Zayden's POV
"Bro, hindi papasok si Shayla," narinig kong sabi ni Trina habang naglalakad ako papasok ng classroom.
Napahinto ako sandali. "Bakit?"
"Lagnatin eh. Wala rin daw si Tita, business trip. Kawawa nga eh. Walang kasama sa bahay," she said casually pero may kapilyahang ngiti sa labi niya.
Napakunot noo ako. "Teka... paano siya ngayon?"
She grinned. "Actually, that's why I'm telling you. May favor sana ako."
Fifteen minutes later, dala ko na 'yung biniling lugaw at ilang gamot habang papunta sa address na binigay ni Trina. Hindi ko pa rin alam kung paano niya ako napa-oo. Pero ang alam ko lang—kahit anong dahilan—pupuntahan ko siya.
Pagdating ko sa bahay, ilang beses akong kumatok bago may humina na boses na sumagot.
"Skyler?" mahina niyang tanong, na parang hindi sigurado kung totoo ba 'ko o panaginip lang.
"Oo, ako 'to. Trina sent me. Buksan mo na."
Narinig ko ang pag-unlock ng pinto at pagbungad niya, mukha siyang sobrang hina. Namumula ang ilong at medyo magulo ang buhok.
"Nagugutom ka ba?" tanong ko habang inaabot 'yung bitbit kong lugaw.
"Bakit ikaw? Wala na bang iba?" she mumbled, tumalikod at bumalik sa kama.
Napailing ako. "Trina said walang ibang pwede. Lucky you, ako na lang ang natira."
Hindi siya sumagot. Tahimik lang habang pinapanuod ako ilapag ang mga gamit.
"May gamot ka na ba?" tanong ko, kahit alam ko na ang sagot.
"Wala."
"Siyempre. Ayaw mo talaga ng gamot, 'di ba?" I said, smirking.
She looked at me, eyes squinting. "Paano mo alam 'yun?"
Napatigil ako.
Nagkatinginan kami. I quickly looked away.
"Nabanggit lang ni Trina," I lied.
After a few minutes, pinakain ko siya ng lugaw kahit pilit pa rin siya sa simula. Then, tinry ko na rin siyang painumin ng gamot.
"Ayaw ko ng lasa. Nakakaduwal," reklamo niya, nakapikit habang nakaiga.
"Shayla. Kung gusto mong gumaling, kailangan mong uminom."
"Pwede bang bukas na lang?" she mumbled like a child.
Napangiti ako. Ganito rin siya dati—matigas ang ulo, pero nakakatuwa.
"Bukas baka nasa ospital ka na. Come on. I'll give you Stick-O after."
She looked at me suspiciously. "May Stick-O ka?"
I pulled one from my bag.
"Seriously?" she asked, eyebrows raised.
"Told you. I come prepared."
Natawa siya ng mahina. "Fine..."
Shayla's POV
"Bakit siya?" 'Yun agad ang unang tanong sa utak ko nang makita ko si Skyler sa pinto. Sa lahat ng pwedeng ipadala ni Trina, bakit siya pa?
Pero sa totoo lang, parte ng utak ko natuwa. May parte rin na kinakabahan. Simula noong allergy incident niya, hindi ko na siya matanggal sa isip ko. Lalo na ngayon, habang inaalagaan niya ako... parang may familiar sa kilos niya. Parang si—no. Hindi. Imposible.
YOU ARE READING
WHEN FOREVER MEANT UNTIL (WHEN SERIES #1)
RomanceZayden and Shayla were inseparable, they were each other's first love - two bright, adventurous children growing up in the same small town, sharing tree forts, secrets, and dreams bigger than their backyard. But everything changed the summer they tu...
