Tumango si Rhian. "Wag mo nalang replyan.." She sighed. "Si Glaiza ba? Wala ba siyang text?" Medyo paawang tininingnan niya si Bianca dahil talagang nageexpect siya ng text ni Glaiza.

Saglit namang tiningnan ni Bianca ang phone ni Rhian tapos umiling din ito. "Wala e. Wag kana umasa don." Nilapag ni Bianca ang phone ni Rhian sa bedside table tapos tumayo ito. "Anyway, anong gusto mong food? Treat ko na. Birthday mo naman ngayon."

Tiningnan ni Rhian si Bianca. "Food? Bakit?"

Napakunot nanaman ang noo ni Bianca. "Anong bakit? Edi icecelebrate natin yung birthday mo. Aalis lang ako saglit para bumili ng foods. Tapos dito nalang tayo magpaparty sa condo mo dahil nga MAY SAKIT KA." Nagbuntong hininga ito na parang nanghihinayang. "So tell me. Anong foods gusto mo? Dadalin ko dito."


"Pwede bang si Glaiza nalang ang dalhin mo dito?" Medyo paawa nanaman yung boses ni Rhian.


Natahimik si Bianca na parang napaisip pero di rin yun nagtagal. "Akala ko titigilan mo na siya?"


Umiling si Rhian. "Hindi ko pala kaya.."


"Well, hindi ko rin kayang dalhin siya dito e." Naglook away saglit si Bianca. "Uhm, so ano ngang foods? Pizza? Ice cream? Timtams? What?"


Naglook away si Rhian. "Kahit ano nalang..." humiga na siya sa kama na parang wala talaga siyang gana.


Napalunok si Bianca habang nakatingin sa bestfriend niya... "Uhm, okay. Sige. Wait for me here nalang okay?"


Tumango nalang si Rhian at tumagilid na ng higa dahil wala talaga siyang gana ngayon.


Umiling nalang si Bianca at lumabas na ng kwarto ni Rhian.


Bago pa siya makalabas ng condo ni Rhian, kinuha niya yung phone niya at may tinawagan.



"Hello? I need to talk to you. Asap." Binaba niya din agad yung phone niya at nagmadali ng umalis.



//





Napakamot ng ulo saglit si Glaiza at malamim na nagbuntong hininga. "Paano na?"


Nagbuntong hininga din si Bianca. "Yun na nga. I don't know kung anong pwedeng gawin. Hindi ko naman siya pwedeng dalhin sa track kung san siya nagrerace at kung saan gaganapin tong surprise mo dahil nga may sakit siya. Feeling ko, hindi niya kaya."


Napalunok si Glaiza at napapaisip talaga. "Sayang.. Okay na lahat e. Ihahanda na sana yung flowers dun sa track para nga sa birthday surprise ko sa kanya pero eto nga.. Hindi siya pwede. Ano kayang pwedeng gawin?"


Tinaas ni Bianca ang balikat niya tapos umiling. "I have no idea. Wala ka bang plan B?"


Umiling din si Glaiza. "Hindi ko naman ineexpect kasi na mauudlot to. Alam mo yun, nagiisip na ko ng scenes na mangyayari sa utak ko before tong araw na to kasi sure na sure na kong matutuloy to. Pero.... Ugh! May sakit siya.." Napamasahe saglit si Glaiza sa noo niya na parang nasstress. Nagbuntong hininga ulit siya tapos tumingin kay Bianca. "Teka, hindi ba siya nagtatanong kung bakit... Hindi ko siya tinetext ngayong birthday niya? Or di ba siya naghahanap ng message ko?"

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now