Chapter 8 : Perfect Date

267 18 0
                                    

Seb's POV

Star City....Snow World...

"Sana magustuhan nya tong hinanda ko"

"Anu ba kasing ginagawa natin dito at pinagsuot-suot mo pa ako ng pang-winter na jacket"

"Relax, just be cool, kunti na lang Garie" tinignan nya lang ako ng masama at saka inirapan, atleast tumingin sya diba?

_____________

Hinawakan ko ang kamay nya at hinila ko na sya papasok sa loob.

Maginaw sa loob kaya ko sya pinag-suot ng makapal na jacket.

"Nilalamig ka?" tanong ko sabay ngumiti sya

"Paano mo nagawa...?" natigilan sya nang kunin ko ang dalawang kamay nya

"Maninigas ang mga kamay mo kaya kaelangan mong suotin to" sinuot ko sa kamay nya ang guwantis na makapal na pareho ng akin.

"Ako na lang" huli na para pigilan nya ako, lumapit ako sa kanya at sinuot ko sa uko nya ang bonet, then sinuot ko sa paano nya yung sapatos na pang ice skating

"I was 7 seven noong matutu akong mag-ice skating, my Mom's took my hand like this" kinuha ko ang dalawang kamay ni Garie at hinawakan ko ng mahigpit

"I can't" nangingig nyang sabi sa akin kaya hinigpitan ko pa lalo ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya

"I won't let you fall" sabi ko saka ko sya hinawakan sa bewang,

"Natatakot ako, hindi ako ganoong kagaling sa pag-balance eh" nginitian ko sya saka ko sya dahan-dahang inalalayan pahakbang

"Come on, step forward, Garie"nagaalangan sya at bakas yun sa mukha nya

"Matutumba ako"

"Hawak ko naman ang kamay mo, at hindi kita bibitawan" sa tingin ko medyo nakombinse ko sya, dahil dahan-dahan nyang inaangat ang paa nya sa yelo

"Please hwag mo kung bibitawan" i nodded then dahan-dahan kaming naglakad

"Just relax, matututunan mo rin mo ring kung paano mag-balance Garie" unti-unti kung binitawan ang kamay nya, pero nakaalalay lang ako sa harap nya, anytime she want to hold iiabot ko lang ang kamay ko para di sya matumba

From the balancing to basic, tinuruan ko naman sya kung paano ang tamang pagtakbo at pagkumpas ng kamay habang tumatakbo, nang sa ganoon matutu na talaga sya

"Just strecth your arms, na para kang lilipad, then dahan-dahan mong itulak paabante ang mga binti mo"

"Oh my god, hindi na ako natutumba Seb" i gave her a big hand at nginitian ko pa sya

"Kunti na lang Garie, malapit na"

"Oo"

"So bibitawan kita, just relax, hwag kang matakot Ok?" she nodded

"Ok sige, kaya ko to" she take deep breath then unti-unti na syang tumatakbo.

Noong makita kung ok na sya eh, tinaas ko ang right hand ko, then nag-tunr on yung dalawang spot light sa tapat nami ni Garie,

"Hey, wanna dance with me Garie"parang nag-slowmo ang buonhg lugar noong abutin ni Garie ang kamay ko at humawak sya ng mahigpit sa balikat ko

"Dancing on the Ice!?" nakangiti nyang sabi na halata ring nanlalamig na

"Sa wakas ngumiti ka rin" pabulong kung sagot sa kanya

"Wala namang rason para sungitan kita ngayon eh" seryoso nya ding sagot sa akin

Marry Me Garie Where stories live. Discover now