Elaine Transformation

38 1 0
                                    

Habang binabaybay namin ng matulin ang expressway nakita kong may tama si Franco sa tagiliran. "Ang laki na ng sugat mo kailangan ng gamutin yan!" sambit ko. "Oo, papunta tayo sa Ospital ng mga Gangster!" "Gangster ka!?" "Oo, Gangster ako hindi pa ba halata sa mga nangyari sa atin!" 

"Nabigla lang ako, kasi feeling ko pag gangster yun mga nagtatapang tapangan sa school." "Iba kami sa kanila maipluwensiya kami sa buong bansa kaya napakaraming kaaway dahil sa kapangyarihan at pera."

"Alam mo Franco bilib ako sa iyo! Hindi ka takot mamatay!" "Buong buhay ko lagi na lang nakatapak ang isang paa ko sa hukay!" "Bakit mo ginusto ang ganitong buhay?" "Wala na lang akong magawa kailangan eh!" "Dahil lang ba sa pera at impluwensiya?" "Magkakasama na yun pero may mas malalim pang dahilan, hindi parehas lumaban ang mundo kung magpapakaduwag ka lang aabusuhin ka nito kaya mas mabuti ng mas magulang ka!"

Marami pa sana akong gustong itanong sa kanya pero nakarating na kami sa ospital na tinatawag nilang OMG-Ospital ng mga Gangster. Nagulat ako sa itsura nito ng pumasok kami sa basement parking ng isang malaki at magarang hotel. At sino magaakalang puno pala ng pasyente ang kabilang kuwarto lang ng Casino. Pagpasok ko sa loob nagmistulang naging istatwa ang mga tao napatitig sila sa akin dahil hindi nila ako kilala. Pero sinenyasan lang sila ni Franco umokey na ang lahat dahil sekretong kuwarto lang pala iyun ng mga gangster.

Ang isang nakakagulat ay may mga babaeng gangster na mga sugatan at napaisip ako that time na parang gusto kong maging tulad nila. Pero biglang nag-iba na ang isip ko ng may makita akong naghihingalong babaeng gangster. Masama ang tama niya pero hindi ko makitaan ng takot habang hinaharap ang kamatayan hanggang sa ipikit ang kaniyang mga mata. 

Hindi ko mapigilang umiyak at naisip kong hindi ko kayang maging tulad niya. Unti-unting ko na naiintindihan kung gano kahalaga ang buhay ko ayokong mamatay lang sa wala lalo na sa ex bf kong walang kwenta.

Hindi ko na mahagilap si Franco siguro ay inaasikaso na ang sugat niya, ako naman ay nilapitan ng isa sa miyembro nila. Pinag-aayus niya ko nung nalaman niyang wala naman ako sugat o tama ng baril. Pero ang sabi ko uuwi na ako, hindi siya pumayag at hindi na raw ako makakaalis sa kanila. Natakot ako at sabi ko sa sarili ko "Ano ito, gangster na rin ako?"

Kailangan ko talaga makausap si Franco para sabihin sa kanilang hindi ako ni recruit ni Franco sa grupo. Nung makapagayos na ako at tiningnan ang sarili ko sa salamin aaminin ko lumakas ang self- confidence ko sa suot ko ni hindi ko na makilala sarili ko. Pero iniisip ko pa rin ang mga magulang ko at malalapit na kaibigan pagpumasok ako sa grupo nila, ayoko pa rin maging miyembro ng isang gang. Kaya nakiusap ako sa kanila na baka pwede ko tawagan ang mga magulang ko, nung una ayaw pa nila pero para makasigurado nag set sila ng speaker phone para sa paguusap namin ng magulang ko.

"Papa! Hindi muna..."

"Letseng kang bata ka san ka na naman lumandi! Kahit kelan ka talaga, sawang sawa na ako sa iyo! Huwag ka ng umuwi papalayasin din kita paguwi mo, diyan ka na lang sa boyfriend mo! Kausapin mo nga itong anak mo!!!"

"Elaine! Anak!"

"Mama!?"

"Halos isang araw na akong nagaalala sa iyo. Nasan ka ba?"

Nakatingin lahat ang mga gangster sa akin kung ano ang isasagot ko. Hindi ko pwedeng sabihin ang totoo kundi lalo nila akong hindi pakakawalan at baka manganib din ang mga mahal ko sa buhay.

"Papa, Mama saka si Ej kapatid ko...Mahal na Mahal ko kayo! I'm sorry Mama! Baka hindi na muna ako makakauwi diyan! Huhuhu!!!"

"Bakit anak anong nangyari sa iyo!?"

"Uuwi rin ako Mama...I'm still your girl!" Toot!..Toot!..Toot! Pinutol na nila ang usapan namin. Mukhang wala na akong kawala at wala na akong uuwian sirang sira na ako sa parents ko. Gangster na rin talaga ata ako.

Kinabukasan ini-interogate nila ako at bine-brainwash, nasa isip ko "umpisa na ba ito ng training maging masama?" Maraming punto sila na kinatigas ng dibdib ko, feeling ko ito ang paraan makaganti ako sa mga nanliliit sa akin. Hindi ako sanay ipagtanggol ang sarili ko masasabi kong mahina akong babae, mapagpasensyang babae kahit ginagawan na ng masama nahihiya akong magkompronta ng kaibigan. Kaya iniisip ko na lang maging mabait sa mga kaibigan ko na inaabuso naman nila ang pagiging mahina ko.

Kinokontrol ko sa isip ko na ako pa rin si Elaine na isang babaeng happy go lucky girl na mahilig sa cotton candy. Pero nararamdaman kong mabilis na mag-init ang ulo ko at umiikli na ang pasensya ko bukod sa malakas na rin ang loob kong makakita ng dugo at makahawak ng baril.

Kaya sa isang training nila pinahawak ako ng baril para patayin ang isang pesteng daga. Animal lover ako kahit peste pa yan hindi ko kayang pumatay ng hayop, alam kong training iyon para kaya mong pumatay someday ng tao. Hindi ko talaga kayang gawin ang pinagagawa nila hanggang sa imotivate nila ako na isipin ang mga taong nanakit sa akin na galit na galit ako, bigla kong naalala ang hayop na ex bf ko.

Humigpit ang hawak ko sa baril at nanginginig ang kamay ko na gigil na gigil habang umaalingaw ang boses sa paligid ko dahil sinisigawan nila akong "Wala ka!...Ganyan ka na lang ba!?...Lagi ka na lang lolokohin ng syota mo!?...Hindi ka niya minahal!...Walang magmamahal sa iyo ng totoo!"

First time ko atang tumulo ang luha ko ng hindi namamalayan dahil sa sobrang galit. Dahil nai-motivate nila ako tinutok ko na ang baril sa daga pero tinatalo pa rin ako ng pagiging isang mahinang Elaine. Imbes naitutok ko sa daga, tinutok ko sa sentido ko ang baril at suicide attempt na naman ang gagawin ko. Yung lang ang naalala ko dahil nahimatay daw ako pagtapos nun. Nang magkamalay na ako hindi na nila ako sinama sa training, Thank God! Feeling ko taong hideout na lang ako kasi nga mahina ako.

Nilipat ako sa bagong hideout nila at lumipas ang 2 linggo, walang Franco ang nagpapakita sa akin. Maayos naman ang pakikisama ng mga kapwa ko babaeng gangster sa loob ng hideout na hindi ko rin matawag na hideout kasi sobrang gara ng mga pasilidad. Hindi nila ako pinalalabas ng hideout kaya nagmistulang assistant nila ako sa loob. 

Talagang hindi na ata ako makakawala sa grupong ito dahil sa 2 linggo kong pamamalagi doon ang dami ko ng nalalaman. Wala na wasak na ang buhay ko, dahil lang sa isang pagkakamaling tapusin ang buhay ko ito ang bumalik sa akin talagang papunta na ako doon kahit na mismo sa isip at puso ko ayoko ko pa mamatay.

The Gangster who loved me (Short Story)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora