CHAPTER 26: DOUBLE LIVES, DEADLY SECRETS

Start from the beginning
                                        

Ang presensya nila dito... hindi lang coincidence 'to.

"Meray," bulong ko sa comms. "I have a visual on two high-value targets. Xavian and Xandros Hawthorne."

Tahimik ang kabilang linya sa ilang segundo bago sumagot si Esmeray, at ramdam ko ang pagbigat ng hangin.


"Damn it... ilang taon na nating sinusundan si Xandros, Kei," aniya. "Lagi siyang nakakalusot. No traces. No trails. Parang multo sa intel system."

Alam ko 'yon. We've had multiple sting operations, surveillance missions, planted bugs, hacked comms-pero si Senator Xandros Hawthorne, palaging malinis. Palaging may scapegoat. Palaging may firewall.

Pero ngayon... nandito siya. Live. Vulnerable. Sa isang classified na meeting with Xavian Hawthorne-na hindi rin ligtas sa suspicion. Hindi ko sya agad namukhaan nung unang dinner kasi masyado akong distracted, kaya pala familiar sakin ang surename nila

Isa ito sa dahilan kung bakit hindi ko pwedeng sabihin kay Xyler ang tungkol sa trabaho kong ito, hindi ko pwedeng isakripisyo ang misyon ko para lang sa personal na bagay.

"Stynx, I need live audio. Right now," utos ko habang naglalagay ng micro-listening drone sa edge ng air vent. "I need ears in that room."


"Deploying relay now... give it five seconds."

I counted in my head.

1... 2... 3...

Click.

Mula sa earpiece ko, unti-unting lumabas ang boses ng dalawang lalaking nasa ibaba.



"...the funds have been rerouted through the shell accounts in Bern," ani Xandros. Calm. Sure. "No names attached. Just the codes."


"Still too close," sagot ni Xavian. "You need to shift to the Cambodia route. The files from Emperial's archive can't fall into the wrong hands."


Napakapit ako sa gilid ng vent.


They were moving money-dirty money-at gamit nila ang mismong system ng Emperial Tower.


"Meray, are you getting this?" tanong ko.


"Loud and clear. Damn, we have them. Finally."


"Don't celebrate yet," Orvyn cut in. "Kahit pa may audio tayo, without a paper trail or a digital signature, this won't stick. Alam mo kung gaano ka-dulas si Senator"


Tama siya. Ilang beses na kaming muntik nang makakuha ng ebidensya. Ilang beses na ring nauna ang mga abogado nila kaysa sa warrant namin. Kahit itong audio nato hindi parin magiging sapat para pabagsakin sila.



"Lynx," dagdag ni Orvyn, "they're moving. Prepare for exfil."


Pero hindi pa ako gumalaw.



Napansin kong may inilalabas na file si Xavian mula sa isang leather case. Makapal. May mga lumang seal.


Isang folder lang ang pinakita niya kay Xandros-then he tapped it twice.


"This is the leverage you've been waiting for," ani Xavian. "Use it. But make sure no one ever sees this."

Napakunot noo ako. Leverage?

"Meray, Orvyn, we need that file. I'm going in," sabi ko, sabay hugot ng stun blade sa kanan ko.


"Negative, Keighley!" mariing sigaw ni Orvyn. "You break stealth now, you'll jeopardize the entire op."

Falling Into an Empty Space Where stories live. Discover now