Love in the Rain

800 22 2
                                    

"kapatid mo!"

nag echo ang salitang yun sa isip ni Val.. kapatid niya? kapatid niya?? kapatid niya???? natulala siya. Bumitiw siya sa pagkayakap at tinignan si K. Naluha ito. Di niya alam ang gagawin. Bumilis ang tibok ng puso niya.

Kakalabas lang din ng mga magulang nila ni Von. Si Mr. and Mrs. Valerio.

"ang anak ko???" Kaagad na hinimatay si Mrs. Valerio na mas lalong ikinagulo ng sitwasyon. Pinuntahan kaagad ito ni Von at pinaypayan gamit ang kamay.

"nay!!!"

"nay!!!"

Si Mr. Valerio naman ay tulala din.

"Sino yan Von? Siya ba ang iniisip ko?"

"oo tay, siya yan. Si Val yan. Pero si nanay tulungan mo muna ako dalhin natin siya sa loob,"

pero si Val nakatingin lang kay K. Hindi na nagmamatter ang pamilya niya sa kaniya ngayon... Mas nabobother siya kung paano si K magrereact at kung ano ang sasabihin nito. Masasampal ba siya?


VAL's POV


"K" yan lang ang nasabi ko.... ano ba dapat ang una kong sabihin. Hindi ko alam...

"Sabihin mo nga sakin," humingos si K dahil umiiyak na to. Hawak niya ang heels niya dahil tumakbo siya na nakapaa sa karsada. Kung titignan nakakaawa ang mukha niya.

"SINO KA BA TALAGA?"

"K i can explain.." sabi ko.. Pero hinila ako ng kapatid ko 'kuno'..

"Bro halika n-" bumitaw ako. Ayoko muna. Si K ang mas importante.

"Pwede ba, kung kapatid man kita," napabuntong hininga ako. "bitawan mo muna ako."

binitawan niya ako. Nakita niya din kasi ang mukha ni K.

"I DON'T NEED YOUR EXPLANATION!" Sabi ni K at pinunasan ang mga luha niya. Aalis na siya. Sinubukan ko siyang pigilan pero...

"K.." hinawakan ko ang braso niya pero Sampal ang iginanti niya sa akin. Nagkatotoo nga ang hula ko.

"Paano mo nagawa sa kin to Val! or i don't even know kung anong pangalan ang itatawag ko sayo ngayon!" Sabi niya na puno ng puot. Sa pangalawang pagkakataon nasampal ako ni K. Pero this time mas masakit. Naiyak na rin ako.

"Sorry," yumuko ako. Di ko alam kung paano siya haharapin. "I can explain.. please. Wag mong gawin to."

padabog siyang sumakay sa kotse. Pero di ako nawalan ng pag-asa. Kumatok ako sa bintana hoping na bubuksan niya to.

"K!"

"K please mag usap tayo!" patuloy pa rin ang pagkatok ko sa bintana pero di niya ako pinapansin...

"K!"

Binuksan niya ang bintana. pero di niya ako nilingon. "don't ever think about it Val"

at dun natigilan na ako. Hinayaan kong humarurot ang sasakyan niya at napaluhod na lang sa karsada. Humagulgol na ako sa iyak.

Sino ba naman ang hindi?

Ang sakit sakit kasi...

hindi ko alam

maaayos ko pa ba 'to?

Biglang may tumapik sa mga braso ko.... Paglingon ko nakita ko ang mukha ni Mr. Valerio... Mas lalo lang akong naiyak. Di lang ako kay K may kasalanan pati na rin sa pamilya Valerio. May mas hihirap pa ba dito?

Second Chance - ViceRylle fanficWhere stories live. Discover now