Chapter 7: Dance with me

12 4 0
                                        

Shayla's POV

Hindi ko alam kung malas lang talaga ako o talagang sinusubukan ako ng tadhana lately.

P.E. class. Ang pinaka-ayokong subject tuwing may performance task.

"Okay, class," sigaw ng aming instructor habang hawak ang papel ng mga pangalan namin. "For this week's practical exam, you will be dancing Ang Huling El Bimbo in pairs. This is your midterm performance. Kaya do your best, ha?"

Napa-facepalm ako. Ang Huling El Bimbo? As in that song?

Nag-angat ako ng tingin. That nostalgic, bittersweet feeling rushed back. Lala, tayo ulit ha? Bawal ka sumayaw sa iba! A familiar young voice echoed in my head.

I remember that song. Sobrang vivid pa sa memory ko 'yung sayaw naming dalawa. Bata pa kami, pero kahit noon, parang may sariling mundo na kami pag tumutugtog 'yon. I shook my head, brushing the memory off. It's just a song. Get it together, Shayla.

"Partner assignments will be based on alphabetical order!" dagdag pa ni Ma'am habang nilalatag ang papel.

Alphabetical? Noooo. Please not him. Not Skyler.

"Shayla Perico and... Skyler Reyes."

Confirmed. I am cursed.

Napatingin ako sa kanya. Nasa gilid siya ng gym, tahimik lang. Pero nung narinig ang pangalan niya, tumingin din siya sa'kin. Our eyes met for a second—at parang may humigpit sa dibdib ko.

"Ma'am, excuse me po," I said, raising my hand. "Pwede po bang palit partner?"

Tumawa si Ma'am. "Ay naku, Perico, hindi 'to palitan ng upuan. This is a graded performance. You two will work together whether you like it or not."

Ugh. Perfect.

Pagkatapos ng klase, nagpunta ako sa dance room kung saan kami pinapapunta for practice.

Pagpasok ko, naroon na siya.

Nakaupo sa sahig, nakasandal sa wall, at naka-earphones. Mukha siyang kalmado, pero parang may laman ang tingin niya. Parang lagi siyang may iniisip... o may tinatago.

"Hi," bati niya nang makita ako.

"Let's just get this over with," sagot ko agad. "I don't like dancing, lalo na kung may partner."

"Same," he said, standing up. "Pero mukhang wala tayong choice."

He took out his phone and played the song.

The intro of Ang Huling El Bimbo filled the room.

My breath hitched. That guitar riff...

Parang automatic, gumalaw ang katawan ko sa steps na matagal ko nang alam. Kabisado pa rin pala ng muscle memory ko kahit hindi ko na ito sinayaw for years.

"Alam mo na 'yung steps?" tanong niya, medyo nagulat.

I nodded. "Oo. Bata pa lang ako, sinasayaw ko na 'to. With... someone."

With Den-Den.

Napatingin siya sa sahig. "Same here."

Napahinto ako sandali. Same here?

We started dancing slowly, awkward at first. Pero habang tumatagal, nagiging sabay na kami. He followed my lead at minsan siya ang nagli-lead. Smooth siya. Marunong sumabay. Hindi siya 'yung tipo ng guy na pinipilit ang galaw mo. He listens.

At sa bawat ikot, bawat sulyap, para bang... may kilalang kilala akong bahagi sa kanya.

"Bakit parang kabisado mo rin 'tong kanta?" tanong ko habang pahinga kami.

WHEN FOREVER MEANT UNTIL (WHEN SERIES #1)Where stories live. Discover now