Hinalikan ko siya sa lips. Tapos ngumiti ako, Mabango ka na nga."

Sinuntok niya ako sa tagliran. "Ikaw talaga! Ang aga niyan."

"Araayy! Girlfriend masakit iyon ah!" Patawa-tawa kong sabi.

"Tse!" Irap niya.

"Kumain na nga tayo." Sabi ko

Nilagyan ko siya ng pinggan at sinandukan ng pagkain.

"Cinderella, gusto niyo bang subuan ko kayo?”

Nakita ko na naman ang pamumula ng mukha niya. Halata kasi sa kanya kapag namumula dahil maputi siya.

"Wag na Frits, kaya ko naman eh,"

Huminto ako sa pagkain. At kumunot ang noo ko. "Anong tawag mo sa'kin?"

"Frits? Ay hindi pala... Boyfriend!" Tapos ngumiti siya sa'kin.

"Good, wag mo na akong tatawagin sa pangalan ko. Gusto ko Boyfriend ang itawag mo sa'kin para malaman ng lahat ng makakarining na you're mine now."

"Okay sige, ahmm... Boyfriend salamat sa effort mo. Gumising ka pa talaga ng maaga para ipagluto ako. "

"Basta para sa Girlfriend ko, gagawin ko ang magpapasaya sa'yo." Tapos ngumiti ako sa kanya.

Tinitigan ako ni Ally. Tapos ngumiti siya sa'kin, tumayo siya at lumapit sa'kin, hinawakan ang mukha ko. pagkuway muli niya akong tinitigan.

"Tsup!"

Bigla akong nagulat sa bigla niyang paghalik sa'kin sa pisngi.

"Dahil sweet ka may bonus ka sa'kin. Thank you Boyfriend." Tapos muli siyang bumalik sa kinauupuan niya. At nagpatuloy sa pagkain.

Dug.dug.dug.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Natulala ako sa ginawa ni Ally, hindi ko alam may kapilyahan din pa lang alam si Ally, nakatingin lang ako sa kanya. Biglang uminit ang mukha ko sa ginawa niya

"Boyfriend ko, tapusin mo na ang kinakain mo may pasok pa tayo ngayon, wag kang masyadong kiligin, smack kiss pa lang ang ginawa ko." Tapos kumindat pa siya sa'kin.

"Aish! Ganito pala ang na-iinlove. nakakatulala." Sabi ko sa isip ko.

Pinagpatuloy ko ang pagkain ko kasama si Ally, habang kumakain kami. Marami kaming napag-usapan. Mga bagay na hindi namin alam sa isa't-isa. Mas lalo tuloy naming nakilala ang isa't-isa, habang pinagmamasdan ko siya, mas lalo akong nahuhulog sa kanya, bakit ba hindi ko ito nakita sa kanya dati? Eh, di sana mas marami na kaming mga naipong memories at Happiness,

"Boyfriend." Tawag niya ng paalis na kami papuntang School.

"Huh? Bakit?'

"Bakit mo ako minahal ngayon? Bakit dati galit na galit ka sa'kin?"

Ngumiti ako sa kanya. "Hindi ko alam kung bakit mahal kita ngayon. Siguro dahil— GINAYUMA mo ako." Nilapitan ko siya at pinagmasdan ko ang mga mata niya.

Umikot ang eyeballs niya. “Ang lakas ng nalunok mong Aircon Branded!”

Ngumisi ako sa kanya. “Gwapo eh,”

Siya naman kumunot ang noo, “What's funny?” Tanong niya.

"Natatawa ako sa'yo. Kahit saang angulo ka kasi tingnan maganda ka pa rin.”

Ngumiti siya sa'kin. "Matagal ko nang alam iyon Boyfriend."

"Mayabang ka rin pala Girlfriend.”

"Ahmm... sapat lang na yabang para mahalin ka." sagot niya.

Hinawakan ko ang kamay niya. "Let's go Girlfriend! Pumasok na tayo sa Academy.”

"Papasok na kayo?" Tanong ni Mommy, nang makita namin siya sa garden niya na nagtatanggal ng mga tuyong dahon, mahilig kasi si Mommy sa mga bulaklak at Orchids.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. At binulungan ko siya. "I made it, Mom."

Ngumiti si Mommy sa'kin. "Good Job!"

"Mommy si Ally po, Girlfriend ko na po siya. Magiging anak niyo na rin siya."

Nakita kong yumuko si Ally, nahihiya siguro siya kay Mommy. Lumapit si Mommy sa kanya at niyakap siya ni Mommy. "Welcome to the family Allyson.”

"Thank you po." tipid niyang sagot.

"Simula ngayon anak na ang itatawag ko sa'yo."

Tumango-tango si Ally. "Kayo po ang bahala, salamat po Tita."

"Wag mo na akong tatawaging Tita, Mom na lang din. Or Mama, sanayin mo na ang sarili mo'ng tawagin ako ng gano'n, dahil Sooner or Later. Magiging Mrs Allyson Santiago ka na."

" H-Ho? Masyado pa po kaming bata para sa pag-aasawa."

Lumapit ako sa kanilang dalawa hinawakan ko ang kamay ni Ally,
"Mom, wag niyo namang i-stress ang Girlfriend ko."

"Sinasabi ko lang ang totoo anak."

"Aalis na po kami Mom, malalate na kami." Pag-iwas ko kay Mom, hindi kasi niya tinantanan si Ally, si Mom kasi gustong-gusto na niyang magkaroon ng Apo sa'kin, kaya ganyan na lang ang suporta niya sa'kin ngayon.

"Oh sige, mag-ingat kayo ha!"

"Bye, Mom!"

"Bye po, Tita!"

Tapos sumakay na kami ng kotse. Ako ang nagdrive patungo sa school.

"Girlfriend..."

"H-Huh?"

"Can you hug me, while i'm driving?"

"Hmmm... si Boyfriend talaga, ang cheezy!"

Naramdaman ko na lang, na niyakap na niya ako habang nagda-drive ako papuntang School.

"Parang mas lalong hindi yata ako makapagconcentrate sa pagda-drive habang nakayap sa'kin si Ally, sobrang lakas kasi ng heartbeat ko. Psh! Ganito pala talaga pag-inlove. Everyday exciting.

Nang huminto ang kotse ko. Dahil sa Stop light, sinilip ko sa gilid ko si Ally, nakayakap pa rin siya sa'kin, habang natutulog. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ko siya.

"The girl i really love most." Bulong ko.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Where stories live. Discover now