CHAPTER 26: DOUBLE LIVES, DEADLY SECRETS

38 10 0
                                        




NANG humampas ang hangin sa mukha ko habang bumibilis ang takbo ng motor, parang hinahawi rin nito ang mga maskarang pinilit kong isuot sa loob ng bahay. Ang katahimikan namin ni Xyler pagkapasok, ang bawat bitaw niyang salita, ang biglaang tawag ni Orvyn-parang pinagtahi-tahi ang mga pangyayari para bumuo ng isang sitwasyon na hindi ko na kayang kontrolin.

Bawat kanto, bawat ilaw na nadadaanan ko, tila nagpapaalala sa magkaibang mundo na pinipilit kong pagtagpuin. Ang mundo ko bilang si Keighley, ang asawa. At ang mundo ko bilang... ang multo sa dilim.


EMPERIAL TOWER - 01:48 AM

Nakarating ako sa tagpuan bago pa mag-alas dose. Madilim at tahimik ang paligid ng Emperial Tower sa ganitong oras. Ipinark ko ang motor sa isang tagong eskinita at mabilis na nagpalit ng ibang kasuotan sa likod ng van na naroon na. Tactical gear na mas magaan, mas madaling ikilos.


Nakita ko si Esmeray na naghihintay sa loob. Tahimik lang siyang nakaupo, nakasandal sa pader, hawak ang kanyang sniper rifle. Ang mukha niya'y walang bahid ng kahit anong emosyon. Sanay na sa ganitong buhay.

"Medyo na late ka ata," sabi niya, hindi man lang lumingon.

"Any changes?" tanong ko, mahina. Hindi pinansin ang sinabi niya.

Nag-adjust ako ng earpiece at sinigurong secured ang gear ko.

"Entry point sa east corridor," sabi niya. Habang naghahanda na rin.

"Orvyn on comms?" tanong ko

"Patching him in now," She replied.

"Keighley, visual confirms three guards on your flank. You'll need to use the ventilation shaft two meters east from your current location," boses ni Orvyn, steady sa kabilang linya.

"Copy."

Pero bago pako makaalis, tumingin muna si Esmeray sa akin. "You okay, Keighley? You seem... off."

Pilit akong ngumiti. "Just focused."

Pagkasabi nun tumalikod nako, I moved swiftly, silent steps against metal. Every sound, every shadow, calculated.

Pero habang gumagalaw ako, may isa pang boses sa isip ko.

That was before I started caring...

At sa gitna ng misyon, sa kalagitnaan ng panganib at dilim-ang pinakamapanganib na iniisip ko ay hindi ang mga kalaban.

Kundi kapag sinabi ko ang katotohanan tungkol sa misyon ko, maaaring maging komplikado ang lahat. Lalo na kung may koneksyon pala si Xyler dito.

Pagpasok ko sa ventilation shaft, ramdam ko ang unti-unting pag-init ng paligid. Maraming server sa baba-digital archive room. I slipped down slowly, landing quietly on a storage rack.

"Keighley, two targets headed your way. Maintenance uniforms. Might not be armed pero ingat pa rin," babala ni Orvyn.

"Copy. Going stealth."

Sa likod ng isang rack, I waited-two men passed, talking about schedules and clearance codes. Agad akong dumaan sa kabilang corridor. Then I stopped dead in my tracks.

Through the narrow glass pane of the conference room below, I saw him.

Mr. Xavian Hawthorne.

Xyler's father.

At sa tabi niya... si Senator Xandros Hawthorne. The uncle.

Falling Into an Empty Space Où les histoires vivent. Découvrez maintenant