Chapter 11: Unexpected

Magsimula sa umpisa
                                    

"Nasa abroad. Ata?" sabi ko

"Bakit hindi ka sigurado?" ---Ice

"Kasi hindi na ulit kami nagkita simula noon." lumungkot ang tono ko dun. Aish.

"Kelan ba kayo huling nagkita? At saan?" ---Ice

"Matagal na, bata pa kami nun. Sa playground malapit sa bahay nila nun." sagot ko

"Hinanap mo ba siya?" tanong niya

"Hindi." ---ako

"Bakit?" nakita kong umigting ang panga niya, ano bang nangyayari?

"Kasi nangako naman siya. Nangako siya na babalikan niya ko at tiwala ako sa kanya na tutuparin niya yun kaya hindi ko siya hinanap." sabi ko at ngumiti kahit malungkot

Lumiwanag ang ekspresyon ng mukha niya at natulala sakin kaya nagsalita na ulit ako

"Teka, kilala mo ba si Prince? Alam mo ba kung nasan siya? Baka pwede mo namang sabihin sakin oh?" sunod sunod kong tanong pero hindi siya sumagot

"Patingin ng bewang mo." sabi niya na nagpakaba sakin. Ano bang trip niya? Idadamay niya pa bewang ko.

Nabasa niya ata yung nasa isip ko kaya nagsalita na ulit siya,

"Wag kang magisip ng masama. Patingin lang." dagdag pa niya pero di ko siya sinunod kaya hinila niya ko palapit sa kanya at itinaas ang white sando ko

Nanlaki ang mata niya.

Ano bang meron sa bewang ko? Balat lang naman ah? Pero pano niyang nalaman na meron akong balat dun? E si Prince lang nakakaalam nun ah?

Teka..

Posible kayang?

"Geez." sabay naming sambit at napatingin sa isa't isa.

O______O --> ganyan ang ekspresyon ng muka naming dalawa

"Ikaw si Prince?/Ikaw si Cess?" sabay ulit naming sabi

Sabay rin kaming napatango ng maraming beses at mabilis

Tumayo siya agad sa sofa at niyakap ako ng sobrang higpit.

Namuo ang mga luha sa mata ko.

"Sobrang tagal kitang hinanap Princess. Sobrang tagal!" halata sa boses niya ang saya

"At sobrang tagal din kitang hinintay Prince." sabi ko.

Yung lalaking lagi kong sinusungitan, kinukulit, kinaaasaran at yung lalaking matagal kong hinintay ay iisa lang pala. Nasa harap ko pa. Sobrang liit ng mundo at napakamapaglaro ng tadhana. Grabe.

"Miss na miss na kita!" sabi niya at bumitiw sa yakapan naming dalawa

"Miss na miss rin kita Prince! Teka, pano naging Ice ang pangalan mo? Diba Prince yung name mo?" tanong ko

"Ano ka ba Cess. Bata pa tayo nun, shempre loko loko lang yung pangalan na Prince. Hahaha" akalain mo? Sobrang close namin. Kaya naman pala sobrang bilis kong nagkacrush dito sa mokong nato kasi siya si Prince. Si Prince na since birth ko pa ata gusto.

"Soplak ka talaga kahit kelan! I can't believe this. Ikaw talaga si Prince?" di makapaniwalang tanong ko.

"The one and only." sabi niya sabay ngiti.

"Hahahahaha sobrang natagalan ka ata ah? Ngayon mo lang natupad pangako mo e." panunukso ko

"Sorry Cessy ah. Pero di na importante kung bakit ako natagalan, ang mahalaga magkasama na tayo ulit. Diba?" tuwang tuwa niyang sabi

Ibang iba ang aura niya ngayon.

"Oo na. Hahaha grabe! Ang gwapo gwapo mo na ngayon Prince! Ang macho mo pa! Malayong malayo sa dating ikaw!" sabi ko. Kas dati sobrang taba niya.

"Oh! Edi umamin ka na rin na guwapo at macho ko! Hahaha kaya pala lagi kang nakatingin sakin ah" panunukso din niya

Oo nga pala. Nakalimutan ko na si Ice tong kaharap ko. Para kasing biglang nag- iba yung tingin ko sa kanya. Parang pakiramdam ko, hindi na siya yung masungit na nakilala ko. Tumulo ulit yung luha ko kaya agad siyang lumapit sakin at pinunasan ito.

Aish! Nagiging emotional na naman ako.

"Alam ko namang gwapo talaga ako, at macho pa. Hayaan mo sating dalawa lang, kaya wag ka na umiyak Princess." yabang talaga neto

Hinampas ko ang braso niya kaya natawa siya

"Hindi lang talaga ko makapaniwala na ikaw at si Prince ay iisa. Sobrang nagiba tuloy yung tingin ko sayo. Parang kanina lang magkaaway pa tayo tapos ang cold cold natin sa isa't isa pero ngayon, para tayong ewan na nagdadaldalan. Hahaha" sabi ko sa gitna ng iyak. Para na kong baliw alam ko. Sobrang saya ko lang talaga na kasama ko na ulit ang Prinsipe ng buhay ko.

I'm definitely falling, Ice.

You're definitely making me fall.

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon