Chapter Eighteen

26.2K 1K 195
                                    

Dumaan muna kami ni Stefan para kuhanin ang mga gamit niya. Ngayon na kasi siya mag-oovernight sa bahay namin. Mula kanina ay iniisip ko pa rin kung bakit sinasabi ni Stefan na 'flirt' si Mabella. Hala, hindi kaya umiiral lang ang pagkajudgmental niya? Matagal ko na kayang kaibigan si Mabella at never naman siyang lumandi. I do trust my boyfriend regarding this kaso kaibigan ko 'yung kasama sa usapan. Siguro maniniwala ako sa kanya kung makikita mismo ng mga mata ko.



"Bakit kaya sila nagbreak, babe?" tanong ko kay Stefan na busy sa pagdadrive. Hindi siya lumingon sa akin at hindi rin sinagot ang tanong ko, "Aba, inii-snob mo na ko?" tanong ko sa kanya. Ginamit ko na ang lahat ng super powers ko sa pag-acting para makuha ang atensyon niya. Lumingon siya ng saglit sa akin at nagbuntong hininga. Aba'y effective.



"Don't mind them, pakialaman mo 'yung relasyon natin at huwag sa kanila." Masungit niyang sabi. Muntik ng mapataas ang kilay ko. Wow naman, parang may mali sa sinabi niya.


"Naccurious nga kasi ako, tsaka ano ba Stefan! Kaibigan kaya natin sila. Kaibigan ko si Mabella tapos kaibigan mo rin si Clark. Don't tell me na wala kang pakialam sa mga kaibigan mo?" tanong ko sa kanya.



"We have no right to be nosy. If they want to share things up, they'll share." Simple niyang sagot.



Okay fine, siya na naman ang panalo. Kaya minsan ayaw kong nakikipagdebate kay Stefan, kahit siguro ano 'yung isagot ko sa kanya ay mahihigitan niya. Edi siya na, edi wow.



Tumahimik muna ako dahil marami na namang lumilipad na ideya sa utak ko. Gusto kong malaman 'yung rason kung bakit nagbreak ang dalawa pero siguro, tama rin si Stefan na 'wag na muna kaming mangialam. Hay naku, mahirap talaga kapag involve 'yung friend mo. Hays, napapraning na naman ako.


"Stop frowning, Lex." Sita ni Stefan sa akin.


"I'm not." Sagot ko sa kanya.


"You are."


"Okay," bumuntong hininga siya, "Are you hungry?" tanong niya sa akin. Maagang natapos ang klase namin at alas-tres pa lang ng hapon ngayon. Hindi na gaanong masungit ang boses niya. Hays, ito na ba 'yung hinihintay ko? May surprise ba siya sa first monthsary namin? This is it na ba talaga? Ano kayang pakulo ng lalaking 'to? Pero okay lang kahit wala, ang mahalaga ay going strong ang relationship naming dalawa. Umiinit na naman ang ulo ko kapag naalala ko na naman 'yung eksena niya kanina. Kulang na lang ay manabunot ako dahil sobrang kilig sa kanya.


"Nakakainis ka! Hindi naman first monthsary 'yung tawag dito e!" atungal ko. Kulang na lang ay maiyak na naman ako kapag naalala ko ang date ngayon, "It should be second monthsary." Deklara ko.



Marahan niyang ipinark ang kotse niya sa basement ng mall. Noong nakahinto na ang sasakyan namin ay hinarap niya ako.



Hinawakan niya ang mukha ko ng dalawang kamay niya. Inipit niya ito hanggang umusli ang nguso ko, "What are you saying, baby?" tanong niya at naglalaro sa labi niya ang ngiti.

The Bad Boy ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon