Epilogue

307 12 1
                                    

Let's end up here.

Two weeks After....

Seb's POV

Cemetery....

"Wala na sa akin ang lahat Mang Bert" malungkot kung sabi kay Mang Bert.

"Nakikiramay ako sa nangyari" sabi ni Mang Bert then tinapik nya ang balikat ko.

"Hindi ko ho naisip na mangyayari to sa akin"

"Walang gustong mawalan Seb, siguro parte eto ng plano ng Diyos sa buhay mo"

"Plano ba talaga ng Diyos ang kunin ang mga taong mahal ko at importante sa akin?!"

"Lahat ng nangyayari sa mundong ibabaw ay may mga rason"

"May rason nga ho kaya? Kung sino yung pinili sya ang nawala"

"Naiintindihan kita Seb, pero sana hwag mong isisi sa mundo ang lungkot at poot sa puso mo sa pagkawala ng mga mahal mo sa buhay"

"Saan ko ho hahanapin ang sagot kung bakit to nangyayari sa akin? Mang Bert, namatay si Sophia sa Car Accident, at ngayon naulit na naman"

"Seb, maging matatag ka, hwag kang papatalo sa nararamdaman mo"

"Wala na si Ayha, paano ako magpapakatatag?"

__________________

FLASHBACK.....

England....

Halos takbuhin ko ang Hospital noon.

Emergency Room....

Sinalubong ako ng kaibigan ni Ayha na si Mitch sa Pinto ng ER.

"Anung nangyari?!" Nanginginig ako at kinakabahan noon.

"Seb huminahon ka"

"Paano ako hihinahon, nag-aagaw buhay si Ayha sa loob ng Hospital na to"

"Magdasal na lang tayo na makaligsal sya sa operasyon" nanlalata akong naupo sa upuan noon.

Blangko ang utak ko. Wala akong pahinga, kain at tulog. Paglapag ng eroplano sa airport, dumeritso agad ako dito sa hospital.
___________________
Afte the operation....

Ipinatawag ako ng Doctor noon.

"She needs to see" sabi noong Doctor at pinatong nya ang kamay nya sa balikat ko.

Dahan-dahan ako sa pagpasok noon.

Halos manlumo ako sa sinapit ni Ayha.

"Ayha?!!" Di ko maligilan ang mga luha ko.
Niyakap ko sya ng mahigpit.

"Tinupad ni Sophia ang pinangako nya, nandito kana sa tabi ko Seb"

"Ayha"
Hinawakan ko ang kamay ni Ayha noong tangkain nyang  alisin ang oxygen nya.

"Seb, humihingi ako ng tawad sa lahat ng nagawa ko sayo" pinatong nya ang kamay ko sa pisngi nya.

"Ssshhhh. Hwag kana munang magsalita, hindi kapa ok"

Hinila nya ang kamay ko, kaya nilapit ko ang mukha ko sa kanya.

"Nagkita na kami ni Sophia kanina, Seb sasama na ako sa kanya"

Pagkasabi nyang yun, may dugong lumabas sa ilong nya. At nahirapan sya sa paghinga noon.

"Ayha, Ayha, gagaling kapa Ok, hwag mong sabihin yan" dahan-dahan kung pinunasan ang dugo sa ilong nya.

Marry Me Garie Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu