Napailing na lang ako habang pinanood ang asaran nila. Some things never change.
I returned to the bar counter, savoring my drink, when a man slid onto the stool beside me.
"Hey, beautiful. Can I sit here?"
Napatingin ako sa kanya. Slicked back hair, mayabang na ngiti, at 'yung tipong amoy ng mamahaling cologne na hinaluan ng alak—halatang lasing at feeling guwapo.Di paman ako nakapagsalita ay umupo na sya agad.
"Anong silbi ng pagtatanong mo kung nakaupo ka na?" malamig kong sagot, sabay taas ng kilay.
"Woah. Feisty," sabi niya habang ngiting-ngiti pa rin, all too confident for someone na hindi invited.
Inirapan ko siya at hindi na pinansin, sabay inom ulit ng mocktail ko. Ugh. Hindi pa nga ako nakakabawi sa pagkagulat sa lalaki kanina, tapos may ganito na naman.
"Don't be like that, baby girl. Gusto lang kitang makilala," tuloy-tuloy pa rin siya, clearly hindi marunong sumense.
"Una sa lahat, hindi moko baby girl. Pangalawa, hindi ako interesado," sagot ko nang hindi man lang siya tinitingnan.
He leaned closer, invading my space. "But a pretty lady like you shouldn't be drinking alone. Wanna have some fun?"
Aghhh. Nakakarindi na 'to kapag di pa sya tumigil baka mabigwasan kona to.
He reached out, trying to touch my arm-wrong move. Agad kong hinagip ang kamay niya, pinilipit ito nang mabilis at madiin. Napasigaw siya sa sakit.
"AGH! You bitch!" sigaw niya, ang mukha niya nagngingitngit habang pilit kumakawala.
Napaatras sya sa ginawa ko.
Mukhang susugod pa sana siya, pero bago pa siya makagalaw, isang kamay ang biglang dumakma sa kwelyo niya at marahas siyang hinila palayo.
Napasinghap ako, nanlaki ang mga mata ko.
It was him.
The man from earlier, the one who had caught me. But this time, his blue-gray eyes were darker, filled with an unmistakable edge of danger.
Nakatayo siya sa likod ng lalaking bastos, malamig ang ekspresyon, at ang hawak niya sa collar ng lalakisolid, kontrolado, pero threatening.
He didn't hesitate. With a swift punch, the sleazebag crumpled to the floor. Another blow. Then another.
The music stopped. Conversations died. All eyes turned toward us.
"Didn't your mother teach you how to respect women?" malamig niyang sabi, his voice low but deadly.
"Wala kang pake!" protesta ng lalaki pero hindi niya na natapos ang sasabihin, dahil sa isang iglap, naitulak siya nung lalaking gwapo sa dingding ng bar.
What was I thinking? Gwapo? Really? Pero in fairness gwapo naman talaga sya.
Napahawak ang lalaki sa dibdib niya, gulat at takot ang bumalot sa mukha. "Tangina... sino ka ba?!"
The man from earlier leaned in, his voice barely above a whisper, pero ramdam na ramdam ang bigat ng banta. "The last person you'd want to mess with."
Tahimik ang paligid. Parang lahat natigilan, pinapanood ang eksena.
Binitawan niya ang lalaki, na agad na nagsimulang umurong palayo, mukha'y natakot ng sobra. "S-siraulo ka!" sigaw niya habang nagmamadaling lumabas ng bar pero bago paman sya makalapit sa pinto ay agad na syang na hinawakan sa magkabilang braso ng dalawang gwardya
Tahimik pa rin ang paligid, pero unti-unti nang bumalik ang ingay ng musika. Tila ba lahat ay nag-decide na wag na lang makialam.
"Get this fucktard out and ban him from all bars," utos niya, malamig at puno ng awtoridad ang boses.
Tumango ang mga guwardiya, walang tanong-tanong, at agad hinila ang duguang lalaki palayo habang nagpupumiglas pa ito.
Napalunok ako, biglang naging aware sa tensyon ng katawan ko. Hindi ko alam kung dahil sa adrenaline o sa presensiya niya na parang bagyong dumaan.
"A-ahm, t-thanks," nauutal na sabi ko. "Hindi mo naman kailangang gawin 'yon."
"I don't tolerate perverts in my bar," malamig niyang sagot, walang bahid ng emosyon sa mukha.
Wait-what?
Sa kanya pala ang bar na 'to?—bago pa ako makapag-react, tumalikod na siya.
Parang wala lang. Parang hindi lang siya nagbasag ng mukha ng isang lalaki sa harap ko-para sa akin. Wala man lang bahid ng guilt o kahit anumang emosyon na nagpapakitang apektado siya sa nangyari.
He just walked away like it was just another Tuesday night.
Lumapit agad sina Meray at Orvyn sa akin, parehong halatang alerto at nag-aalalang nakatingin.
"Keigh, okay ka lang?" tanong ni Meray, hawak na ang braso ko na parang sinisigurado kung may sugat ba ako o wala.
"Okay lang ako," sagot ko, kahit medyo nanginginig pa rin ang ko. "Hindi naman ako nasaktan."
"Sure ka? Grabe 'yung ginawa ng gagong 'yon," sabat ni Orvyn, nakakunot ang noo habang sinusundan ng tingin ang lalaking hinila na palabas. "Buti na lang dumating 'yung-uh... lalaki."
"Pucha," bulong ni Esmeray, "ang hot. Pero parang nakakakilabot din. Yung tipong pogi siya, pero 'pag tiningnan ka niya parang kaya ka niyang i-vanish in 2 seconds."
"Para lang naman siyang ordinaryong tao sa'kin," sabi ni Orvyn, sabay irap. "Wala namang special."
"Hindi ah," kontra agad ni Esmeray, sabay arte ng slight hair flip. "Lalo na nung sinabi niyang 'I don't tolerate perverts in my bar,'" ginaya pa niya ang boses nung lalaki, mas mababa, mas seryoso. "Ghorl, I swear, naisip ko na lang-ako na lang po, sir. Ako na lang i-tolerate n'yo."With matching kilig na kilig expression.
Napailing ako, pero hindi ko napigilang matawa. "Tumigil ka nga. Baka biglang lumitaw 'yun sa likod natin."
"Eh okay lang" sagot ni Esmeray, sabay kindat at pose na parang bida sa telenovela. "Ready naman akong mahulog. Emotionally and physically. Lalo kung sa kanya."
"Umuwi na nga lang tayo," sabay buntong hininga ko. "Para makapagpahinga na rin. Ang daming nangyari ngayong gabi."
Tumango si Orvyn, habang si Esmeray ay mukhang bitin pa. "Fine. Pero next time, babalik tayo dito. Baka mahanap ko na 'yung Mr. Right ko." She even giggled.
"Baka ang mahanap mo ay yung body bag mo kung pinagpatuloy mo yan" tukso ni Orvyn.
"Grabe ka! Ako pa talaga pinatay!" Sabay sapak ni Esmeray sa braso niya.
Napailing nalang ako habang naglalakad kami palabas ng bar. Pero habang papunta kami sa kotse, hindi ko maiwasang mapalingon muli sa bar.
I had a feeling that our paths were going to cross again.
YOU ARE READING
Falling Into an Empty Space
Romance"I fell for you like a star crashing from the sky-bright, breathtaking, and destined to be swallowed by the dark." -Keighley Keighley Yaia Brielle Montellano-known in th...
CHAPTER 1: SECRETS BEHIND CLOSED DOORS
Start from the beginning
