The Power of Money

28 0 0
                                    

Umalis na kami sa lugar at hinatid niya ako sa amin, hating gabi na rin kami ng makarating sa bahay. Pagdating ko sa bahay namin punong-puno ako ng kaba kung matatanggap pa ako ng pamilya ko. Madilim at saradong-sarado ang bahay namin kahit anong katok ko walang lumalabas habang si Franco ay naghihintay lang sa kotse.

Ilang sandali pa nilapitan ako ng kapit bahay namin, ibinalita niyang pinalayas ang pamilya ko sa tinitirhan namin. Laking gulat ko sa 2 weeks ko lang nawala sa bahay may ganito na pala kaming problema, labis ang pag-alala ko sa kanila kung saan na sila napadpad. Dagdag pa ng kapit bahay namin na naka confined sa Ospital ang Papa ko, kaya agad akong hinatid ni Franco kung saan siya nakaconfined. Pagdating namin sa Ospital nagkita na kami ng Mama ko habang ang Papa ko ay nakaratay sa kama na walang malay. Nagulat sila sa itsura ko na todo pustura na naka Black Lipstick. 

Nung una ayaw ako pansinin ng Mama ko at kapatid ko akala nila lumandi lang at sumama ako sa bf ko. Hindi ko sila masisi dahil sa biglang pagkawala ko. Pero pilit kong ipinaliwanag ang nangyari sa akin kung bakit ako nawala ng 2 linggo. Nagulat sila sa mga kinuwento at naranasan ko, naawa sila akin at nag-iyakan kami. Ramdam kong nakikinig ang Papa ko habang nagkukuwento ako, nakita ko sa nakapikit niyang mata na may luha ito. Namiss ko talaga ang pamilya ko.

Ipinaliwanag lahat sa akin ng Mama ko ang lahat ng nangyari kung bakit sila pinalayas sa bahay namin at kung bakit na stroke ang Papa ko. Niloko pala ng kasosyo niya sa negosyo ang Papa ko, nagkautang-utang kami pati bahay namin nakuha. Dinibdib ito ng Papa ko gabi-gabi kaya naapektuhan ang health niya kaya siya na stroke. 

Lalo akong naawa sa sitwasyon namin, pero kung dati rati iiyakan ko lang ang problema, this time nakita ng Mama ko kung paano ako mag react nagulat ang Mama ko sa akin.

"Elaine, anong nangyayari sa iyo? Bakit nanginginig ka sa galit?"

"Wala ito Ma, may dapat lang magbayad!"

"Hayaan na natin ang mga alagad ng batas ang magsolve nito, problemahin muna natin kung pano natin mababayaran ang Ospital bill ng Papa mo!"

Hindi na ako umimik pa, habang lumalalim ang galit ko sa mga nanggulang sa amin. Lumabas ako ng kuwarto at hinanap sa labas si Franco. Pero wala na siya, umalis na siya kaya bigla na lang akong nanghina napaluhod at umiyak. Humahagulgol ako sa iyak na parang iniwan na naman ng isang boyfriend, alam ko kasi hindi na siya babalik.

Mamaya pa kinausap ako ng guard ng Ospital at may binibigay na bag sa akin.

"Miss! Ito po ang bag niyo pinaabot ng kasama niyong lalaki kanina naiwan niyo raw!"

Wala akong maalalang gamit para may makalimutan ako sa kotse niya. Kaya binuksan ko agad ang bag na pinaabot sa akin ni Franco. 

Laking gulat ko pagbukas ng bag, punong-puno ito ng pera, kinabahan ako hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot dahil alam ko naman kung saan galing ang mga perang iyun. May sulat na siningit si Franco "Tanggapin mo ito, alam ko kailangan mo ito!"

Natatakot pa rin ako kung gagastusin ko ang perang galing sa mga Gangster. Pero ipit na kami sa sitwasyon kailangan namin ng malaking halaga ng pera pambayad sa Ospital. Kaya laking gulat ng Mama ko ng makapagdeposito na ako sa Ospital at sa laki ng perang binigay ni Franco pwede akong makabili muli ng bahay. Pinalabas ko na lang sa Mama ko na may nautangan ako, pero hindi pa rin siya makapaniwala dahil lahat ng mamahaling paggamot sa Ospital ay pinagawa ko sa Papa ko gumaling lang siya.

Nakita ko ang kapangyarihan ng pera sa mundo, pano nalang kung wala kami baka na tuluyang mamatay ang Papa ko. Lumipas pa ang mga araw unti-unting nakakarecover ang Papa ko, nang magkamalay siya humingi ako ng tawad sa kanya at nagkaayos kami. Inumpisahan kong inasikaso ang lilipatan namin ang bago namin bahay na kabibili ko lang, isang bahay na pina renovate ko at kasama sa pagbili na rin ng bagong kotse.

Nagdududa pa rin ang mga magulang ko kung paano ko nagagawa iyon hanggang sa tanungin na nila ako.

"Hindi ka ba sustentado ng mga Gangster na nakasama mo?"

Hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya nagpauso na lang ako. "May taong tumulong sa akin na makalabas ako ng Gang, pero hindi siya isang Gangster! Secret Agent siya!"

"Anong kapalit nito? Ikaw?" tanong ni Mama.

"Hindi ko alam Mama, pero ang alam ko mahalaga siya sa akin!"

"Pwede ba namin siyang makilala at mapasalamatan man lang?"

"Pwede naman po ang kaso hindi ko alam kung kelan ulit kami magkikita!"

"I-text mo o tawagan natin at nang makausap ko!"

"Pagnagkita na lang ulit kami wala ako number niya!"

Naipaniwala ko sa kanila ang kwentong iyon. Nalutas ko ang problema ng pamilya ko dahil sa tulong ng isang Gangster. Minsan naiisip ko bumalik na lang ako sa pagiging Gangster kung pera, pera lang ang labanan. Pag pinagmamasdan ko ang pamilya ko masaya at walang problema parang gugustuhin ko talagang maging parte muli ng isang gang kung ganito naman kaayos ang pamilya ko.

Pero alam ko nililinlang ko lang ang sarili ko, alam ko naman ang buhay ng isang Gangster. Pinalasap lang sa akin ni Franco kung gaano kasarap pa rin ang mabuhay ng may pera sa mundo at hindi ko na maisip pa ang magsuicide pag may mabigat akong problema.

Nararamdaman ko ngayon kung gaano ako kahalaga kay Franco dahil sa estado ng buhay namin na mas yumaman pa kami kesa dati. Namimis ko siya sa araw araw ng buhay ko, pinupuntahan ko lagi kung saan kami unang nagkita pero walang Franco nagpapakita sa akin.

Dahil sa pangungulila ko sa kanya at naiinip sa kahihintay, nagdesisyon akong ipagpatuloy ang pag-aaral ko para maging abala lang, isang buwan mahigit na rin akong absent hindi ko alam kung tatanggapin pa ako.

Gaya na ng inaasahan ko ayaw na akong tanggapin sa school dahil masyado ng marami ang hahabulin ko. Kahit anong pakiusap ko sa registrar office ayaw na akong tanggapin.

Tinukso na naman ang utak ko sa pag-iisip ng isang Gangster, na pera lang ang kumokontrol sa mundo. Dahil sa kagustuhan kong makapasok ulit, nanuhol na lang ako ng malaking halaga sa registrar office na di nila kayang tanggihan, after that pinapapasok na agad ako kinabukasan and that's the power of money.

(Please read next chapter He's Back!) Vote, Comment lang po. Thanks!

The Gangster who loved me (Short Story)Where stories live. Discover now