≫∘❀♡❀∘≪
PAG-ALIS niya sa doorway, naiwan akong nakatayo sa harap ng refrigerator, hawak pa rin ang isang pack ng butter na nakalimutan kong ilagay. Para akong tinamaan ng slow-mo effect sa mga romantic movie. Yung tipong hindi mo alam kung ngingiti ka o matutulala ka na lang sa ere.
Pinilit kong pigilan ang ngiti ko pero wala eh-lumabas din. Ang hirap itago ng kilig na hindi ko naman dapat nararamdaman.
He wants to do this again. Next Saturday.
Uulitin namin 'to? Yung simpleng grocery na 'to na somehow naging highlight ng linggo ko?
Umayos kanga Keighley!
Bumalik ako sa pagliligpit, mas magaan ang katawan at mas masaya ang puso. Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto niya sa akin. Kahit hindi siya sweet, kahit hindi siya expressive, kahit minsan para siyang perpektong ginoo na walang damdamin... he still manages to get to me.
Habang inaayos ko ang mga gulay sa vegetable drawer, napahinto ako sandali.
Bakit nga ba ganito? Bakit ako natutuwa sa isang simpleng alok niya ng kasamang grocery? Ganoon ba ako kasabik sa attention niya?
"Keighley, get a grip," bulong ko sa sarili ko. "Hindi to dapat nakakakilig."
Pero totoo eh... nakakakilig. Kahit hindi niya siguro intensyong maging sweet. Kahit baka para sa kanya ay casual lang 'yon.
At kahit anong pilit kong isipin na baka hindi naman 'yon big deal... the way he looked at me kanina, the way he pulled me away from danger, and now, the way he offered another grocery trip-it all felt a little too personal.
Napaupo ako sa stool ng kitchen island, bitbit ang mga thoughts ko na mas magulo pa sa mga expired na resibo sa drawer.
Then may boses na nagsalita sa likod ko-mababa, mahinahon.
"Do you need help in cooking?"
Napalingon ako agad. Si Xyler. Akala ko umalis na siya. Nakasilip lang pala sa may hallway, at ngayon ay lumalapit na.
Medyo napatigil ako, nagulat. Nakita nya kaya ako kanina? Uggghhh nakakahiya.
"I'm sure," sagot ko habang pilit itinatago ang ngiti at hiya, pero naramdaman ko 'yung kakaibang shift sa kanya. Parang may gusto siyang gawin... o sabihin. Kaya imbes na tanggihan ko, I changed my mind.
"Actually," dagdag ko, "kung seryoso ka talaga, pwede ka ngang tumulong. Slice mo 'tong bell peppers tsaka carrots."
Bahagyang kumunot ang noo niya, halatang hindi in-expect na papayagan ko siya. Pero agad ding nagbalik ang kumpiyansa sa mukha niya, at tinaasan ako ng kilay na parang tinatanggap ang hamon.
YOU ARE READING
Falling Into an Empty Space
Romance"I fell for you like a star crashing from the sky-bright, breathtaking, and destined to be swallowed by the dark." -Keighley Keighley Yaia Brielle Montellano-known in th...
