Investigation

635 21 0
                                    

Pabalik na si Val mula sa bahay ni Anne. Matapos ang mahabang pagtatalo ay pumayag din ito sa plano. As for K, tulala siya sa natuklasan. She is planning to observe Val bago siya mag judge na siya nga talaga si Vice. Na sa tingin niya ay parang ang labo mangyari. Hindi siya fan sa supernatural phenomenons


"ano bang iniisip mo K... of course imposible yun.." nakaupo siya ngayon sa sala hinihintay niya si Val.

patuloy niya pa ring cinocompare ang penmanship sa letter ni Val at poem ni Vice. Parehas nga talaga at mas lalo lang siyang naguluhan.


"Ang bilis niyang naging close si JM, ang bilis niyang nakuha ang loob ni ViceKee.... Tapos wala siyang real identity. Kung saan siya galing, sino ang mga magulang niya..." K thought.

"kung maka react siya sa sinabi ng babae, the way he talks to me, the way gusto niya maging driver and bodyguard at the same time... yung mga pick up lines niya, YUNG PANAGINIP KO," napaisip ulit siya.


"aarrgghhhhh noooooooooo!!! stop it K! ano bang pinagsasabi mo!!"


kinuha niya ang laptop mula sa kwarto at dinala ito sa sala. Para matapos na ang haka-haka nag search siya sa google,


"Reincarnation"

- is the religious or philosophical concept that the soul or spirit, after biological death, can begin a new life in a new body. This doctrine is a central tenet of indian religions.


"biological death... new life new body" kinilabutan siya sa nabasa. 

"Jaime Ramices Valerio.. sino ka nga ba.."


sinearch niya ang jaime ramices valerio sa internet. Sa facebook, sa twitter at sa google pero walang data na lumalabas. Except for one...


'mysterious death: body of Valerio couple's son vanishes in the hospital. Couple is looking for leads and police continues to investigate..'


Sinubukan niyang iclick ang link pero error not found. Cguro dinelete na ng blogger. Sinubukan niya ulit mag search.


Valerio Clan

Valerio couple


and she found out na may mag asawa pala na valerio ang apelyido. Nawalan ng anak. And they are rich, one of the richest families in the philippines na may ari ng Valerio travelling regencies. Their son was 38 years old. Ka age ni Val... Mas lalo siyang naintriga. Hanggang sa nagambala ang investigation niya nang pumasok si Val. Dumating na ito. Dahil sa concentration niya hindi niya na notice na pumasok na yung kotse sa garage.


"Val andito ka na pala," she closed the laptop at tinago ang mga papel.

"gising ka pa?" tanong nito.

"Yup, i saw your letter."

"K, sorry hindi ako nakapagpaalam.."

"okay lang. Aakyat na ako. Punta ka na rin sa room mo"


Dali daling kinuha ni K ang laptop at humarurot sa taas. Nagtaka naman si Val sa mga kinikilos nito. Sa taas pinagpatuloy ni K ang pag s-search.

Second Chance - ViceRylle fanficWhere stories live. Discover now