My driver is my lover

900 21 3
                                    

Time check: 4:00 am. Nagising na si Val at napansin niyang may mabigat sa katawan niya. Si K ito. Mahigpit ang yakap ng kaniyang asawa sa kaniyang bewang na para bang ayaw siya pakawalan. Dahan dahan niya itong kinuha pero gumalaw din ito at mas hinigpitan ang yakap kaya nagsalita na siya.

"Baby i need to get up." Sabi ni Val pero dedma lang si K at umiling.

'ang cute talaga ng asawa ko' Val thought nang marinig ang patuloy na paghihilik ni K. inaantok pa talaga to.

"Huwag ka muna gumising, maaga pa." Sabi ni K sa asawa pero tumayo na si Val sa kama. Bago pa siya lumabas at hinalikan niya sa noo si K at kinumutan.

Nang makarating sa sala hindi niya alam ang gagawin. Gising na gising pa ang diwa niya at hindi niya alam kung bakit.

'aga ko naman nagising! Tense ba to or excitement?' sabi niya sa sarili at napangisi na lang. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin nagsisink in sa kaniya na nakabalik na siya sa bahay As Vice. At katabi niya pa si K natutulog. Gigising siya na nasisilayan ang anak at asawa. Napabuntong hininga siya kakaisip.

'hayyy.. Sana nga hindi panaginip to. Sana tumagal to.'

bigla niya na namang naalala ang posibleng plano ni Cara.

'no matter what, even if i die again poprotektahan ko sila.' at pumunta na siya sa kusina para kumuha ng wine. Baka makatulog siya ulit pag uminom siya nito. Pumunta siya sa terrace at umupo.

Habang tumatagal nagsisimula na siyang mabagot. Ang tahimik ng kapaligiran kaya he decided to call Anne.

Calling Anne..


sumagot ito. "girl naman." Sabi nito na inaantok pa ang boses.

"Ano bang kaluluwa ang sumapi sayo at tumawag ka ng alas singko ng madaling araw? hayuf!"

"maka hayuf ka naman. Jejemon? ajejejeje"

"loko! Ano nga pakay mo?"

"Bakit ang snobber mo na? Porket di na tayo nagkikita ganyan ka."

"Eh may Karylle ka na eh."

"tse." napangiti si Vice sa narinig. "Punta ka nga dito bored ako."

Napasigaw naman si Anne sa kabilang linya. "Huwaw! Kung maka aya ka parang ang lapit lapit mo lang ah! tapos bored? yan lang ang rason mo?"

"sige na Babygirl, i need someone to be my drink partner." Pagmamakaawa ni Vice na parang bata. Hindi naman siya natiis ni Anne.

"Punta ako diyan ng naka pajamas." Sabi nito. Namimiss niya na din kasi si Vice kaya pupunta siya.

"Wala akong pake kahit nakahubad ka pa." Pagjojoke ni Vice. "Bilis na! I love you!"

At binaba niya na ang cellphone.


~~


Nang makarating si Anne sinalubong niya kaagad ito. It's already 5:15.

"maya maya magigising na si K." sabi niya at sumimangot si Anne.

"pinapunta mo ako dito tapos si K ang bukambibig mo."

"to naman. I miss you!" niyakap niya si Anne. Pero emotionless ito.

"Alam mo, sobrang useless nito. Mag uumaga na oh. Sana hindi mo na lang ako pinapunta dito. Daot ka sa beauty rest ko!

"ang KJ mo talaga anning! Minsanan na nga lang ako mag aya. Pagluluto kita ng breakfast." Nakangiting sabi ni Vice.

"Cge na nga. Kung di ka lang malakas sa kin eh." Sabi ni Anne at pumasok na sila sa bahay.

Second Chance - ViceRylle fanficWhere stories live. Discover now