CHAPTER 29: THE WARMTH BEFORE THE FROST

Start from the beginning
                                        

“Ate Kei!” halos sabay-sabay nilang sigaw.

Napangiti ako habang pinagmamasdan silang lahat—may mga kulang man sa ngipin, sobra naman sa ligaya.

“I missed you guys,” sabi ko, pilit pinipigilan ang pag-iyak. Ang dami ko nang na-miss. Ang daming nawala sa akin... pero sila, andito pa rin. Buhay pa rin ang parte kong totoo.

Maya-maya, lumabas si Sister Sena at ang ibang mga madre, suot ang puting belo, bitbit ang pamilyar na mahinhing ngiti. Kasama nila si Jaire na abala sa paglilista sa kanyang notebook

“Ayos ka lang ba, hija?” tanong ni Sister Sena nang lapitan niya ako. Napansin niya siguro ang malungkot kong mukha

“Ayos lang po, Sister. Na-miss ko lang talaga kayo,” sagot ko sabay yakap sa kanya. Mahigpit. Parang anak na bumalik sa tahanan.

Tumango siya. Hindi na nagtanong pa. She always knew when not to ask.

Naglaro ako kasama ang mga bata, tinuruan silang magsulat at magbasa. Nagtawanan kami, nagkulitan. Hindi ko napansin ang oras.


Nang napagod kami, naupo kami sa ilalim ng punong mangga. Si Nisrine, nakaupo sa kandungan ko habang hinihimas ko ang buhok niya—nakasuot pa siya ng beanie na medyo luma pero malinis. Si Jaire naman ay abala sa paggawa ng korona gamit ang mga dahon.


“Busy pa din po ba kayo sa trabaho, Ate Kei?” tanong ni Nisrine, puno ng pag-asa ang boses.

“Medyo busy pa rin,” sagot ko, sabay himas sa beanie niya. “Pero sisikapin kong mas madalas kayong mabisita.”

“Talaga?!” Halos malaglag siya sa saya.

“Turuan mo ulit ako mag-spin, Ate Kei!” sigaw ni Mika, halos matapakan ang notebook niya sa sobrang excitement.

“Syempre naman! Pero bawal kagatin ang crayon, ha?” sabay kurot sa pisngi niya.

Nagtawanan kami. Ang gaan ng pakiramdam—parang sandaling nawala ang bigat ng mundo.

Ilang oras pa akong nag-stay. Tinulungan ko si Sister Sena magturo ng basic reading. Sina Mika at Jaire, abala sa pagbuo ng clay animals. Si Nisrine naman, sinulat ang pangalan ko sa malalaking letra sa notebook niya. Magulo, pero buo. Buo ang effort, buo ang pagmamahal.

Bago ako umalis, lumapit si Sister Sena. Pinagmamasdan naming masayang sumasayaw sa gitna si Nisrine habang pinalakpakan ng ibang bata.

“You know, she asks about you almost every day,” bulong ni Sister Sena.

“Talaga?” tanong ko, habang nakangiti.

“She really looks up to you, Keighley. Like you’re some kind of superhero. And maybe... in some ways, you are.”


Hindi ako agad nakasagot. Parang may humigpit sa dibdib ko. Sa lahat ng pagkukunwari ko sa mundo—dito lang ako totoo. Dito lang ako si Keighley, hindi si Agent 0. Hindi asawa. Hindi sundalo. Hindi undercover. Ako lang.

Tumayo na ako para magpaalam. Sa gate, hinawakan ni Nisrine ang laylayan ng blouse ko.

“Ate Kei, balik ka agad ha?” Aninag sa mata niya ang takot na baka hindi na ako bumalik.

Lumuhod ako, hinaplos ang pisngi niya, at hinalikan ang noo. “Promise. At next time, may dala na akong bagong Barbie. ‘Yung may buo pang buhok.”

Tumawa siya at niyakap ulit ako. Mas mahigpit.

Paglabas ko ng gate, agad akong sumakay sa kotse at pinaharurot ito papunta sa skating rink. Mabigat ang pakiramdam ko — hindi dahil sa pagod ng katawan, kundi sa bigat na bumabalot sa dibdib ko. Ayaw ko pa sanang umalis. Kung puwede lang sanang huminto ang oras kanina. Pero hindi pwede. May kailangan akong harapin. May laban akong kailangang ipagpatuloy.


Falling Into an Empty Space Where stories live. Discover now