When Love Detonate

22 1 0
                                    

Mamaya pa, biglang nagmeeting ang mga gangsters halos lagpas 50 din sila, kinakabahan ako baka magkaroon na naman ng putukan. Pero kaya pala sila nagmeeting darating ang Big Boss nila kaya pinagaayos kaming mga bagong recruit, tanda ko mga 3 kaming babaeng bagong recruit nun na pinondohan ng husto ang damit namin kasama na ang mga bagong recruit na kalalakihan.

Heto na at pumapasok na si Big Boss kasama ang mga alalay niyang may mga hawak na mahahabang baril. Laking gulat ko ng makita ko si Franco, siya pala ang Big Boss nila. Umandar ang pagkamalandi ko, nawala ang takot ko at attracted talaga ako sa kanya ng sobra, siguro dahil namiss ko siya.

Napakalakas pala ng dating niya pag nakaayos ang buhok niya halos kiligin ako ng titigan niya ako. Sabay sabing "Musta ka na Alien?" "Elaine po Boss!" "Bakit buhay ka pa?" "Nagiintay pa rin ng utos niyo kung kelan!" "Ah! Ganun ba! Sige! Wait ka lang diyan!" "Boss?" "Isasama kita sa operasyon namin, this time I will sure you die!"

Dahil sa kalandian ko na magpapansin sa kanya, dun tuloy napunta ang usapan at sineryoso ang mga nasambit ko. Mukhang this time matutuloy na ang suicide ko. Dahil pinagsusuot ako ng suicide bombing jacket ni Big Boss. Dahil utos ni Mr. Pogi sunod-sunuran naman ako kahit mamatay pa ako basta makuha ko lang ang pansin niya. Suicide na kung suicide sabi nga nung iba, Love is suicide. Nagtataka ang ibang gangster na ako lang daw yun suicide bomber na masaya sa pagsuot ng suicide bombing jacket.

Pero biglang nagiba ang isip ko, "Hindi ako terrorista! Hubarin niyo sa akin ito!" "Sino bang nagsabing terorista ka?" sambit ni Big Boss Franco. "Kung magsusuicide ako at maraming rin mamatay huwag na lang!" "Sino bang nagsabing maraming mamatay?" sambit uli ni Franco na naiinis na. "Basta ako lang!" "Oo! Ikaw lang huwag kang mag-alala!" sabi ni Franco.

Nagulat ako ng makita kong ako lang ang may suot ng suicide bombing jacket, yung dalawang babae kasama kong bagong recruit ay may hawak ng mga baril.

"Boss! Bakit sila hindi nakasuot ng ganito?" "Ayaw pa nilang mamatay, may gusto silang ipaglaban sa mga mapang-abusong tao, mas gusto nila mamatay ng hindi sumusuko!" "Pwede bang maging ganun na lang ako!" "Hindi na pwede! Isang beses lang pwedeng magdesisyon ang Big Boss, kaya ituloy na natin ito!" "Pwede bang favor, Boss?" "Ano yun?" "Pwede bang ikaw ang maghatid sa akin sa pagsasabugan ko?" "Ako talaga ang maghahatid sa iyo, tatabi ka lang sa isang gas tank ng isang oil company at pipindutin mo yang detonator mo, may isasabutahe kaming hindi nagbabayad ng maayos sa amin!"

Habang papunta na kami sa site ng pagsasabugan ko. Nakita ko na hindi bumuntot sa amin ang mga bodyguards niya lumiko na sila at kami naman papunta sa mataas na lugar. Nang makarating kami sa tuktok ng isang bundok, na amaze ako sa ganda ng bituin at ng kumikinang na ilaw ng siyudad. Nilabas niya ang kanyang telescope may tinitingnan siya sa malayo. Malamang yung pupuwestuhan ko ng pagsabog. Mamaya pa niyaya niya akong maupo sa isang bench at makipagusap.

"Boss! Ang ganda naman dito! Ganun ba talaga pag malapit ng mamatay! Pinapakita mo, pinararamdam ang ganda ng view sa ibabaw ng lupa!"

"Isa sa paborito kong lugar ito, bukod sa tulay na pinagkitaan natin!"

"Anong gagawin natin dito, Boss!"

"Mag hubad ka na!"

"Ah! Sabi ko na nga ba rapist ka eh!"

"Ang sabi ko maghubad ka na! Hubarin mo na yang suicide bombing jacket mo!"

"Boss!??...Talaga!!??"

"Oo!"

Payakap ako sa kanya sa tuwa pero tinulak niya ako nakalimutan ko suot ko pa ang suicide bombing jacket ko. Paghubad ko niyakap ko siya ng mahigpit at umiiyak ako.

"Boss!! Salamat!!

"Alam kong ayaw mo pang mamatay! Marami ka pang pangarap nakikita ko sa mata mo!"

"Boss!! Kung alam mong ayaw ko pang mamatay, bakit pinagsuot mo pa ako ng sucide bombing jacket?"

"Yun lang paraan kong makatakas ka sa grupo namin at palalabasin kong patay ka na!"

Boom!!! Biglang may sumabog habang naguusap kami nagulat ako ng sobra. Nakikita ko sa di kalayuan ang isang bumabagsak na gas tank at napakalaking apoy.

"Ngayon Elaine, malaya ka na!"

"Uy! Tama na Boss ang tawag mo sa name ko!"

First time ko siyang nakitang ngumiti pagkasabi ko nun, ang cute niya kinilig ako. Kung tungkol sa operasyon ng grupo kinasabwat na lang ang dalawang alalay niya para magpasabog ng Oil tank. Oo, ligtas na ako kaya pinauuwi niya na ako.

"Elaine, makakauwi ka na marunong din tumanaw ng utang na loob ang isang Gangster na tulad ko. Naalala ko ng handa mong sayangin ang buhay mo para lang sa isang Gangster kahit na alam kong gusto mo na rin magsuicide."

Yun ang gabing nagumpisa ko siyang mahalin, nakikita kong hindi siya likas na masamang tao. Naramdaman ko rin nung time na yun kung gaano niya pinahahalagahan ang buhay ko. Pero mas lumalim pa ang aming paguusap.

The Gangster who loved me (Short Story)Where stories live. Discover now