Chapter Twenty One

24.7K 921 115
                                    

Siguro kung sobrang prim and proper ko ay hindi ko makakayanan 'yung mga ginagawa ni Stefan. Sino bang girlfriend ang gustong pagtripan ng boyfriend niya? The fact that his prank wasn't ordinary, sobra kang kakapusin ng oxygen sa lungs. Titigil sandali ang puso mo sa pagbomba ng dugo at pagpapawisan ang mga palad mo. Buti na lang talaga ay may sira rin ako sa utak ko ng very very slight, dahil kung hindi ay masisiraan ako ng bait. Bakit kaya? Siguro dahil sanay na rin ako sa mga prank na ganyan dahil may kuya ako at lahat ng pinsan ko ay puro lalaki. Yes, ako lang ang prinsesa ng buong angkan namin at ako lang ang madalas nilang pagtripan. Hindi naman 'yung trip na masasaktan ako, 'yung tipo ng trip na malakas lang talaga ang kakulitan nila dahil ako lang ang kaisa-isang babae sa tribo namin.

Dumating kagabi si Kuya Dax noong winawarm up ako ni Stefan sa pagrereview. Nasa lapag kaming dalawa ni Stefan at nakasandal sa sofa. "Kumain na kayo?" tanong sa amin ni kuya. Tumango ako sa kanya at kinuha ko ang pasalubong niya.

"Oo naman, kuya. Ikaw kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya.

Mabilis naman siyang sumagot sa akin, "Kumain muna kami ni Sachie bago ako umuwi." Napatango na lang ako sa kanya. Kaya pala sobrang late na siyang nakauwi dahil nag-date pa sila ng clingy na girlfriend niya. "Doon ka sa guest room matutulog," sabi niya kay Stefan at humarap muli sa akin.

"Kuya, paano 'yan kapag nakatulog kaming dalawa sa sala dahil sobrang pagod na pagod ako sa pagrereview?" tanong ko sa kanya na may pagpapaawa.

"Asa kang mapagod ka," masungit na sabi niya sa akin habang tinatanggal ang sapatos, "Baka antukin ka lang sa pagrereview, ano bang subject na aaralin niyo ngayon?" tanong niya kay Stefan. Wow, improving. Close na sila ngayon, naglelevel-up. Kami na lang ata ng girlfriend niya ang hindi naglelevel-up. Well, never. Hindi mangyayari ang bagay na 'yon.

Bakit nga pala ako galit sa girlfriend ni Kuya? First, bukod sa pagiging nagger at clingy niya ay may isa pang rason. Niloko niya kasi si kuya, masyado kasi siyang friendly. Marami siyang friend na lalaki na naging dahilan para lokohin niya si Kuya Dax. Nag two time ang gaga. Napairap na lang ako bigla dahil naaalala ko na naman kung gaano nasaktan 'tong kuya ko. Past is past na nga raw, may isang martir na nagmahal, anong magagawa ko? Kapag ako niloko, no more second chance, break na kung break. Aba, bakit ako magtitiis sa lalaking lolokohin lang pala ako? Ano ako Santa? Never.

Enough of that, masyado ng madrama. I hate drama's, lalo na 'yung mga napapanood sa T.V.? My God, they need a real slap. 'Yung tipong may scene na nasunog na 'yung kontrabida tapos ano itong may plastic surgery na naganap, at nasama pa siya sa huling scene para mag-revenge? Hindi realistic.

"Matutulog ka na?" tanong ko kay Kuya matapos niyang mailagay sa shoe rack 'yung sapatos niya. Tumango siya sa akin at nagpunta sa hagdan.

"Hindi, babantayan ko kayo." Sabi niya na ikinalaki ng mata ko. Paano na lang kung abutin kami ng alas-tres ng madaling araw. Char, kaya ko kaya 'yon? Baka makabored nga lang ako habang nagrereview dahil hindi ko naman forte ang pag-aaral. Pero kung si Stefan ang magtuturo, syempre, baka sipagin ako ng bongga. Malay mo naman for every correct answer na mabibigay ko ay may libreng tsansing sa kanya? That is so worth it, mas lalo akong naeexcite.

"You have work tomorrow, kuya. Baka mapuyat ka lang sa amin kababantay, I promise you, we won't do something unpleasant." I said to him. Grabe ano ba 'tong kuya ko, napakaover protective sa akin. Well, that's good pero grabe, sariling pamamahay naman naming to. Buti pa kung sa apartment ni Stefan e, omg.

"Ikaw," turo niya kay Stefan, "Sumunod ka nga sa akin, mag-usap tayo ng masinsinan." Sabi niya kay Stefan at napataas naman ako ng kilay. Tumayo naman si Stefan at sumunod kay Kuya Dax. Naiwan akong mag-isa dito kaharap ang isang Calculus na libro.

The Bad Boy ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon