Chapter Twenty Two

16.3K 611 80
                                    

Naipasa ko ang exam ko sa Calculus at medyo nakaka-adapt ako sa mabilis na phasing na pagtuturo ng professor namin sa subject na ito. Well, siguro, nagbunga na rin ang dalawang linggong pag-aaral namin ni Stefan. I'm grateful dahil may boyfriend akong concerned sa performance ko sa school. Hinihiling ko lang naman na maging boyfriend siya pero sobra sobra ang binigay niya.

We're not into PDA's. Halos sa bahay lang kaming dalawa nagde-date, of course, with the supervision of my brother. Twice a week lang kaming kumain sa labas at ayos lang naman ako doon. Napakarami rin kasing drawing plates na binigay sa amin at minsan nga feeling ko ay hindi ko na nagagampanan ang pagiging girlfriend ko sa kanya kagaya ngayon.

"Busy pa ko, babe. Hindi ko pa natatapos 'yung ika-7 sheet sa plate ko." I replied to him. Kanina pa siya nagtetext dahil ngayong araw naka-schedule ang date naming dalawa. Kakain sana kami sa labas para naman magkaroon kami ng quality time kahit papaano.

Bihira na lang kaming magkitang dalawa dahil na nalalapit na rin ang final exam. Busy siya sa academics niya kagaya ko. Habang ako naman ay busy sa major plate ko. Ilang segundo lang ang nakalipas noong nag-vibrate muli ang phone ko. Tumatawag na siya.

Ibinaba ko muna ang tech pen na hawak ko at lumayo muna sa drawing table. Mahirap na at baka magkanda-leche-leche pa ang ginagawa ko. Ayaw ko naman magredraw dahil baka mabaliw na ako kapag nag-ulit ako.

Itinapat ko sa tainga ko ang phone ko at narinig ko ang familiar na boses niya, "Just one hour," he pleaded. Gusto ko talagang sumama sa kanya ngayon pero my brother won't allow me to go dahil alam niyang hell week ko ngayon. I have requirements to be passed. Hindi naman ako kagaya ng boyfriend ko na masyadong over qualified sa course na pinili niya. Hindi ako matalino kagaya nila, kaya ang laban ko lang sa kanila ay ang kasipagan ko lang. Also, dad and mom will be home in an hour.

"Hindi talaga pwede, sorry.." I apologized. I heard him sighed at mas lalong dumoble ang guilt ko. Isang linggo na rin pala ang nakakalipas since noong nagkita kami, sobrang malaki ang conflict ng schedule ko sa schedule niya. Hindi halos nagtatagpo ang landas naming dalawa sa school. Busy siya sa sports, sa fraternity at sa pag-aaral niya habang ako naman ay sa pag-aaral, at sa council.

"Babawi ako promise," I reassured him.

"Okay," he mouthed.

"Sorry na," I muttered but he didn't speak for a second, hala, nagtatampo na ata ang baby ko. "Babawi talaga ako, promise. Wala ka bang gagawin? Hindi ba may final exam ka bukas?" tanong ko sa kanya.

"Yes, I have. I will drop this call, sige, aral ka na. Just text me if you need something," he uttered before the line went off. Napasapo na lang ako sa noo ko, what I have done? Gusto ko lang naman makapasa ngayong semester para hindi ako mapagalitan ng parents ko.

Tumingin ako sa mga nakakalat na plates sa drawing table ko. Ugh, bakit ba akong nakokonsensya sa ginawa ko? Understanding naman si Stefan, kaya maiintindihan niya ako and valid naman ang reason ko para tumanggi. I shook my head and concentrate on my major plate that I am doing. Babawi talaga ako, promise.

Kinabukasan, hinatid ako ni Kuya Dax sa school. Kuya's always saying na kaya kong ipasa ang mga Math subjects ko dahil alam niya naman na talagang nag-aral ako para dito. Pero may exam kasi na kahit nag-aral ka ay walang lalabas sa pinag-aralan mo. That's so cruel, hindi ko alam kung paano nasisikmura ng mga prof iyon. Hindi ba sila dumaan sa pagiging estudyante?

I erased those thoughts forming on my head. Baka kasi sa kakaiisip ko ay mag fly-fly ang mga nireview ko.. ng mga nireview nami ni Stefan. I texted him kaninang paggising ko pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang reply. Maybe, he's busy too with his academics.

"Good luck, Lexi. Kaya 'yan, matalino ka. Remember?" said Kuya. Napailing na lang ako habang nag-wave sa kanya. As if namang matalino.

I walked through the corridor and everybody was busy holding their notes. Hell week na nga talaga.

Just in front of our designated room ay nakita ko si Mabella na kakalabas pa lang. I waved a hand on her while she was approaching me, "Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya. Tumingin ako sa relong suot ko kung anong oras na. It says, 10 minutes before the first class.

"Hi, Lex!" she said as she embraced me. "Nagreview ka ba?" tanong niya and I answered yes. Medyo confident naman ako dahil alam ko na may maisasagot ako kahit paano. Ikaw ba namang bigyan ni Lord ng matalinong boyfriend at gwapo. T'was heaven.

"Clark's bugging me. Nanghihiram ng calculator." she said.

"Oh, why? Wala siyang dala?" tanong ko sa kanya.

She shook her head, "No, actually nanghihiram si Clark ng scientific calculator for Stefan. They have exam kasi. You know, I am being a good friend, so, papahiramin ko siya." She uttered. And my face turns sour, "Oh wait," she paused, "Girlfriend ka niya, right?" she asked and I almost raised a brow. Saan pupunta ang usapan na 'to?

"The class is about to start, papasok na ako ng room, Mabella." I said, almost ignoring her. It was just a plain calculator, while me, I surrendered my whole heart to him.

But she's very persistent as she whispered something on my ear, "Do you know where your boyfriend is last night?" she queried.

"Nasa apartment niya, nagrereview. Why?" I answered self-assuredly as I can.

"Oh well, you fŭcking don't know." She whispered as she left me petrified on that spot.

The Bad Boy ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon