Shayla's POV
It was summer in 2005 when I met a boy named Zayden. Sa ilalim ng puno ng mangga kami unang nagkakilala sa kadahilanan na umakyat ako sa taas ng puno at hindi ko na alam kung paano makababa.
"Tulong, tulong, tulong! huhuhu, tulungan niyo ako bumaba!" sigaw ko. May nakita akong batang lalaki na nakaupo sa baba ng puno kaya binato ko ang isang tsinelas ko para mapansin niya ako.
"Hoy, bata! Tulungan mo nga ako bumaba!" sigaw ko sakaniya matapos batuhin ng tsinelas ngunit tinignan niya lamang ako at nagtuloy siya sa ginagawa niya.
Ibabato ko sana ulit ang isang tsinelas ko ngunit tumayo ito at tumingala saakin.
"Hey, stupid!" ano daw ’yon? hindi ko maintindihan.
"Huh? Anong sinasabi mo diyan bata?" sagot ko.
"Tsh. You're really stupid, wait for me I'll ask someone for help." sagot niya na hindi ko naman naintindihan. Naglakad siya papalayo at nagsimula na ako maiyak dahil hindi ko alam anong gagawin ko.
"Hoy! Saan ka pupunta? Tulungan mo ako dito!" mangiyak-ngiyak na sigaw ko.
Ilang sandali lang bumalik siya na may kasamang matandang lalaki, ewan ko kung kaano-ano niya ’to pero gusto ko na makababa rito huhu.
"Manong, tulungan niyo ho ako bumaba. huhuhu." umiiyak na sabi ko.
"Hahahahaha oo ija tutulungan kita, kaya nga ako naparito dahil tinawag ako nitong alaga ko para tulungan ka." sagot niya na nagpahinto sa’kin sa pag-iyak. Ilang sandali pa nakababa na ako at nagpasalamat kay manong na tumulong sa’kin para makababa ako.
"Thank you, Manong,” bulong ko habang pinupulot ang tsinelas kong naiwan.
Paglingon ko, nandoon pa rin ang batang lalaki. Nakatitig lang siya sa akin, may bahagyang ngiti sa labi.
“You’re loud,” sabi niya.
“Mas malakas ako sumigaw kung gusto mo,” sagot ko pabalik.
Umikot siya at nagsimulang maglakad papalayo.
“Hoy! Ano bang pangalan mo?” tanong ko.
“Zayden,” sagot niya nang hindi lumilingon.
“Shayla ako, at simula ngayon Den-Den na itatawag ko sa’yo! Huwag mo akong tatawaging stupid ha!” sigaw ko pa habang sinusundan siya ng tingin.
Hindi siya sumagot, pero bago siya tuluyang mawala sa likod ng puno, bahagya siyang lumingon. “Try not to climb trees if you don’t know how to come down.”
Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa. Pero isang bagay ang sigurado—hindi ko siya makakalimutan.
Mula noon, ilang beses pa kaming nagkita sa ilalim ng puno. He was always alone, reading books or just watching people pass by. May kung anong misteryo sa kanya na parang gusto kong tuklasin. Hindi siya kagaya ng ibang batang lalaki na palaging maingay. Tahimik si Zayden, pero matalas ang mga mata. Para siyang laging may iniisip.
Minsan, lumapit siya sa akin habang nag-aayos ako ng bulaklak sa harap ng bahay.
"You like flowers?" tanong niya.
"Oo, bakit? Ayaw mo ba ng bulaklak?"
"I prefer trees. They live longer."
Natawa ako. “Mas gusto ko pa rin ang bulaklak. They bloom, even for a short time.”
Hindi ko alam kung bakit, pero mula noon, palagi na siyang sumusulpot. Hindi kami palaging nag-uusap. Minsan, tatahimik lang kami sa ilalim ng puno, at iisa lang ang ingay na maririnig: ang mga huni ng ibon at ang hampas ng hangin sa dahon.
Pero may isang araw na hindi ko makakalimutan. It was the day he brought a notebook with him. “Write something,” sabi niya. “Anything.”
“Bakit?”
“Because one day, you’ll forget.”
Sinulat ko ang pangalan ko. Shayla. At sa ilalim noon, sinulat ko rin ang pangalan niya.
Zayden.
Who would have thought that name would linger for years in my memory?
Ang araw na ‘yon ang huling araw na nakita ko siya. Bigla na lang siyang nawala. Wala nang paalam. Wala nang paliwanag. Para siyang hangin—biglang dumating, at biglang nawala.
Nang tanungin ko si Manong kung nasaan si Zayden, isang simpleng sagot lang ang nakuha ko: “Lumipat na sila.”
“San sila lumipat?”
“Malayo. Sa Maynila daw.”
At mula noon, naging bahagi na lang siya ng mga kwento ng kabataan ko. Pero hindi ako nakalimot. Sa bawat lilim ng punong mangga, hinahanap-hanap ko ang presensya niya. Sa bawat pahina ng notebook ko, may pangalan niya. Para bang isang bahagi ng pagkatao ko ang naiwang bukas—isang tanong na wala pang sagot.
At ngayon, ilang taon na ang lumipas. At sa bawat batang tumatakbo sa bakuran, hinahanap ko ang isang pares ng mata na minsan ay tumingin sa akin at tinawag akong stupid.
Minsan naiisip ko, baka ako lang ang nakakaalala. Baka sa dami ng nangyari sa mga taon, nalimutan na rin niya ako. Pero sa gabi, sa katahimikan ng kwarto, bumabalik sa isip ko ang boses niya, ang mata niyang puno ng tanong, at ang notebook na pinasulatan niya.
Ang tanong ko lang: Makikita ko pa kaya siyang muli?
O baka naman, ako lang ang hindi niya kailanman nakalimutan?
YOU ARE READING
WHEN FOREVER MEANT UNTIL (WHEN SERIES #1)
RomanceZayden and Shayla were inseparable, they were each other's first love - two bright, adventurous children growing up in the same small town, sharing tree forts, secrets, and dreams bigger than their backyard. But everything changed the summer they tu...
