CHAPTER 29: THE WARMTH BEFORE THE FROST

Start from the beginning
                                        

Pagdating ko sa rink, agad kong naramdaman ang lamig ng paligid. Kahit nasa loob, ramdam ang simoy ng hangin na parang paalala ng katahimikan at disiplina ng lugar na 'to. Tahimik. Malinis ang ice — makintab, halos parang salamin na kayang ipakita ang bawat galaw, bawat pagkakamali.


Tahimik akong naglakad papunta sa locker room. Nagpalit ako ng suot — black thermal top na paborito ko tuwing training, tights na akma sa bawat galaw, at ang skating boots kong medyo luma na pero puno ng alaala ng tagumpay, hirap, at sakripisyo. Hinagod ko ng daliri ang gilid ng boots bago isuot, parang ritual na rin bago humakbang sa yelo.

Nang lumabas ako papunta sa rink, napansin kong kararating lang din si Coach Anthony. May dala siyang gym bag, at mukhang kapapasok lang din mula sa biyahe. Nakatayo siya malapit sa barrier ng rink, tila tinitingnan ang kabuuan ng ice, parang sinusukat kung gaano kalalim ang mga susunod naming hakbang.

Lumapit ako sa kanya, maingat ang bawat tapak ng boots ko sa rubber mats. “Coach,” tawag ko.

Lumingon siya at ngumiti. "Ayos, sakto ang dating mo, Keighley."


Tumango ako, pinipilit na itago ang kaba sa dibdib. Hindi dahil sa training — sanay na ako ro’n. Pero sa tuwing kaharap ko si Coach Anthony, may kung anong bumabagabag sa loob ko. Hindi ko maipaliwanag, pero may pamilyar sa kanya — hindi lang sa paraan ng pagtuturo niya, kundi pati sa mga tingin at kilos niya.

Perks of being an agent—sanay ka na talagang makapansin ng mga bagay na hindi napapansin ng iba.


"Okay ka lang ba?" tanong niya habang binubuksan ang clipboard niya at sinilip ang lesson plan.

"Oo naman, Coach. Ready to go," sagot ko, kahit ang totoo’y medyo magulo ang isip ko.

"Good. Gusto kong magsimula tayo sa basics. I want to see how you move today. May binago akong drills. Try natin i-push ang edge work mo — lalo na sa transition speed."


Tumango ako. "Noted."


Pumasok kami sa loob ng rink. Pagsampa ng blades ko sa yelo, agad kong naramdaman ang pamilyar na pakiramdam — ang saktong lamig, ang gaan ng glide, ang musika ng blade na dumudulas sa ibabaw. Sa yelong ito, wala akong tinatago. Ako lang, at ang sarili kong lakas.


Habang iniikot ko ang rink, napansin kong nakatitig si Coach Anthony. Hindi lang bilang isang coach na sumusuri, kundi parang may mas malalim pa. Parang may gusto siyang sabihin, pero pinipigilan niya.


Paglapit ko ulit sa kanya matapos ang unang set ng drills, binati niya ako. “You’ve improved. Mas stable ka sa backward crossovers.”

“Salamat po, Coach,” sagot ko, humihingal nang bahagya pero may ngiti sa labi.

Sandaling katahimikan. Tumingin siya sa akin, seryoso na. “Keighley… may itatanong sana ako, kung okay lang.”

Nagkibit-balikat ako. “Sure, Coach. Ano po ’yon?”

Tumingin siya saglit sa ice, bago bumalik ang tingin sa akin. “May sinabi ba sa’yo ang mama mo… tungkol sa skating? O sa mga taong naging parte ng buhay niya dati?”

Napakurap ako. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ’yong tanong, pero biglang bumigat ang hangin sa pagitan naming dalawa. “Bakit po n’yo natanong?”


Ngumiti siya, pero hindi naabot ng ngiti ang mata niya. “Wala lang. Natuwa lang ako kasi parang… may mga galaw kang kahawig ng isang student ko noon. Nakakamiss lang.”


Tumango ako, kahit may bahagi ng utak kong nagtatanong. Hindi lang ito tungkol sa skating. May mas malalim pa. Pero ngayon, hindi pa oras. Marami pa akong dapat patunayan — sa sarili ko, sa mundo, at marahil… sa taong nasa harap ko.

Falling Into an Empty Space Where stories live. Discover now