Zayden's POV
Hindi ko siya kayang harapin.
Not right away.
Noong araw ng performance namin, I was on my way. Suot ko na nga 'yung uniform namin. Dalang-dala ko na ang lahat—costume, gloves, even her favorite snacks na balak kong ibigay pagkatapos ng sayaw: Yakult and Stick-O.
Pero pagkalabas ko ng gate, everything went downhill.
Biglang tumawag si Dad. Emergency sa company. Something about documents na ako lang daw ang may access. And since ako nga 'yung "Skyler" sa mundo niya, at "Zayden" sa mundo ng pamilya ko, I had to pick—responsibility or promise.
I picked wrong.
Ngayon, nandito ako sa campus. Nakaupo sa bench malapit sa gym, hawak-hawak pa rin 'yung Yakult at Stick-O. Cold na 'yung isa, medyo durog na ang isa. Pero sana, sapat pa rin para sabihin na—I didn't forget.
Hindi ko siya kinalimutan.
"Bro, sure ka bang nandito siya?" tanong ni Kyle, isa sa mga kaklase ko sa subject na 'yon.
I just nodded. "She's usually here around this time."
"Galit pa ba?"
I let out a small sigh. "Hindi nga ako kinausap after nung performance. Tinext ko, seen lang. Kahit 'yung message ko na 'sorry', walang reply."
Kyle gave me a look. "Eh, bro, obvious naman na affected siya. Sayang nga 'yung performance n'yo, solid dapat 'yon."
I know.
Alam ko. Kaya nga hanggang ngayon, ang bigat pa rin sa dibdib.
Naalala ko pa 'yung expression niya habang sumasayaw mag-isa. I was there, pero nakatago lang ako sa likod ng bleachers. I watched her—lahat ng galaw niya, kilala ko.
Kilala ko siya.
Kahit hindi niya ako kilala bilang ako.
So I asked help from someone else.
"Trina," sabi ko habang papalapit ako sa best friend niya na kasalukuyang nagbabasa sa ilalim ng puno.
Tumigil siya at tumingin sa akin, parang nagtataka. "Hmm? Skyler, right?"
I nodded. "Can I ask you something?"
"About Shayla?" she smirked knowingly.
"Yeah..." I scratched the back of my neck. "Galit ba siya talaga?"
She raised an eyebrow. "Hmm, let's just say if looks could kill, baka twice ka nang patay."
Napakunot noo ako. "Ganun na ba kalala?"
"Skyler—no, wait—Zayden?" Bigla siyang tumigil. "Wait. Ikaw si—"
"Please," I cut her off, voice low. "Don't tell her. Not yet. I'm not ready for that part."
Nagulat siya pero hindi na umusisa. "Okay. Fine. Secret ko na lang muna 'yan. Pero bakit mo ako pinuntahan?"
Huminga ako nang malalim. Kinuha ko mula sa bag 'yung maliit na paper bag—nandoon 'yung Yakult at Stick-O.
"I want to say sorry. Gusto kong ipaabot sa kanya. But not through chat, not through a message. I want her to know na pinagsisihan ko talaga 'yung nangyari. I just... I froze, okay? Hindi ko kayang humarap sa kanya after that."
Trina stared at me. Tahimik lang siya saglit, then she smiled a little.
"Alam mo, baka softie ka rin pala sa loob."
"Hindi lang 'softie'... guilty ako. Matagal na."
She tilted her head. "What do you mean?"
But I just handed her the bag. "Just... tell her this is from me. No names. Kung ayaw niyang tanggapin, okay lang. Pero kung tatanggapin niya—baka pwede na akong humabol."
BINABASA MO ANG
WHEN FOREVER MEANT UNTIL (WHEN SERIES #1)
RomanceZayden and Shayla were inseparable, they were each other's first love - two bright, adventurous children growing up in the same small town, sharing tree forts, secrets, and dreams bigger than their backyard. But everything changed the summer they tu...
