Chapter 10: Kiss

Începe de la început
                                    

"Hindi ka gagaling kapag di mo ininom to." sabi ko

Tinignan lang niya ako.

Kaya pilit kong binuksan ang bibig niya. Nahawakan ko pa ang labi niya na sobrang lambot.

Aish! Erase erase.

Ang dami pa niyang arte, pero ininom rin naman. Sinubukan niyang tumayo at umakyat sa kwarto pero muntik na siyang mabuwal kaya inalalayan ko na siya. Mabuti nalang at walang reklamo

Nakapatong ang isa niyang braso sa balikat ko at ang isa ko namang braso ay nasa bewang niya. Hanggang dibdib lang ako ni Ice kaya nabibigatan ako sa kanya pero hindi ko pinahalata iyon.

Ihiniga ko siya sa kama at kahit labag sa loob ko ay inalis ko yung damit niyang pantaas at pinunasan ko ang katawan niya. Nakapikit pa ko dahil sobrang dumidikit yung mata ko sa abs niya.

Sinuotan ko rin siya ng isang white t- shirt at kinumutan.

Hay. Napagod ako dun ah.

Naalala ko bigla na dapat pala iniiwasan ko siya ngayon. Pero bakit andito ko? Nang pumasok sa isip ko iyon ay agad akong tumayo para lumabas na sana sa kwarto pero hinila ni Ice yung kamay ko.

Ngayon, nakahiga na ko sa dibdib niya.

Susubukan ko nalang umalis,

"Don't leave me here." sabi niya habang nakapikit.

Nanaginip ba to? Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sakin kaya mas lalo rin akong nagpumiglas na makawala sa kanya

At sa pangalawang pagkakataon...

Nabuwal nanaman ako.

Pero hindi na sa dibdib niya,

My heart is now beating so fast...

Because he's now kissing me.

"Don't leave me here Cessy" -Ice

Natauhan ako bigla sa sinabi niya kaya talagang ginawa ko lahat makawala lang sa halik niya. Nung humiwalay naman ako, di niya na pinansin kasi nakapikit pa rin siya. Siguro napaniginipan niya yung Cessy.

Wala na yung First kiss ko. Wala na. Sobrang tagal kong iningatan yun.

Napunta nga kay Ice, pero iba naman yung iniisip niya nung hinalikan niya ko.

This hurts like hell.

Bakit ba ko nasasaktan ng ganito?

Buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdan ng ganito. At ngayon lang din ako nasasaktan ng ganito.

Nang dahil alng sa isang halik?

Stupid.

Talaga bang nagkakagusto na ko kay Ice?

Yung nag- iisang tao kasi na hinihintay kong magmamahal sakin, hindi na dumating. Ilang taon na rin ang nakalipas.

Siya kasi yung inaasahan kong unang magpaparamdam sakin ng ganito.

Gusto ko siya yung unang kiss ko.

Gusto ko siya yung una kong magugustuhan ng ganito.

Gusto ko magkasama kami lagi kagaya namin ni Ice ngayon.

Bakit nga ba hindi mo na ko binalikan?

Tutuparin mo pa ba yung pangako mo na sabay tayong pupunta sa abroad?

Na babalik ka dito para sunduin ako?

Pero nasan ka na?

Sana naririnig mo lahat ng sinasabi ko ngayon, sana nandito ka sa tabi ko ngayon, kasi wala akong masandalan.

Sa buong buhay ko, wala pang tao na nagsabi sakin ng 'bitch' o 'pokpok', wala pang taong sinigawan ako ng sobra, wala pang tao ang lumait sa mga damit na isinusuot ko, wala pang taong gumanito sakin.

Pero ngayon, meron na.

At sobrang nasasaktan ako ngayon. Wala akong kaibigan. Wala din dito yung mga magulang ko. Dahil si Ice lang ang nandito. At siya pa yung taong nakakasakit sakin ngayon.

Ang babaw ng mga dahilan ko no?

Mahina ako pagdating sa mga maliliit na bagay tulad nito.

Nasaan ka na ba kasi Prince? Nasan na yung pangako mo?

I need you here.

The DareUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum