Heartbreak

668 30 5
                                    

"Hinding hindi kita mapapatawad Jhong, pero atleast man lang dito maitama mo ang mga pagkakamali mo. Sabihin mo lahat ng mga nalalaman mo."


"sasabihin ko lahat ng plano niya."

"Diba mag oout of town kayo ni K? Plano niyang kidnappin si JM when that happens, tapos para makuha niyo, you'll have to surrender Vice." sabi ni Jhong.

Natahimik siya bigla. "Kung hindi ako kumawala sa kaniya kasama sana ako sa plano. Papapuntahin ko si K sa lugar kung nasaan si JM at kukunin, tapos ikaw vice, syempre hindi ka papayag. Susunod ka kasama ang police. Pero pag nangyari yun, may masasaktan. Sabi ni Cara sa'kin may mamamatay. It's either ikaw or si K." galit na galit pa rin si Vice sa naririnig pero wala na rin siyang nagawa at tumango.

"Yan lang ba?" tanong nito.

"oo yan lang. Hindi ko na alam kung anong mangyayari ngayon, mukhang nag-iba nga ang plano. wala naman sa plano na mababaril si Anne. Kinakabahan ako." 

"Nako, wag kang kabahan kasi wala ka naman puso. Kung kakabahan ka lang din ngayon edi sana inisip mo muna kung ano ang magiging bunga ng mga pinaggagagawa mo." Bwelta ulit ni Vice.

"Vice..." sabi ni K at hinimas ang likod nito. "tama na..."

"Sorry K. Pumunta na lang tayo sa ospital. And before that, kunin muna natin si JM. I want him 100% safe."

~

Pumunta na si K at Vice sa school ni Jm na tarantang taranta. it's already 5:00 at mukhang wala nang tao sa school. Pumatak ang malalamig na pawis sa noo ni Vice.

"K yung anak natin, nasan?" sabi niya habang inaaninag ang paligid. Ang tahimik, kahit nga siguro mga teachers wala na pero may nakita sila na janitor.

"Uhm, manong nakauwi na po ba lahat ng bata?"

"Hindi ko alam sir, pero baka nga. Wala na pong tao dito, ako na lang."

"OMG." Sabi ni K. "Si JM..."

Vice held her hand. "He's fine, okay? mahahanap natin siya."

Nag look around sila sa school. Pumunta sa mga rooms at C.R, sa faculty, sa library, sa science lab, sa discipline office, pero wala talaga. Hanggang sa may marinig sila na mga bata sa baba. Si JM kasama ang bestfriend niya na si Ron.

"Thank God!" Sabi ni K at kumaripas na ng takbo mula sa second floor. Sumunod na rin si Vice.

"San ka ba pumunta anak." Kaagad niyang niyakap ang bata habang kumakain ng fishballs at juice.

"Namili lang kami ng snacks mommy. You're so matagal." Sabi ng bata.

tinignan din ni Vice ang bestie nito.

"Thanks for being with my son Ron."

"No problem tito Vice, may inaasikaso pa kasi si mama sa charity malapit dito sa school so i stayed." nakangising sabi ng bata.

napalanghap si Vice ng hangin. Akala niya mawawala na si JM. "this is the second time you got me JM. Noon pinakaba mo din kasi wala ka dito sa school tas ngayon bumili ka lang pala ng foods."

"I'm sorry dada, nagutom lang po."

napangiti na si Vice sa narinig. "Alright, let's go home. Ron, are you coming with us? Drop ka na lang namin sa building kung saan ang nanay mo." tumango ang bata at sumakay na sila sa kotse. Hindi nila alam may nagmamasid pala sa kanila. Napansin yon ni Vice nang tumingin siya sa bintana pero binalewala niya.

Second Chance - ViceRylle fanficWhere stories live. Discover now