ang bawat pagdulas ng blade. Isa, dalawa, tatlong piruette. Malinis. Buo. Tumigil ako sa gitna ng rink, lumingon sa direksyon ni Coach Anthony. Nakangiti siya — hindi pilit, kundi totoo. Parang proud.
“Nice control,” sabi niya habang lumalapit. “Pero try mong huwag isagad ang pihit sa right hip mo sa huling spin. Mas magiging fluid ang exit mo kapag mas relaxed ang lower body.”
“Noted po,” sagot ko habang hinihimas ang balakang ko. “Kaya pala parang may sabit kanina.”
“Malapit na. Konting adjustments lang.”
Tumabi siya sa akin habang pareho kaming nakatingin sa ice. Saglit kaming natahimik, pero ‘yong katahimikan hindi nakakailang — parang may natural na daloy. First time ko ‘tong maramdaman mula nang nagsimula kaming mag-train.
“Coach, ilang taon na po kayong nagtuturo?” tanong ko, curious.
“More than twenty,” sagot niya, sabay tawa. “Mas matanda pa sa’yo ‘yung career ko.”
Napatawa rin ako. “Grabe, hindi naman halata. Ang lakas niyo pa rin magpakitang-gilas.”
“Syempre,” sabi niya, sabay kindat. “Hindi pwedeng matalo ng estudyante ang coach. Pero ikaw, Keighley, may something ka. Hindi lang sa technique. May drive ka, may focus. ‘Yung tipong hindi madaling matibag.”
Napatingin ako sa kanya, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mahihiya. “Salamat, Coach. Gusto ko lang po kasing sulitin ‘tong chance na ‘to. Marami na rin po akong pinagdaanan.”
Tumango siya, seryoso ang tingin. “At ‘yong pinagdaanan mo, ‘yon din ang nagpapalakas sa’yo. Don’t ever forget that.”
Maya-maya, sabay kaming nag-skate sa rink. Hindi man synchronized, pero ramdam ko ‘yong bonding — ‘yong tiwala niya sa akin at ‘yong pagbigay niya ng space para mas makilala ko ang sarili kong galaw. Tinuruan niya ako ng bagong footwork drills, at ilang beses kaming nagtawanan nang muntik na akong madulas.
Sa bawat correction niya, may kasamang kuwentong personal — tungkol sa mga naging students niya noon, mga tournaments na sinalihan niya, mga pagkakamaling tinawanan na lang paglipas ng panahon. Ramdam kong hindi lang siya basta coach. Isa siyang mentor. Isang taong may lalim, may puso, at marunong makinig.
Ngunit kahit ilang ulit ko nang naririnig ang boses niya, may isa talagang pagkakataon na parang nadulas siya. Habang tinutulungan niya akong ituwid ang posture ko sa spiral, mahina niyang nasambit, “Ganyan… tama na, anak…”
Natigilan ako.
Napalingon siya agad. Parang nagulat din siya sa sarili niya. “I—I mean ganyan kasi ako sa mga istudyanti ko tinatawagkong anak.”
Ngumiti ako, pilit. “Ah… okay po.”
Pero agad ko ring iniwas ang isip ko sa narinig ko. Hindi ko kailangan ng dagdag na iniisip. Hindi ko kailangan ng haka-haka. Wala akong alam, wala rin naman siyang sinabing kumpirmado. Wala akong dapat ipagpalagay.
Bumalik ako sa galaw, sa pagsasanay, at sa routine. Iwinaksi ko muna ang pagdududa. Mas pinili kong tumutok sa koneksyon naming dalawa — hindi bilang kung ano man ang namamagitan samin, kundi bilang coach at atleta.
At sa mga sumunod na oras, tumakbo nang mabilis ang training. Kapwa kami pagod pero masaya. At sa huli, bago ako magpalit ulit ng damit sa locker room, tinapik niya ako sa balikat at sinabi:
“Good job today, Keighley. You’re stronger than you think.”
Ngumiti ako. “Salamat, Coach.”
Paglingon ko pabalik sa rink, saglit akong napatigil. Ang ice — minsang tila salamin — ngayo’y parang tabing na unti-unting nabubuksan. At kahit pilit kong pinipigilan ang sarili, alam kong darating din ang oras na kakailanganin kong harapin ang tanong: Bakit may koneksyon kami ni Coach Anthony na hindi ko maipaliwanag?
Pero hindi pa ngayon.
Ngayon, kailangan ko munang maging mahusay.
YOU ARE READING
Falling Into an Empty Space
Romance"I fell for you like a star crashing from the sky-bright, breathtaking, and destined to be swallowed by the dark." -Keighley Keighley Yaia Brielle Montellano-known in th...
CHAPTER 29: THE WARMTH BEFORE THE FROST
Start from the beginning
