Gangster's Meet Up

69 3 0
                                    

Graduating ako sa kursong communication arts nang makilala ko si Franco ang guwapong gangster. Ang naaalala ko ay malakas din ang ulan nun takbo ako ng takbo basang basa na at umiiyak dahil nahuli ko ang bf kong may kasamang iba na nung araw din yun nakipagbreak din siya sa akin. Sobrang sama ng nararamdaman kong ipagpalit ako ng bf ko sa bestfriend ko.

Kahit saan na lang ako mapunta maski na madilim ang lugar dahil mga alas nuwebe na rin ng gabi. Ayokong huminto sa pagtakbo dahil habang napapagod ako gumagaan pansamantala ang pakiramdam ko kahit umiiyak ako.

Hanggang sa mapapadpad ako ng tulay at huminto ako sandali dahil may napansin akong isang barkong bumubusina habang dumaraan ng tulay. Napakalakas ng busina nito kahit na maingay ang ulan waring nakakabingi pa rin ang busina niya. Sa sobrang ingay niya feeling sinisigawan ako ng ex bf ko. Kaya nagawa ko na lang magsisigaw, humugot ng sama ng loob ko, para maibuga ko lang ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Hayop ka! Hayop kaaa! Wala kang kwentang lalaki! Bakla ka! Manloloko ka! May araw din kayo! Mag babayad kayo sa akin! Mga walang hiya kayo! Mga traydoooorr!! Hayoop! Hayoooop!" Nagaabang ba kayo ng mura? Pasensya na, kahit galit ako di ko pa rin kayang mag mura. Mapaos-paos na ang boses ko kakasigaw at halos nakaramdam ako ng pagod at napaupo na lang habang patuloy na bumubuhos ang ulan.

Mamaya pa habang hindi tumitila ang ulan at kung anong pumasok sa kokote ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Tumayo ako sa bakod ng tulay na lulang lula at magtatangkang tumalon para magpakamatay na lang. Habang nakatayo ako nagflashback na lahat ang mga alaala ko ng mga nakaraan at nagpapaalam na ako sa sarili ko at humihingi na ng tawad sa Diyos, kaibigan, kamag-anak at lalo na sa magulang na binigo ko dahil nasira ang pagaaral ko dahil sa lalaking yun. Nang mag-aattempt na akong tumalon biglang may nagsisigaw na lalaki.

"Wala kang kwentang tao! Wala kang kwentaaa! Bobo ka! Magpapakamatay ka lang dahil lang sa lalaki! Tanga ka talaga! Sinayang mo ang buhay mo para lang sa kanya! Ogag ka ba? Ang daming lalaki diyan!" Sumisigaw na sinabi ng isang lalaki.

Natauhan ako ng marinig ko ang mga salitang iyon para akong biglang nahimasmasan sa anong kalokohan ang gagawin ko. Akala ko kakilala ko na pipigil sa akin pero hindi pala. Isang guwapong lalaki na naka coat and tie na mukhang nakainom, gulo-gulo ang buhok at nagpapakabasa rin sa ulan. May point talaga ang pinagsisigaw niya kaya agad kong kinausap siya.

"Mamah!!! Pero nagulat siya bigla siyang bumunot ng baril sabay sabing "Sino yan!?" "May tao ba diyan!?" Mukhang hindi niya ako nakikita kasi nga naman madilim ang lugar kung saan ako nakatayo. "Kung sino ka man huwag ka kikilos ng masama baka mapaaga buhay mo!" Aaminin ko nung makita ko siyang may hawak ng baril natakot pa rin ako at iniisip ko sa mga oras na iyon na takot pa rin akong mamatay. Pero dahil sa desperado na rin ako at naghahalo ang pagod at lungkot sa puso ko namayani pa rin sa isip ko na sana mabaril na lang niya ako kahit hindi sinasadya basta sana mapuruhan niya lang ako. Aalis sana ako sa pinagkakatayuan ko para puntahan ko siya pero inilawan niya na ako ng flashlight.

Nakatutok na sa akin ang baril kaya pumikit na lang ako sabay sabing "Putok niyo na po! Kanina ko pa gustong tumalon kaso nalulula po ako! Please lang tapusin niyo na po ako para matapos na problema ko!"

Bang!!!

Nakarinig ako ng putok ng baril lumambot ang buo kong katawan pahulog na ako sa tulay pero sinalo niya ako "Kumapit ka!!! ang sigaw niya. Akala ko nun binigay niya request ko at feeling ko patay na ako. Pero agad akong natauhan ng makita na walang tinutungtungan ang mga paa ko at tanging isang kamay ko lang ang hawak niya. Pagtingin ko sa baba isang malaking lawa ang babagsakan ko biglang akong naghihiyaw "Eeeeeehhh!..Parang awa niyo na huwag niyo ko bibitawan!" "Sige, kumapit ka lang!" At palakpakan niligtas ng kumag na ito ang buhay ko na akala kong tatapos sa akin. Pero may atraso siya sa akin dapat niyang panagutan.

"Walang hiya ka! Bakit mo ko pinutukan nahulog tuloy ako!"

"Sabi mo iputok ko! Kaya pinutok ko!"

"Bakit hindi mo ako binaril!?"

"Wala akong karapatan tapusin ang buhay mo! Ipinutok ko lang yun para ipakita sa iyo na ikaw gagawa ng suicide mo hindi ako! Nag-utos ka pa!"

"Eh! Bakit mo pa ako niligtas? Bitawan mo lang ako! Ok na! Tapos na sana!"

"Nakita ko hindi ka handang mamatay! Takot kang mamatay!"

"Ah! Ganun ba! Tumabi ka diyan tatalon na ako!"

Tumabi naman ang kumag dinedare ko lang pumatol talaga at nagaantay lang sabay sinabi niyang "Talon!!!" "Ang tagal naman!!!"

Mukhang napasubo na ako kailangan ko ng gawin ito, pero talagang tinatalo ako ng takot at pagkalula. "Pagtapos mo akong iniligtas pababayaan mo lang ba akong mamatay!"sambit ko. "Yan ang gusto mo eh!" "Pwede bang itulak mo na lang ako?"hirit ko. "Bahala ka sa buhay mo nag-utos ka na naman!"

"Pwede bang hiramin ko na lang yung baril mo?" Inabot niya naman at tinuruan pa ako ng kumag. "Ito yung trigger, yan lang ang kakalabitin mo itapat mo sa bunganga mo para swabe agad!" Dahil sa talagang dinedare niya ako at minamaliit na di ko kayang magsuicide pinundot ko talaga ang gatilyo habang nakatapat sa bunganga ko. "Plik!!" Hindi pumutok naubusan na pala ng bala. Pero nagalit na si kumag. "Talagang gusto mo talagang mamatay ah! Halika sumama ka sa akin!" "Ah! Bakit naman ako sasama sa iyo hindi naman kita kilala! Gusto kong magsuicide pero hindi ko gustong magpa-rape!" "Hindi ako rapist huwag kang mag-alala hindi ako interesado sa iyo!" "Ayoko nga!" "Ok sige iwan na kita dito! Ang lugar na ito ang maraming nare-rape!" "Bakit kasi hindi mo na lang loadan ng bala ang baril mo para pagpatay na ako ok lang na ma rape nila ako atleast patay na ako." "Yun nga ang pupuntahan natin naubusan ako ng bala ikukuha kita ng bala!"

Sa madali't sabi nakumbinsi niya ako sumama sa kanya. Habang kami ay nasa loob ng sasakyan nagumpisa na akong magusisa kung sino siya.

"Pwede ko ba malaman ang pangalan ng kakontsaba ko sa suicide?"

"Bakit pa? Para saan? Eh! Mamatay ka na rin!"

"Ah! Ok!" sagot ko.


(Please Vote, Comment after you read thanks)  

The Gangster who loved me (Short Story)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora