Chapter Thirteen

35K 1.1K 153
                                    

"You need to study, Lex," said Stefan. Tinext ko na si Kuya na si Stefan na ang maghahatid sa akin pauwi dahil alam ko namang busy siya. Nakasakay ako sa kotse ni Stefan. Dalawa pala ang kotse niya but sad to say, isa na lang ito since nadisgrasya ang isa niyang kotse.

"Stefan naman, papatayin mo ba ako?" seryosong tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ako saglit ng nakakunot ang noo bago ibinalik sa daan ang tingin.

"What's wrong with that? You need to score 100 again on Calculus. You know Mr. Fuentes' grading system. 70% class standing and 30% for the final exam." he said and I sighed.

Tama nga siya, malamang sa alamang, baka bumagsak ako kapag hindi ako nakascore sa fourth quiz, "Nakakamatay kaya magsolve ng numbers na sinamahan pa ng mga letters. Alam mo 'yun hindi ko naman sasabihin sa tindahan na pabili ako ng derivative ng dx o kaya ano pong limits ng tinda niyo? Gosh, wala akong sense na nakikita," madramang sabi ko.

"But you need to learn that," he retorted, "Math is easy, Lex. You just need to learn the principles and the basic way of solving it. Even though the professor gave you the hardest problem, you can solve that," he added.

"Ayun nga ang mahirap, Stefan e. Magbibigay sila ng madadaling examples pero bobombahin ka naman ng mahihirap na items sa quiz. Nasaan ang hustisya?" pagpapatuloy ko sa kadramahan ko.

"Okay, let's have a deal." he said. Tumaas ang kilay ko dahil ano na namang pakulo ito ni Stefan.

"Deal na naman?! E hindi pa nga ako nakakamove-on sa Valdez-Sy na nilagay mo sa papel ko e. Grabe ka, kinilig ako kaso natameme ako. Walanghiya ka, sobrang nawala ang poise ko doon." sabi ko. He laughed.

"Enough of that," he cajoled, "Hindi sa lahat ng oras ay papakopyahin kita, Lex. You need to strive hard," seryoso niyang sabi.

Binuksan ko ang phone ko at pinindot ang camera app. Itinaas ko ito at nagpose, "Smile!" sabi ko kay Stefan. Ngumiti ako sa pinakacute kong pose habang si Stefan naman ay nakasimangot.

"Ugh! I hate you! Bakit hindi ka ngumiti?" tanong ko at tumitig ng bongga sa first official picture naming dalawa, "First picture natin 'to e!" naiiyak na sabi ko. Ipinakita ko sa kanya ang picture at tumaas naman ang kilay niya.

"I'm still cute there," he said and then he chuckled. A sexy chuckle to be specific.

"I hate you! Picture ulit tayo!" naiinis na sabi ko at itinaas ang picture para magpicture ulit, "Babe naman, alam kong gwapo ka kahit anong pose pa 'yan kaso ayusin mo naman. Gagawin kong wallpaper e," sabi ko at tumango tango siya.

"On the count of three. One.. two.. three!" I said and then clicked the shutter. Napatili na lang ako bigla dahil ang cute naming dalawa. Nakangiti ako habang si Stefan naman ay nakahawak sa steering wheel at nakangiti. Sobrang gwapo niya. Ang haba ng pilikmata niya at sobrang firm ng jawline niya. Sobrang nakaka-envy ang set ng ngipin niya. Parang inukit ng isang beteranong iskultor ang tangos ng ilong niya at parang strawberry sa pula ang mga labi niya.

"Gagawin ko 'tong profile picture sa facebook at instagram!" nangingiting sabi ko at ipinost ko na sa dalawang social apps ko ang picture naming dalawa.

"You are diverting the topic, Lexilei Venice," he said. Ang akala ko ay matatakasan ko na ang pag-aaral ng Calculus na 'yan.

"Mag-aaral na nga ako basta ikaw ang tutor ko," sabi ko at lumiko siya para maipark ng maayos ang kotse niya.

"That's a deal," he said, "Can I get your mom or your dad's phone number? Or your brother's phone number will do." sabi niya.

"Ano namang sasabihin mo?" tanong ko sa kanya at ipinagbukas niya ako ng pinto ng isang mamahaling restaurant, "Nako ha? Huwag mo naman akong isumbong kay Papa dahil bad shot palagi ako doon. Alam mo naman, sobrang talino ng kuya ko. Lahat ata ng talino nila ay nakuha ni Kuya at ako ang nakasalo ng tira nila, kaya malamang sa alamang, magagalit na naman 'yun sa mga umuulan kong tres at 2.75 sa report ng grades ko," sinundan ko siya maglakad at nag-gesture siya sa waiter para sa menu.

The Bad Boy ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon