CHAPTER 5: STUCK IN A SCRIPTED LIFE

88 14 8
                                        


───❅✵ ·❆· ✵❅───





DUMATING din ang gabing kinatatamaran ko.


At tulad ng inaasahan, naroon si Xyler—tahimik, seryoso, at para bang wala talagang pakialam sa paligid. Parang obligado lang siyang dumalo, katulad ko.

Pagkapasok ko sa dining hall, agad akong sinalubong ng malakas na boses at ng masiglang energy ni Tita.

"Oh, hija! You look stunning tonight!" masigla niyang bati, para bang matagal niya akong hindi nakita.

Ngumiti ako nang tipid at bahagyang tumango. "Thank you, Tita. You look gorgeous yourself too," sagot ko, kahit pilit ang tono.

"Nako, salamat hija. Halika na't umupo na tayo." Hinawakan niya pa ang braso ko at halos hilahin na ako.

Kung puwede lang talaga akong magpaalam at umalis, ginawa ko na. Pero hindi. Hindi ito isang ordinaryong dinner. Ito ay isang scripted event na pinilit ipasok sa buhay ko—at kailangan kong gampanan ang papel ng masunuring anak.

Umupo ako sa tabi ni Xyler—hindi dahil gusto ko, kundi dahil wala nang ibang puwesto at malinaw na sinadya ito ng mga magulang namin. Sa kabilang dulo ng mahahabang upuan ay nakaupo si Dad at si Tita Eunette, habang nasa gitna nila si Cassius—na masayang kumakain ng dessert.

Tahimik ang hapunan sa pagitan namin ni Xyler, pero ang kabilang banda ng lamesa ay punong-puno ng usapan.

Wala silang ibang pinag-uusapan kundi ang kasal—at ang mas pinakairitang pakinggan—ang merging ng Motellano at Hawthorne companies pagkatapos ng kasal.

Para bang wala kaming boses sa sariling buhay namin?

Magsasalita na sana ako nang maramdaman kong nakatitig si Xyler sa akin. Slowly, I turned to him. Our eyes met-briefly.


"What?" Iritado at nakakunot kong tanong sa kanya.


Nagkibit-balikat siya at bahagyang ngumisi. "You look irritated."

"Because I am," Iritadong sagot ko nang pabulong.

Tumaas ang sulod ng labi niya "That resonates with me."


I didn't answer back. Then went back to slicing my steak.


"Keighley, hija," tawag ni Tita. "We were just discussing venues. How about a winter-themed wedding in Switzerland? Oh, it would be so lovely!"


Napangiti ako ng pilit. "That sounds... cold."


Tumawa siya. "But romantic, no? Imagine the snow, the mountains, the photos! and also the privacy"


Gusto ko sanang sabihin na ang gusto ko lang ay kapayapaan sa buhay, hindi photoshoot sa snow. Pero pinigilan ko ang sarili ko.


Tita leaned forward. "You'll love it there, Keighley. It's already been arranged."


Napatingin ako sa kanya. Arranged.


Just like this marriage. Just like my whole damn life.


Gusto ko nang magwala.


Tumango nalang ako and I swallowed everything. Instead, I grabbed my wine glass and took a long sip.



Sabay kaming bumaling ni Xyler nang marinig naming magsalita si Tito. "So, the wedding will be held on August 1—two weeks from now."

Napatigil ako.


Falling Into an Empty Space Where stories live. Discover now