"Seb, pasensya kana kung lagi kitang pinaghihinalaan, at inaaway, masyado kasi kitang mahal eh, at ayokong mawala ka noon sa buhay ko"

Hinadkan ko sya sa noo at niyakap.

"Hwag mo ng isipin yun ok, ang importante magkasama na tayo ngayon"
Tinaas ni Ayha ang kamay nya. Kaya tinaas ko din ang kamay ko at pinantay doon sa kamay nya.

"Masaya ako, dahil kahi sa sandaling eto ng buhay ko magkasama tayo, kasama kita, Seb sorry talaga sa lahat-lahat"

"Ayha naman, itigil mo na nga yan"

"Maraming salamat sa lahat-lahat, at kung pwede ihingi mo na rin ako ng tawad kay Garie pag nagkita kayo?!"

"Anu bang pinagsasabi mo Ayha"
Dahan-dahang pinisil ni Ayha ang kamay ko.

"Alam ko ako ang naging hadlang sa pagmamahalan nyo ni Garie, Seb nararamdam ko ni minsan hindi nawala sa puso at isip mo si Garie"

"Ayha..." Magsasalita sana ako noon pero
pinatong nya ang kamay nya sa bibig ko.

Huminga sya ng malalim then ngumiti sya.

"Gusto ko nang magpahinga, gusto ko na lugar na yun, tahimik, mapayapa, at perpekto. Seb, hindi mo kinakailangan magluksa oh malungkot sa oras na mawala ako, masaya ako kung magiging masaya ka rin, kami ni Sophia"

"Tama na nga"
Hinawakan ni Ayha ang ibabaw ng puso nya. At sobrang uminda sya ng sakit  kaya tumayo ako para sana tumawag ng Doctor, pero hinawakan nya ang kamay ko.

"Hwag na Seb"
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay nya.

"Ayokong mawala ka rin sa buhay ko"

"Seb, hindi ako mawawala, kung mamatay man ako, lagi lang ako sa paligid, kami ni Sophia"

"Paano na ako?!" Dahan-dahan nyang pinatong ang kamay nya sa dibdib ko

"Buksan mo lang ang puso mo at makikita mo ulit sya"

"Ayha"

"Pwede bang kahit sa huling sandali ng buhay ko is mahadkan kita, pwede mo bang bigyan ng isang halik"
Niyakap ko sya, at naiyak ako noong maramdaman ko ang paghihirap nya.

So i slowly puty lips into her lips.

Ngumiti sya at lumabas ang dugo ulit sa ilong nya.

"Umuwe ka kaagad sa bahay, puntahan mo si Sophia, doon, doon...Seb makikita mo ang matatagal ka nang hinihintay"
Yumakap sya sa akin.

Nag-slowmotion ang lahat.

Di nagtagal nalaglag ang kamay ni Ayha sa binto ko. At di na sya sumasagot sa mga pinagsasabi ko.

"Ayha? AYHAAAAAAAAAS----*!?"

Doon nagsipasok ang mga Nurse at Doctor.

"She's Gone" sabi noong Doctor sa akin.

END OF FLASHBACK......
____________________
Sinindihan ko ang kandila dahil namatay ito noong dumaan yung hangin .

"Kaya ho nagpasya akong iuwe na lang ho dito ang labi ni Ayha"

"Kaya pala"

"Bakit ho Mang Bert"

"Kagabi, akala ko namamalikmata lang ako, Seb nakita ko sila pareho, magkahawak ang mga kamay at masayang binabaybay ang daang iyon"

Nakaramdam ako ng kilabot sa sinabing yun ni Mang Bert.

"Talaga ho?"

"Masaya sila Seb, kaya dapat maging masaya kana rin"
I nodded then tinapik ko ang braso ni Mang Bert.

Marry Me Garie Where stories live. Discover now