"Fine, fine," sabay lagay niya ng chips sa mesa ko. "Pero aminin mo na lang kasi. Kahit konti... may gusto ka pa rin sa kanya, 'di ba?"
Tahimik ulit ako.
May gusto? Hindi lang basta gusto. Hindi pa rin nawawala. Hindi nawala.
Even after all these years.
Even after I walked away.
Even after I left her without a word.
Pagkatapos ng klase, naunang lumabas si Shayla kasama si Klint. I watched her from behind as they laughed again. Her laugh echoed in my head—'yung tawa niya noong bata pa kami, tuwing inaasar niya ako sa buko juice na hindi ko kaya. Yung mga araw na ako lang ang dahilan ng tawa niya.
I clenched my fist.
Then a voice beside me said, "Ang possessive mo rin pala minsan, no?"
Si Trina ulit.
"Hindi ako possessive," sagot ko. "Nag-aalala lang ako."
"Uh huh. Nag-aalala sa babae na hindi mo naman sinasabi kung sino ka talaga?"
Napatingin ako sa kanya.
She shrugged. "You know, Zayden—yes, I know your real name—hindi habang buhay pwede kang magtago sa pangalan mong Skyler."
Napangiti siya nang matalim. "And kung patuloy kang magtatago, wag kang magselos kapag may ibang taong kayang ipakita 'yung feelings nila kay Shayla... ng walang tinatago."
That hit hard.
Minsan, hindi mo kailangang sumigaw para masaktan.
Minsan, sapat na ang isang matalinong pang-uusig para magising ka sa katotohanan.
That night, I stayed awake.
I stared at an old drawing—isang stick figure drawing ng batang lalaki at batang babae sa ilalim ng puno. Sa likod ng papel nakasulat:
"Lala + Den-Den = Forever."
Napangiti ako. Pero may sakit sa likod ng ngiti na 'yon.
Kaya mo pa bang panindigan 'to, Den-Den?
Trina's POV
Between teasing and truth
"Seryoso, Shay—aminin mo na kasi."
Nagkibit-balikat ako habang kumakain ng fries sa tapat ng cafeteria bench. Umikot ang straw sa milk tea ko habang sinusubukan kong pigilan ang kilig na nararamdaman ko para kay Skyler—este, para sa kilig na nakikita ko sa best friend ko.
Napatingin siya sa akin, kunot noo. "Ano na naman?"
I raised an eyebrow. "Huwag kang ganyan. Huwag kang pa-innocent diyan. Obvious kaya."
"Obvious saan?" sagot niya, sabay kagat sa Stick-O niyang bitbit palagi. Ewan ko ba dito, parang bata.
"Obvious na kinikilig ka kay Skyler."
She choked. Literal. Parang nasamid sa Stick-O.
"Anong—ha?! Hindi ah!"
Nagtawanan kami pero kita ko sa kanya 'yung panic sa mata. Nahuli ko siya off guard.
"Girl, kahit si Ma'am Villanueva napansin 'yung tension niyo sa debate last time. Like, 'yung exchange niyo? Parang teleserye. Sabi nga ni James, parang kayo na lang kulang sa 'ang kapal ng mukha mong bumalik!' tapos 'dahil mahal kita!' ganern."
Shayla rolled her eyes. "Grabe ka. Debate lang 'yon, Trins. Wala 'yon."
"Sure ka?" I poked her arm. "Eh bakit noong hindi siya sumayaw sa PE niyo, two days kang silent treatment sa buong mundo?"
"Hindi ako nagalit. Disappointed lang. Hindi naman kasi siya nag-explain agad," she said, pouting a little. "At saka mukhang masungit 'yung taong 'yon."
I laughed. "Masungit ba talaga o ayaw mo lang aminin na he gets to you?"
Tahimik siya.
I leaned closer. "Alam mo, Shay, minsan ang mga taong pinaka-ayaw natin, sila talaga 'yung pinaka-nakaapekto sa atin."
"Trina..."
"Ano ba kasi talaga nararamdaman mo kay Skyler?" tanong ko, this time with a softer voice. "Like, if ever lang... what if... what if si Skyler pala si Zayden?"
She looked at me sharply. "Anong sabi mo?"
"Wala. What if lang naman," sabay sip ng milk tea.
"Imposible. Si Zayden... umalis na siya noon. Ni hindi nga nagpaalam. Bakit siya babalik?"
"Hindi mo ba naisip?" I said, watching her closely. "What if may dahilan siya? What if hindi niya ginusto? What if—he was hurting, too?"
Shayla looked down at her Stick-O. Napansin kong hindi na siya kumakain.
"Eh anong gagawin mo kung bumalik si Zayden?" tanong ko ulit. This time, diretsahan. "Tanggap mo ba? Mapapatawad mo ba?"
Tahimik siya.
Napansin ko 'yung pagdadalawang-isip sa mga mata niya. Parang may hinihintay. Parang may gustong marinig pero takot marinig.
"Trins..." bulong niya. "Hindi ko alam. Siguro... kung babalik man siya, gusto kong marinig kung bakit. Bakit niya ako iniwan. Bakit hindi siya nagpaalam. At kung mahalaga pa ba ako sa kanya kahit konti."
I smiled. "And kung si Skyler nga 'yun?"
She sighed. "Ewan ko. Hindi naman pwede 'yun, 'di ba? Magkaibang tao sila."
"Pero hindi mo rin siya matanggal sa isip mo, 'no?"
She didn't respond. Just looked far away, like something inside her was stirring.
"Alam mo, Shay," I whispered with a grin, "kung ako ikaw, I'd start paying attention more. Kasi baka ang hinahanap mo... matagal mo nang katabi."
YOU ARE READING
WHEN FOREVER MEANT UNTIL (WHEN SERIES #1)
RomanceZayden and Shayla were inseparable, they were each other's first love - two bright, adventurous children growing up in the same small town, sharing tree forts, secrets, and dreams bigger than their backyard. But everything changed the summer they tu...
Chapter 10: Hidden Jealousy
Start from the beginning
