Closeness to Fall

32 1 0
                                    

Habang gumagabi nagkaroon ng makabuluhang usapan si Franco at Elaine.

"Para kanino ba yun mga sinisigaw mo nung nasa tulay tayo? Akala ko talaga para sa akin yun!?"

"Ah! Yun!? Inilalabas ko lang ang galit ko sa dati kong kasintahan! Isang rin Gangster!"

"Asan na siya ngayon?"

"Patay na, nagpakamatay dahil lang sa lalaki!"

"Ikaw ba ang yung lalaking yun Boss?

"Oo! Hanggang ngayon hindi matanggal ang pagkaguilty ko sa ginawa niya. Hiniwalayan ko siya para makapagbagong buhay, magkaroon ng tahimik na buhay, maayos na pamilya. Hindi ako para sa kanya maraming deserving na lalake para sa kanya. Gusto na niyang magbagong buhay pero hindi ako tumupad sa usapan namin. Hanggang sa nalaman ko na lang nagsuicide siya bilang ganti sa akin."

"Ang totoo Boss yan din ang dahilan ko kung bakit ako nag-aattempt magsuicide dahil sa iniwan ako ng boyfriend ko na ipinagpalit naman ako sa iba."

"Ganun lang ba ang buhay? Magpakamatay ang babae dahil sa lalaki? Buti na lang takot kang mamatay, kung sakali napaka walang kwenta ng ginawa mo!"

"Sobra-sobra kasi ako magmahal eh! Gusto ko lang naman magmahal ng totoo lolokohin pa ako!"

"Bigyan mo kasi ng pride ang sarili mo, hindi yun nagpapakabuang ka sa Love!"

"Oo nga eh! Dami kong natutunan ng mga nakaraang mga araw parang hindi ko na nga kilala sarili ko."

"Kaya nga pinatigil kita sa training, hindi ka pwede sa mundo namin! Mas mahal mo ang mundo mong kinagisnan kaya binabalik kita!"

"Salamat ulit! Boss!"

"Huwag mo na akong tawaging Boss hindi ka na parte ng grupo ko, Ok?"

"Ok! Pero Franco, naniniwala ka pa ba sa Love after ng nangyari sa iyo?"

"Oo naman, pero hindi ako deserving magmahal. Makakasakit lang ako!"

"Yun tulad ko ba pwedeng magustuhan ng isang Gangster?"

"Bakit mo naman papayagan sarili mong magustuhan ng isang Gangster? Ikaw na ang pinakatangang kilala ko pagpumatol ka sa isang Gangster!"

"Tanga na kung tanga! Paano kung nafa-fall ako sa isang Gangster?"

"Huwag mo sabihing..."

"Oo, Franco hindi ko kayang pigilan ang sarili ko! May feelings na ako sa iyo!"

"Wow! Feelings? Ang bilis naman! Ganyan ka ba talaga parang ang dali lang sa iyo lahat para magkagusto sa iba? Kelan lang halos magpakamatay ka para sa ex bf mo, parang ang hirap naman paniwalaan, kami pa naman mga Gangster hindi madaling maniwala!"

"Oo masyadong mabilis! Hindi ko rin maintindihan sarili ko, nung iniwan mo ako sa hideout niyo ikaw lang ang naging inspirasyon ko para mahalin ko ang buhay ako! Nung sinabing mong magsuot ako ng suicide bombing jacket hindi ako nagdalawang isip na isuot yun. Mamatay na kung mamatay basta sinabi mo gagawin ko. Ang lakas ng impluwensiya mo sa akin parang hindi ko kaya maging malakas kung wala ka! Pinipigil ko naman ang feelings ko sa iyo pero...iba ata ang karisma ng isang Gangster! Sobrang bagsik! Kahit sa pagtulog ko umaatake ka!"

"Ngayon palang pigilan mo! Baka this time matuluyan ka na talaga! Paghinayaan mong ma-inlove ka sa tulad ko! At patulan ko yang nararamdaman mo, para ko na rin pinasok ang buo mong pamilya sa grupo ko, kaaway ko, kaaway niyo, gusto mo ba iyun?"

"Pero Franco....?"

"Please! Elaine! Huwag! Para na lang sa kaligtasan ng pamilya mo!"

"Tanggap ko naman Franco kung talagang hindi pwede, pero hayaan mo sana akong mahalin kita! Ang tanong pwede mo bang mahalin ang tulad ko?"

"Oo! Kung pwede lang! Sapat na ba sa iyo ang sagot ko?"

"Masaya na ako dun! Pasensya ka na kung masyado akong vocal sa feelings ko sa iyo! Ito yun isang kahinaan ko pag ako nagkakagusto sa guy, ako na ang mauuna magsabi kaya yung iba nabababawan sa akin hinuhusgahan akong malandi."

"Hindi kahinaan yan! Yan ang puso ng isang Gangster pag mahal mo sabihin mo agad, maikli lang ang buhay namin papatagalin pa ba! Hindi namin tinitingnan na kababawan yan! Tinuturing namin yan na isang katapangan na masabi mo ang nararamdaman mo sa isang tao! Bihira lang sa isang babae kayang magsabi ng nararamdaman sa lalaki! Dahil mahuhusgahang malandi, easy to get, pero kahit ano pang tawag diyan, handa kang harapin ang tingin ng mga tao. Kaya bilib ako sa iyo! Hindi ka mahirap mahalin, Elaine! Kaya kung mahal mo ako, mahalin mo ang buhay mo! Alam mo na siguro ang ibig ko sabihin!"

"Oo, sabi mo eh! Magkikita pa ba tayo pagkatapos nito?"

"Hindi ko alam pero huwag kang mag-alala dadalawin kita paminsan minsan!"

"Talaga!?"

"Oo! Promise yan! Kung buhay pa ako!"

"Sana kung importante ako sa iyo matupad mo ang promise mo! Mamimiss kita! Franco! I love you!"

Hindi siya sumagot tinitigan niya lang ako sabay halik ng kamay ko. Kinilig ako ng sobra dahil niyakap niya pa ako at bumulong "Kung magmamahal lang ako muli, hindi ako magdadalawang isip na ibigin ka tandaan mo yan."

The Gangster who loved me (Short Story)Where stories live. Discover now