Ako nga pala si Sarah Mae Santos, 17 yrs.old current student ng DiA. Journalism student.


Habang naglalakad kaming tatlo, nagulat na lang kami ng biglang may sumulpot sa isa sa mga pasilyo ng building. Sila Paulo at Josh pala. Nakisabay na din sila sa paglalakad namin papuntang cafeteria.

"San punta nyo?" tanong ni Paulo sa akin pero sa halip na ako ang sumagot, si Princess ang nagsalita.

"Cafeteria" maikling pahayag niya na nagpasimula sa isang bangayan. Napailing na lang ako sa dalawa. Pero atleast wala ng nag open ng kagagahan ko diba? :D

"Ikaw ba kinakausap ko?" pang aasar ni Paulo kay Incess.

"Paki mo?" nagsimula na silang magbangayan sa unahan at natatawa na lang ako. Bigla naman akong kinausap ni Josh. Hihih

"Asan ang iba?" tanong niya na kunwari hinahanap ang iba pero iisa lang talaga ang tinutukoy. Sus, kunwari pa to. hmp! >.>

"Ay sus, kunwari ka pa, pwede mo namang daretsuhin yung tanong e. Hahah di ko alam e." natawa siya sa sinabi ko. Sus, tinamaan kasi totoo :3

"Di mo tinext?" tanong niya sakin

"Ah, hindi e. Ikaw na lang, itext mo." sabi ko sakaniya pero tinawanan niya lang ako. Hala siya. Baliw ampupu.

"Ayoko nga, hiya ako." sabay tawa niya.

"Uso pala sayo yon no?" sabay tawa ko. Naguusap lang kami about "her" ng biglang sumigaw si Paulo.

"Paaaaaaaaaanget!" sabay kaming napalingon ni Josh kela Paulo at nakita ko naman si Princess na simangot na simangot na. Nakakatawa talaga to sila. 

"Ewan sayo! Heh!" Ganti ni Princess na halata namang na pipikon na.

"Nako, wala kang kwenta. Yanna tara dito usap tayo." tawag naman ni Paulo kay Yanna.

"Ay, yan tayo e, pag wala ng choice tska ako tatawagin. Nahiya ka pa." Sarkastikong sabi ni Yanna na nakapag patawa sa amin Lalo na kay Princess na binelatan pa si Paulo. Kahit kelan talaga to. 

Nakarating na din naman kami ng cafeteria.Medyo papuno na siya kasi andaming may vacant ngayon.

Yung iba nagkukwentuhan, nagkakainan at ang iba naman ay nag aaral o hindi kaya ay mga nagsususulat.Sisipag lang.

Swerte namang nakahanap ng upuan si Paulo, good for 12 students sya pero inokopahan na din namin, kesa naman sa wala. nasa center sya ng cafeteria kaya medyo lantad. HAHA Okay na din naman dahil sigurado naman akong mag sisidatingan na ang iba maya maya lang. Nag prisinta na yung dalawang lalaki na sila na ang oorder ng pagkain namin, Syempre libre na din nila. HAHAHA Bait lang no? Char.

Napatingin naman ako kay Yanna na busy sa pagtetxt at kanina pa pangiti ngiti.

"Friend, mukhang tanga lang?" sabi ko sakaniya at biglang tumawa, inirapan niya lang ako at bumalik na sa pagtetxt na hindi kumikibo, konti na lang, maniniwala na ako na baliw to

"Genern telege, Sarah.Pumapag-ibig. Maghanap ka na din kasi ng forever mo no." sabay hampas at tawa ni Princess. 

"Che, dami mong alam, parang ikaw may lovelife!" sabay bato ko sakaniya ng tissue. 


Nagkuwentuhan lang kami ni Princess habang naghihintay kela sa Paulo at Josh ng biglang tinawag ng kalikasan ni Cessy kaya naiwan ako sa table kasama si Yanna na may sariling mundo. But suddenly..

LoveKada (ON-GOING)Onde histórias criam vida. Descubra agora