Tumambay pa ko ng ilang minuto don bago ko maisipang magsimula ng maglakad. Dun nako tatambay sa room ko para sure na hindi malate. Kaloka naman kasi diba kung ang aga aga kong pumasok tapos malelate pa din ako. 


Eto nga, naglalakad na ko ng mapansin kong andaming girls na nakaharang sa may hallway ng Senior Department. Pansin ko lang, karamihan sakanila mga malalantod ah? HAHAHA Ano kayang meron? Syempre bilang isa sa mga *ehem* CHISMOSA! O, di ako tulad nila na malantod. Minsan lang. XD

Sumiksik ako sa kumpol ng mga estudyante. Napansin ko naman na may isang gwapong lalaki ang naglalakad. Omo. Siya yung exchange student at classmate ko siya.Bongga lang, kabago bago heartthrob na. No wonder, pogi naman talaga. HAHAHAHAH


Tilian here

Tilian there

Tilian everywhere ..


Ang wa'wild lang nila fre, nakakasira ng eardrums, para tuloy hindi school ang napuntahan ko. HAHAHAHA Napansin ko naman yung babaeng katabi niya na nakasimangot ng bongga. As in ~ parang pasan niya ang problema ng whole universe. HAHAAHHAHA Teka, si Montes yon ba? Oo nga! Si Sophia. AY WAIT? Nung isang araw pa ako nagtataka kung bakit sila magkakilala. Machika nga. Hihi


Nakisiksik nanaman ako sa mga mahaharot na kababaihan na balak pa atang sundan si ano. Ano nga ulit pangalan non? Basta yung exchange student na pogi, balak pa atang sundan hanggang 4th floor kung asan ang room namin. Gosh~ pahirap. HAHAHA Nakisiksik lang ako hanggang sa naging success naman. Mga nagalit pa nga sa akin dahil kesyo 

Natapakan ko daw

Nabunggo ko daw

Natulak ko daw


Pake ko? HAHAHA Hinabol ko sila Phia, nang makarating kami sa may 2nd floor halos parang walang tao. Halos lahat ata ng babae ng Senior department naandito sa kumpol ng mga kababaihan na sumusunod kay exchange student. Grabehan? HAHAHA 


Habang hinahabol ko sila, pansin kong parang naiirita yung mga boys na nasa paligid. Para bang sinasabing 'masyiadong pahalata tong mga babaing to. Wala man lang hiya hiya' look. HAHAHHA Natatawa na lang ako.Hanggang sa hindi na ako nakahabol sa dalawa dahil siniksik na ako ng mga fans niya. HAHAHAH Fans talaga? Nagulo naman yung suot kong white na dress. Every Monday and Friday kasi free kaming isuot kahit ano, kaya eto, nakadress ako.


Kasalukuyan pa din akong nasa second floor. Di pa ko naglalakad, masyiado kasing nagkakagulo yung mga babae sa pagsunod. Nagkakatulakan pa nga sa hagdan e. Grabe na talaga. Pinagmasdan ko lang silang nagkakandarapa dun sa may hagdan. Lumapit ako sa may railings ng second floor at sumandal dito. Maya-maya lang naramdaman kong may humalik sa pisngi ko. Pagkalingon ko, si boyfiie pala kasama ang tropa.


"Goodmorning labs" Ivan mah labs. XD

"Morning" sabay ngiti ko sa kaniya

Napatingin ako sa iba, binati ko din sila ng goodmorning. Napatingin naman ako sa wrist watch ko, 7:20 pa lang. 7:45 pa start ng mga klase. 

"Teka, anong meron? Hala. Ba't andaming babae sa hagdan?" takang tanong ni Sarah

"Shems! Nagkakatulakan pa oh." sabi naman ni Princess


Napatingin din si Pauleen doon pati si Kim, pansin ko lang, kumpleto pala kame, si Phia lang wala. HAHAHAHA Tinawanan ko naman silang apat. Nagtataka silang lumingon sa akin.

LoveKada (ON-GOING)Where stories live. Discover now