Shayla's POV
"Okay, class. Today we'll have a debate," sabi ni Prof. Hernandez habang inaayos ang kanyang laptop sa harap. "Our topic: Kung may taong iniwan ka noon nang walang paalam, patatawarin mo ba siya kung bumalik siya? Or would you ignore him and move on?"
Napatingin ako bigla. What kind of topic is that?
"Teka lang, prof. Hugot?" tanong ni Mark habang nagtatawanan ang buong klase.
"No, it's a test of argument. Real-life scenario, kaya dapat realistic din kayo sa sagot," sagot ng prof.
"Okay, sa left side ng room—'yun ang Yes, papatawarin. Right side—No, ignore na lang."
Tumayo na kami at nagsipwesto. Ako? Of course sa Ignore na lang. I mean, sino ba naman ang gustong papasukin ulit sa buhay ang taong basta na lang nawala, right?
Napansin ko si Skyler. Tumayo rin siya at... pumunta sa kabilang side.
Papatawarin?!
Tsss, figures.
"Shayla," tawag ni prof. "Ikaw magsimula for your side."
Tumango ako at tumayo. Kinuha ko ang mic.
"Para sa akin, if someone leaves you without a word, they made a choice. And that choice doesn't deserve a second chance. Kasi kung importante ka talaga sa kanila, hindi ka nila iiwan na walang paalam."
"Boom!" sigaw ng isa naming kaklase. Tumawa ang iba.
I continued. "You don't just disappear from someone's life and come back expecting everything to be the same."
Pagkaupo ko, nakitang-nakita ko ang reaksiyon sa mukha ni Skyler. Tahimik siya for a few seconds bago tumayo.
"This is interesting," sabi niya habang hawak ang mic.
"Para sa akin," panimula niya, "people make mistakes. Some leave because they have no choice. Hindi lahat ng pag-alis ay dahil ayaw nila. Sometimes, life forces you to go. And when they come back, maybe... they just want to fix what they broke."
Biglang natahimik ang klase.
What did he just say?
"Maybe they're afraid. Maybe they didn't say goodbye kasi... if they did, they wouldn't be able to leave at all," dagdag pa niya.
Napatingin ako sa kanya. Naka-focus siya sa akin habang sinasabi ang mga salita. Parang... may tinatamaan.
Tumaas ang kilay ko. Is this part of the debate or is he saying something else?
Nagpatuloy ang debate. May nagside sa akin, may sumang-ayon sa kanya. Pero as the discussion went on, mas nararamdaman ko 'yung tension sa pagitan naming dalawa.
"Eh kung babalik siya tapos nagbago na siya?" tanong ni Skyler. "You won't even give him a chance?"
"Why should I?" sagot ko. "Change doesn't erase what they did. Regret doesn't equal forgiveness."
"Pero hindi ba mas masakit 'yung magpanggap kang okay na, pero deep inside you're still waiting?" tanong niya.
Bigla akong napatingin.
Waiting?
Hindi ko alam kung bakit, pero parang may bumara sa lalamunan ko. Gusto kong magsalita, pero hindi ko alam kung anong isasagot.
"Grabe! Grabe na 'to! Parang teleserye!" sigaw ni Trina habang natatawa ang buong klase.
"Skyla pa rin 'yan! Skyla forever!" chant ni Mark.
"Okay, class. That's enough," sabat ni prof. "Dismissed na. Galing n'yo."
Habang umaalis ang lahat, napatigil ako sa pag-empake ng gamit ko nang marinig ko si Skyler sa likod ko.
"Shayla," tawag niya.
Lumingon ako ng bahagya.
"Sana... kahit papano, someday, ma-realize mo na hindi lahat ng umaalis ay gustong mang-iwan."
Napatingin ako sa kanya. Gusto kong magtanong. Gusto kong alamin kung saan galing 'yung linya na 'yon.
Pero hindi ko nagawa.
Tahimik siyang lumabas ng classroom.
Kinagabihan, habang nakahiga ako sa kama, hindi ko mapigilang balikan 'yung sinabi niya.
"Hindi lahat ng umaalis ay gustong mang-iwan."
Bakit parang... ako 'yung tinamaan?
Bigla kong naalala 'yung mga taon na hinanap ko si Den-Den. Yung batang kaibigan kong bigla na lang nawala. Walang paalam. Walang sulat. Walang kahit ano.
Lagi kong iniisip, bakit? Anong ginawa ko para iwan niya ako?
And now, there's this guy—Skyler—saying lines na parang straight out of my childhood pain.
Hindi kaya...
No. That's impossible.
Pero bakit may familiarity sa mga kilos niya? Sa mga pananalita niya? Sa paraan ng pagngiti niya minsan? Sa mata niyang parang... may kilala ako?
Naramdaman ko na naman 'yung paghugot sa dibdib ko. 'Yung biglang lamig sa loob ng kwarto kahit hindi naman bukas ang aircon.
Den-Den...
[Flashback – Zayden's POV]
Tahimik ang buong bahay. Ramdam ko ang bigat ng hangin kahit na bukas ang mga bintana. Nasa labas si Shayla, naghihintay. Nasa loob ako, pilit iniintindi ang mga salitang ayaw naming pag-usapan.
"Anak..."
Napalingon ako sa boses ni Mama. Nakaupo siya sa gilid ng kama ko, may hawak na envelope at basang panyo. Iba ang tingin niya ngayon. Hindi galit, hindi pagod—malungkot. Gusto kong tanungin kung bakit. Pero alam ko na ang sagot.
"Kailangan na nating umalis," mahinang sabi niya. "Bukas na ang flight."
Kumunot ang noo ko. "Ma... paano si Lala?"
Pinikit niya ang mga mata niya sa narinig. I know she hates it when I call Shayla that—because it reminds her I'm attached.
"Zayden, alam mong kailangan natin 'to. You... need this."
"Pero Ma, hindi ba pwedeng sa susunod na lang? Ayokong umalis na hindi man lang nagpapaalam sa kanya."
Tumulo ang luha sa pisngi ni Mama. Hinawakan niya ang kamay ko. "Zayden... hindi mo pwedeng sabihin sa kanya. Hindi pa."
"Pero—"
"Anak, please." Mas mahigpit ang kapit niya ngayon. "You have to trust me. One day, babalik ka. Pero ngayon... we have to go."
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan itago. Kung bakit kailangang umalis nang parang magnanakaw. Pero nakita ko sa mga mata ni Mama—there was fear. Desperation. Urgency.
At kahit ayaw ko, tumango ako.
"Okay..."
Niyakap ako ni Mama. Mahigpit. Parang ayaw na niya akong pakawalan.
At sa labas, naririnig ko ang boses ni Shayla.
"Den-Den! Tara na! Larong bahay-bahayan ulit!"
Hindi ko siya sinagot.
At iyon ang huling araw na nakita ko siya.
YOU ARE READING
WHEN FOREVER MEANT UNTIL (WHEN SERIES #1)
RomanceZayden and Shayla were inseparable, they were each other's first love - two bright, adventurous children growing up in the same small town, sharing tree forts, secrets, and dreams bigger than their backyard. But everything changed the summer they tu...
