Bonus Chapter : I'm Stuck on You

263 14 6
                                    

Sa lahat po ng sumubaybay, naghintay at nagtyagang mambabasa ng MMG, taos puso po akong nagpapasalamat.

Sa mga supporters ng MMGIAG, guys binigyan nyo po ulit ako ng another inspiration para gumawa po ulit ng kakaibang love story.

Sa mga nakadiskobre na po ng 7RWIS, guys advice ko lang, basahin nyo po muna yung MMGIAG, then basahin nyo na po ang 7 RWIS. Guys, i decided na gawan ng Part 2 un, please sana mabasa nyo po.

______________

#MMGBonusChapter...

After Three Years....

Seb's POV...

I took a deep breath....

Kararating lang namin galing ng America. Limang bwan kami doon, hindi kami nagtagal dahil hindi ko matagalan ang ugali ni Ayha. Masyado syang selosa, lahat na lang ng bagay binibigyan nya ng meaning, at yun ang pinakaayoko. Sa Dalawang unang taon naming pagsasama, nagtiis ako dahil akala ko magbabago sya. Pero hindi, habang tumatagal lalong ko syang nakikilala, lulalabas na kasi ang tunay nyang pag-uugali.

"Sa itsura mo mukhang nagkaproblema na naman kayo ni Ayha nuh?!!"puna ni Thevin sa akin

"Wala na akong ibang ginagawa kundi ang intindihin sya Thevin, pero bakit wala syang tiwala sa akin, mahigit tatlong taon na ang nakalipas"

"Insecure lang yun"

"Saan?!"

"Hindi saan, kundi kanino?!" Nagkibit balikat ako sa sinabi ni Thevin.

"Kanino naman?!"

"Kay Garie Syempre" konot-noo nyang sagot

"Tsk, kay Garie, Diyos ko naman, ni hindi ko nga alam kung asan si Garie tapos pagiisipan nya ako nang ganyan?!"

"Seb, alam ni Ayha na kaya mo sya pinili dahil kay Sophia, kung di ka nya tinakot noon, siguro masaya kayo ni Garie ngayon"
Napatingin ako sa malayo noon. Minsan ko na rin ang bagay na yan. Pero huli na ang lahat para sa amin. Nakakulong na ako isang taong walang ibang inisip at ginawa kundi ang paghinalaan at bantayan ang mga kilos at galaw ko .

"Siguro, karma ko na rin to, ginamit ko ai Garie eh"

"Siguro nga Insan"
________________
Nagkabati-bati nA jami ni Nikki at Zhea. Sa katunayan, katuwang ko sila sa Agency doon sa building na ibinigay ko kay Garie. I decided na sila muna ang mamahala doon. Kesa naman nakatengga lang doon, sayang din yung mga raw materials at mga tao diba.

"Saan ka na naman ba galing Sebastian?!" Tanong ni Ayha noong lumagapak ako sa kama namin.

"Sa office"lumapit sya sa akin at inamoy-amoy nya ako at kinapkapan.

"Amoy alak ka ah"

"Dumaan kami sa Bar kanina ni Thevin"

"Wala kaba talagang ibang alam gawin kundi uminom at magpakalasing Seb, anu bang nangyayari sayo huh?!" Galit nyang tanong kaya tinakpan ko ng unsn ang tainga ko

"Tama na pwede" sabi ko then pinikit ko ang mga mata ko

"Araw-araw na lang, kung hindi ka lasing, hindi ka umuuwe, anu ba Seb, nambabae kaba?" I took a deel breath then hinarap ko sya

"Pwede ba, hwag mo akong pagbibintangan" dinuro-doro ko sya

"Kung ayaw mong mapagbintangan, hwag mong iparamdam sa akin na may iba ka"

"ANU PA BANG GUSTO MO AYHA, ASAWA MO NA AKO, NAKATALI NA AKO SAYO, I'M STUCK ON YOU, HINDI KAPA BA KONTENTO?!" bulyaw ko sa kanya

"Magkasama nga tayo, asawa nga kita, nskatali ka nga sa akin, pero bakit hindi mo ko magawang mahalin ng buo ng totoo? Ginagawa ko naman lahat ah, lahat ng gusto mo binibigay ko, kahit nga yung mga hindi ko kaya, pinipilit ko para lang mapantayan ko sya, para makalimutan mo sya eh, SEB HINDI AKO TANGA, AT LALONG HINDI AKO MANHED"
bumangon ako at akmang tatalikuran ko sana sya nh bigla nya akong hinila.

Marry Me Garie Where stories live. Discover now