What? Two weeks?!
Halos malaglag ang baso ko sa gulat. Ba't parang ang bilis naman? Wala man lang getting-to-know each other stage? Walang engagement? Walang kahit anong normal?
"Hindi po ba parang ang bilis naman, Tito?" Hindi ko napigilang tanungin, pilit pa ring kontrolado ang boses ko kahit halata ang kaba. "Kakakilala pa lang po namin ni Xyler."
Ngumiti si Mrs. Hawthorne pero may laman ang tingin. "You'll have the rest of your lives to get to know each other, hija."
Bago pa ako makasagot, si Dad na ang sumingit. "Wala nang dahilan para patagalin pa. Don pa rin naman patungo, 'di ba?"
Diretso ang tono niya, walang puwang para sa pagtutol. Isang tingin pa lang niya sa akin, alam ko na. Isa na namang pader na hindi ko mababasag.
I clenched my fists under the table and forced a nod, kahit gusto kong sigawan silang lahat.
Hindi na ako nagsalita pa.
I know better than to argue. They won't take no for an answer anyway.
Tahimik na akong tinapos ang pagkain, pero ramdam ko ang bigat sa dibdib ko. Parang may lubid na unti-unting sumasakal sa leeg ko. And I could feel it tightening with every fake smile and every "perfect plan" they were plotting for our lives.
Pagkatapos ng hapunan, hindi ko na talaga kinaya. Pakiramdam ko'y sasabog ako anumang oras. Kailangan kong makalayo, kahit sandali lang. Tahimik akong lumakad papunta sa garden, doon sa pinakadulo kung saan walang ibang makakarinig. Malayo sa usapan, sa mga pilit na ngiti, at sa mga mata nilang puno ng expectations.
Akala ko makakapag-isa ako. Pero hindi.
Nang marinig ko ang papalapit na mga yapak sa damuhan, napapikit na lang ako.
Alam ko na kung sino iyon.
"Ganon ka na ba talaga ka-desperado na makipag-merge sa mga Hawthorne Dad?" tanong ko, hindi man lang lumingon.
Mabigat ang buntong-hininga niya bago siya sumagot. "I just want what's best for you, Keighley."
Napatawa ako-pero walang halong saya. Walang buhay. Puro pait.
"No. You want what's best for yourself," mariin kong sagot. Hindi ko na ginawang kontrolin ang tono ko. Hindi ko na kayang itago ang galit.
Tumikhim siya, tila pigil ang inis. "Not, now, hija. Let's not be hostile. This is a good opportunity—for the both of you."
"This is bullsh*t," I spat, my voice cracking slightly with frustration.
Tahimik lang siya. Wala man lang bakas ng pagkabigla o pagsisisi. Sa halip, tiningnan niya ako ng diretso-mata sa mata—matigas, malamig, walang emosyon.
"Whether you like it or not, you will get married," malamig niyang sabi, at tuluyang tumalikod. Iniwan niya akong nakatayo sa gitna ng dilim, nilamon ng gabing walang bituin.
T*ngina.
Hindi ko na napigilan ang luha. Pero hindi ito dahil sa kahinaan—kundi sa galit. Sa frustration. Sa pakiramdam na parang wala akong kontrol sa sarili kong buhay.
I need to breathe.
Nagmamadali akong lumabas ng property, sinakay ang motorsiklo ko na naka-park pa rin sa driveway. Sa sobrang inis, hindi ko na naisip magsuot ng helmet. I just needed to escape.
YOU ARE READING
Falling Into an Empty Space
Romance"I fell for you like a star crashing from the sky-bright, breathtaking, and destined to be swallowed by the dark." -Keighley Keighley Yaia Brielle Montellano-known in th...
CHAPTER 5: STUCK IN A SCRIPTED LIFE
Start from the beginning
