Chapter 10: Hidden Jealousy

3 0 0
                                        

Zayden's POV

Lunch break.

Napapikit ako sandali habang hawak ang boteng tubig sa may garden bench malapit sa canteen. Medyo pagod, pero hindi dahil sa klase. More like... pagod na akong manood.

For the third time this week, nakita ko na naman si Shayla na may kasamang Klint Perez. 'Yung same guy na lagi niyang kausap lately. Same guy na palaging nagpapatawa sa kanya. Same guy na—kung hindi ko pa alam na hindi sila officially together—baka akalain kong boyfriend na niya.

"Tumigil ka nga, Zayden," bulong ko sa sarili. "You have no right."

Wala nga naman. Wala akong karapatan magselos. Ako lang naman si Skyler sa mata niya. Hindi 'yung Den-Den na iniwan niya nang hindi sinasadya. Hindi 'yung batang kasama niyang sumayaw ng Ang Huling El Bimbo. Hindi 'yung taong araw-araw niyang pinaghintay noon sa ilalim ng punong iyon.

Ako 'yung taong nawala. At ngayon, ako rin 'yung taong hindi niya matandaan.

"Uy."

Napalingon ako. Si Trina. May hawak siyang milk tea at chips, as usual. Tumabi siya sa akin at ngumiti. "Nakita mo na naman sila no?"

Kumunot ang noo ko. "Ha? Sino?"

"Oo na, sige na. 'Yung Shayla-Klint Love Team. Aminin mo, sinusundan mo 'yung tinginan nila kanina sa hallway."

Natawa siya, ako hindi.

"Hindi ko sila sinusundan," sagot ko sabay inom ng tubig.

"Hmm... defensive. Ganyan talaga kapag patagong nagseselos."

Napatingin ako sa kanya. "Hindi ako nagseselos."

"Sure," sagot niya habang ngumunguya ng chips. "Kaya nga kanina pa kita nakikitang sumusulyap habang hinahatid siya ni Klint sa classroom."

Tahimik lang ako. Trina has always been observant. At minsan nakakainis na sobrang accurate niya.

"Zayden—este, Skyler pala," sabay kindat niya. "Iba 'yung tingin mo sa kanya. At iba rin 'yung tingin mo sa lalaking kasama niya."

Nagbuntong-hininga ako. "I just don't trust that guy."

Trina smirked. "Sino ba talaga ang hindi mo pinagkakatiwalaan? Si Klint... o sarili mo?"

Napatahimik ako sa tanong na 'yon.

Bakit nga ba ako affected? Wala naman talaga akong right. I mean, oo, Shayla was once my everything. Pero that was years ago. Bata pa kami. At ngayon, she doesn't even know it's me.

But watching her laugh at someone else's joke... that used to be my job.

Watching her smile that way... used to be because of me.

Used to.

Later that day, papasok na ako sa classroom namin nang biglang nagkakagulo sa loob.

"Shaylaaaa! May chocolate si Klint para sa'yo!" sigaw ng isang kaklase namin.

"Kinikilig ako, grabe!" tawanan pa ng iba.

Pagkapasok ko, nakita kong may hawak ngang chocolate si Shayla. Pinapalibutan siya ng mga kaibigan niya. Si Klint? Nakangiti sa gilid. Parang proud na proud sa ginawa niya.

I forced myself to act indifferent. Tumungo ako, umupo sa seat ko, kinuha ang notes ko—kahit wala naman akong binabasa.

"Skyler," bulong ni Trina habang tumabi. "Inis ka ba?"

"Hindi."

"Halata."

Napairap ako.

"Ano ba, Trina," bulong ko. "Can we not talk about this?"

WHEN FOREVER MEANT UNTIL (WHEN SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon