CHAPTER 29: THE WARMTH BEFORE THE FROST

41 10 0
                                        





KINABUKASAN, naalimpungatan ako sa banayad na sinag ng araw na pilit pumapasok sa siwang ng kurtina. I rubbed my eyes, then instinctively reached for the pillow beside me and hugged it tightly.

Nakasuot lang ako ng robe nang bumaba ako patungo sa kusina — tahimik, at gaya ng inaasahan, wala siya roon. Malamang, maaga siyang umalis para pumasok sa trabaho.

Pero may naiwan.

Isang maliit na note, maingat na nakatiklop sa ibabaw ng counter.

Agad kong naupo sa stool, puso ko agad bumilis kahit wala pa akong binabasa. Alam kong sa kanya galing 'yon. Dahan-dahan ko itong binuklat, at sa pamilyar na sulat-kamay niya, nabasa ko:

"Left early for the firm. May meeting ako with the board. Don’t skip breakfast. And keep the ice on your side — I saw the bruise."

Arzy


Napangiti ako, ginamit niya pa talaga yon nickname ko para sa kanya. Not just because of the note itself, but because it felt… personal. Like we were something more than just signatures on a contract.

The scent of brewed coffee lingered faintly — fresh pa. I checked the counter and, to my surprise, may naka-plate na toasted bread, scrambled eggs, at isang sticky note na may drawing ng cartoon egg na may sunglasses. San nya naman to natutunan?. Sa gilid may napansin pa akong isang note



“Eat. Or I’ll have to feed you myself — and we both know how that ends.”

Arzy



I shook my head, trying to hold back a laugh. Corny, but undeniably charming.

Habang kumakain ako, naalala ko ‘yung gabing niligtas niya ako sa bar. Napakapogi niya talaga non.

Hindi ko alam kung saan ito patutungo. Hindi ko rin alam kung gaano ko pa kayang itago sa kanya ang lahat — lalo na’t unti-unti nang nabubuo ang mga bitak sa pagitan namin, bitak na pwedeng maging daan para makita niya ang totoo.

Pero for now, I chose this moment.

This quiet, oddly domestic morning.

Because even undercover agents deserve to feel safe sometimes.

Even just for breakfast.

Pagkatapos kong kumain at linisin ang pinagkainan, nagdesisyon akong lumabas—kailangan kong makalanghap ng ibang hangin. Na-miss ko na rin sina Sister Sena at ang mga bata.

Sinuot ko ang simpleng puting blouse at beige na trousers—malinis, maayos, pero hindi flashy. Light makeup lang. Ayoko ng masyadong attention ngayon. I just want to feel normal.


Pagdating ko sa gate, agad akong sinalubong ng pamilyar na ingay ng mga batang naglalaro. Tumalon ang puso ko nang makita ko si Nisrine—may hawak siyang Barbie na halos kalbo na, at pinapagalitan si Mika na parang kakain ng crayon.

“Mimi Keighley!” sigaw ni Nisrine nang makita ako.

Hinubad ko ang shades ko at ngumiti. “Kamusta na ang mga baby ko?”

Agad na napatigil ang mga bata at napatingin sa akin—parang naalerto ang buong courtyard. Ilang segundo lang, bigla silang nagsitakbo paakyat sa akin.

Si Nisrine ang naunang yumakap sa baywang ko—mahigpit, parang ayaw na akong pakawalan. Kasunod niya, ang iba pang bata, sabay-sabay akong niyakap.


Falling Into an Empty Space Where stories live. Discover now