Chapter 17: The Beta

Start from the beginning
                                    

Pilit akong umiwas sa lugar na madaming tao. Pinili ko ang parte ng downtown kung saan makikita ang mga shops na hindi masyadong pinupuntahan ng mga tao. Kahit liblib at tagong bayan ang Van Zanth, hindi maipagkakaila na maayos at magandang bayan ito.

It has this eerie yet welcoming atmosphere of a small town. Maging ang mga shops dito, maliliit man ay nananatiling maganda at malinis tingnan. They seemed to have distinct harmony na sa Van Zanth ko lang nakita. Instead of competition, everything seemed to be connected to each other.

Papunta ako sa isang souvenir shop nang natigilan ako sa paglalakad. Biglang bumukas ang pintuan ng store na katapat ng dinadaanan ko. Napaatras ako palayo upang hindi mabanga ang taong lalabas dito. Narinig ko kanyang boses. Mukhang nakikipag biruan sa taong nasa loob. Noong tuluyan siyang makalabas ay pareho kaming natigilan.

“Sebastian.”

Nawala ang ngiti sa labi niya nang makita ako. But it was not surprise written on his face.

“Nandito ka lang pala.”

Agad akong nagtaka sa sinabi niya. “Bakit? May kailangan ka ba sa akin?”

Sebastian seemed to be expecting I’m here. Bumuntong hininga siya saka siya napakamot sa kanyang ulo.

“Kaya naman pala.” bulong niya sa sarili saka siya muling humarap sa akin. “You’re alone?”

Tumango ako. Mas kumunot ang kanyang noo. “Hindi ka dapat umaalis mag isa sa mansion ng hindi nagpapaalam.”

Gusto ko sanang tanungin kung paano niya ito nalaman pero pinili kong tumahimik. Nagpaalam ako sa kanya na may kailangan pa akong puntahan. Hindi ko alam kung bakit pero ayoko muna silang makaharap. Sebastian, Venise, Zander. Inaamin kong nanliliit ako tuwing kaharap sila.

“Samahan na kita.”

Lumingon ako kay Sebastian. Nakapamulsa siya habang naglalakad kasunod ko sa daan.

“Hindi na kailangan.” sinabi ko.

Nagkibit balikat lamang siya na tila sinasabing wala akong magagawa. Napansin ko agad na napatingin ang mga tao sa kanya sa labas. Ang iba ay marahang bumati at nagbow. Hindi ko mapigilan na mailang.

“Hindi mo na ako kailangang samahan. Familiar na sa akin ang bayan.”

Napangiti siya sa sinabi ko. “Hindi tungkol doon ang tinutukoy ko, Laura.”

Wala akong nagawa nang patuloy siyang naglakad sa tabi ko. Pasipol sipol pa siya na tila normal lang sa kanya ang ginagawang pagsunod sa akin. Kalaunan ay napabuntong hininga na lamang ako. Alam kong wala siyang kasalanan sa mga nangyayari. I shouldn’t take it after him.

Habang naglalakad, isang familiar na lalake ang lumapit kay Sebastian. Isa siya sa orders o mga taong madalas na kasama ni Sebastian. Even on weekends they are busy. Makikita sila na nagpapatrolya sa bayan.

May tinanong ang lalake kay Sebastian, tila may hinihingi ng permiso. Tumigil si Sebastian sa paglalakad kaya napatigil na din ako. Nag usap sila pero hindi ko na pinakingan. Nanatili akong nakatayo malapit sa street lamp. Maya maya pa ay napalingon sa akin si Sebastian.

“Busy ako.” sinabi niya matapos muling humarap sa lalake. “Mas importante itong pinapagawa niya.”

Nagtaka ako. Hinintay kong matapos ang pag uusap nila. Noong makaalis na ang lalake, muling humarap sa akin si Sebastian.

“Tara na.”

“Bakit mo ba talaga ako sinasamahan, Sebastian?” tanong ko.

Bahagya siyang natigilan sa tanong ko. Maya maya pa sumeryoso ang tingin niya. “Sabihin na natin na hindi ka ordinaryong mamamayan sa bayan na ito. We have a special order to watch over you.”

Living with a Half BloodWhere stories live. Discover now